Nasasabik kaming ianunsyo ang paglulunsad ng dynamic “leverage na batay sa equity”, na magpapaganda sa pamamahala namin sa risk kapag nagti-trade sa iba’t-ibang market sa buong mundo. Dahil ito ang solusyon na kalimitang ginagamit sa industriya, ginawa na rin namin ito bilang tugon sa kagustuhan ng mga kliyente. Ipinagmamalaki naming maging parte ng patuloy na dedikasyon sa pagpapatupad ng nagbabago-bagong pangangailangan ng mga kliyente.
Inilabas kasabay ng bagong-bagong Optimus account, ang dynamic leverage na batay sa equity ay nagbibigay-daan para bigyan ng kumpiyansa ang mga trader at sumasalamin ito sa pangako namin na maging broker na nakatutok sa kliyente. Tingnan natin kung paano ito tumatakbo.
Leverage na batay sa equity: Paano ito tumatakbo?
Di tulad ng fixed na leverage, kung saan nananatili ang ratio anuman ang kondisyon ng account, ang leverage na batay sa equity ay nagbabago-bago nang real-time batay sa equity ng account ng trader. Magagamit ito sa panahon ng hindi inaasahang kondisyon sa market.
Halimbawa, ang matinding paggalaw sa market ay maaaring humantong sa biglaang pagbabago ng equity. Gayunpaman, di na kailangang mag-aalala ng traders sa overexposure. Tumatakbo sa likod ang sistema para mapanatili ang naaangkop na lebel ng risk para sa mga susunod na order sa market.
Magagamit na ngayon sa lahat ng klase ng account na Mini, Standard+, ECN Zero, PRO, at sa bagong Optimus account, dahil sa leverage na batay sa equity, napapabuti ang pag-trade sa lahat ng instrument maliban sa crypto derivatives. Bukod dito, para masigurado na mapapakinabangan ng traders ang bagong sistema, binabago namin ang leverage batay sa klase ng account, klase ng asset, at mahahalagang pangyayari sa market. Para sa iba pang detalye kung paano ipinapataw ang leverage, tingnan ang pahina tungkol sa Mga Klase ng Leverage.
Ang Inilabas na Bagong Optimus Account
Hindi kami tumigil sa pagpapaganda ng leverage sa iba’t-ibang klase ng account. Maliban sa pagpapakilala ng leverage na batay sa equity, naglabas din kami ng bagong klase ng account na idinisenyo para sa napakagandang karanasan sa day trading – ang Optimus account.
“Natutuwa kami na natutugunan namin ang hiling ng mga kliyente sa pamamagitan ng pagpapatupad nitong bagong sistema sa leverage kasabay ng iba pa naming mga alok”, saad ni Mr. Zeybo, ang Global Head of Business Development. “Kaya naman inilunsad din namin ang Optimus account, na talagang makakapagbigay sa day traders ng bentahe na kailangan nila para magtagumpay.”
Dahil makakapagbigay ito ng leverage na hanggang 1:5000 na pinakamataas sa industriya, tugma ang bagong Optimus account sa pangangailangan ng day traders. Di lamang ito bagong adisyon sa mga produkto namin, binabago din nito ang takbo ng industriya, na bagay sa aming sistema sa leverage na batay sa equity. Magkasama nitong tinatakda ang bagong pamantayan pagdating sa kakayahang mag-trade, magkontrol, at mamahala ng risk. Tingnan ang artikulo namin para sa iba pang impormasyon tungkol sa Optimus account.
Tuklasin na ang kapangyarihan ng leverage na batay sa equity
Sa FXGT.com, nakatutok kami para palakasin ang traders sa tulong ng tools na kailangan nila para magtagumpay. Ngayon ang tamang oras para dalhin sa susunod na lebel ang trades mo. Sa bagong Optimus account, na sinabayan ng leverage na batay sa equity, lalakas ang kakayahan mong mag-trade at mas wais mong mapapamahalaan ang risk sa markets sa buong mundo. Kaya wag mo na itong pakawalan — sumali na sa FXGT.com at maranasan ang pagkakaiba na maidudulot sa trades mo nitong broker na nakatutok sa mga kliyente.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.