Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Kritikal na Linggo para sa Ethereum: Tinututukan ang Desisyon sa ETF at Mahalagang Support Zone
17 May 2024 | FXGT.com

Kritikal na Linggo para sa Ethereum: Tinututukan ang Desisyon sa ETF at Mahalagang Support Zone

  • Kritikal na Sandali: Humaharap ang Ethereum sa kritikal na pangyayari, kung saan kasalukuyan itong tumatakbo sa itaas ng sikolohikal na lebel na $3,000 at nagpapakita ng senyales ng support sa itaas ng 200-araw na EMA channel, na dalawang beses nang nasubok simula noong umpisa ng Mayo.
  • Sideways na Consolidation: Nitong nakaraang buwan gumagalaw nang sideways ang Ethereum, kung saan nagpapalipat-lipat ito sa pagitan ng high na $3,333 at low na $2,820. Nananatili ito sa itaas ng 200-araw na EMA channel pero sa ilalim ng 45-araw na EMA channel, na nagpapahiwatig ng bearish na momentum sa katamtamang panahon, ngunit isang potensyal na accumulation area sa pangmatagalang panahon.
  • Pagkukumpara ng Performance: Hindi nakaranas ang Ethereum ng matinding pagtaas na tulad ng nakamit ng Bitcoin sa loob ng nakaraang 12 buwan. Tumaas ang Bitcoin ng 150% kumpara sa Ethereum na 68%. Halata ang pagkakaibang ito sa ETHBTC pair, na humaharap sa dalawang-taong low. Pababa na ang takbo ng presyo ng Ethereum simula noong hindi nito naabot ang $4,085 na lebel noong Marso 2024. Mas bumaba pa ito ng 25% mula sa high na iyon, at 38% mula sa all-time high na $4,940. Nagti-trend din ito nang pababa sa loob ng malaking bumababang channel mula noong kalagitnaan ng Marso, nang hindi nagbi-breakout sa magkabilang direksyon.
  • Tinitingnan na Technical na Lebel: Kasalukuyang sinusubok ng market ang mahalagang zone sa pagitan ng $2,800 at $3,000. Importante ito di lamang sa pagiging buong numero at pagtutugma sa 200-araw na EMA, kundi minamarkahan din nito ang 50% lebel sa pagitan ng all-time high noong Nobyembre 2021 at tatlong-taong low na $930 noong Hunyo 2022. Kaya naman, ito ang presyo sa gitna ng saklaw na presyo nitong nakaraang tatlong taon.
  • Bullish Reversal Pattern: Dahil sa double bottom bullish reversal pattern sa itaas ng $2,880, may senyales ng pangunang pwersa na bumili, kaya binabaliktad nito ang panandaliang pananaw patungong bullish. Kasalukuyang sinusubok ng market ang panandaliang resistance sa $3,050. Kapag nalagpasan ang lebel na ito, matatahak ang arawang resistance zone sa pagitan ng $3,200 at $3,300, na kasalukuyang dumedepensa sa pababang momentum sa katamtamang panahon. Mahalagang malagpasan ito, dahil sesenyas ito ng pagbaliktad mula sa bullish na momentum sa arawang chart, at malaki ang tyansa na makapanghikayat pa ito ng mas marami pang bibili.
  • Kasalukuyang Arawang Lebel: Habang nananatili ang Ethereum sa pagitan ng mahalagang arawang resistance at support sa itaas ng $2,880, pwedeng magpatuloy ang sideways na consolidation habang hinihintay ng market ang susunod na magpapagalaw dito. Sesenyas ng bearish na galaw ang pagbagsak ng presyo sa ilalim ng mahalagang support, na malamang magresulta sa mas malalim na pangmatagalang correction.
  • Nalalapit na Desisyon sa ETH ETF: Maaaring bumalik ang interes sa Ethereum dahil sa nalalapit na desisyon sa ETH ETF na ilalabas sa Mayo 23. Kapag positibo ang resulta, maaaring makakuha ito ng malaking atensyon, na magpapaganda sa pangmatagalang takbo dahil magkaka-access ang mga institusyonal na pondo sa investment vehicles na nasa Ethereum lamang. Sa kabilang banda, kapag naantala o tinanggihan ito, pwedeng mapahaba ang sideways na consolidation habang binubusisi ng market ang mas malawak na crypto market para sa iba pang aspeto na magpapagalaw dito.
  • Atensyon sa Mahahalagang Lebel: Kritikal dapat na subaybayan ang mahahalagang lebel sa loob ng paparating na linggo, habang umuugong ang usap-usapan tungkol sa desisyon sa ETF. Makikita sa kaugalian ng market kung saan papunta ang momentum, dahil mahalaga ito sa pagpapahiwatig sa direksyon ng presyo sa panandaliang panahon. Malaki ang tyansa ng hindi kasiguraduhan habang inaabangan ang desisyon ng SEC sa Mayo 23, kaya pwedeng malimitahan ang patuloy na bullish na galaw sa panandaliang panahon.

Arawang Chart ng ETHUSD

4 na Oras na Chart ng ETHUSD

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.