Home / Blog / Kategorya / Pagsusuri sa Market / Sinusubok ng EURGBP ang £0.85 Support Level Bago Ilabas ang Mahalagang Pulong ng ECB
29 May 2024 | FXGT.com

Sinusubok ng EURGBP ang £0.85 Support Level Bago Ilabas ang Mahalagang Pulong ng ECB

Nagigipit ang EURGBP: Nitong nakaraang dalawang linggo, bumagsak ang EURGBP mula sa high na £0.8620 na naabot noong Mayo 10, papunta sa low na £0.85. Naglalagay ng pwersa dito ang paparating na rate cuts ng ECB, na baliktad sa mas mataas na inflation na nagpapaantala sa inaasahang rate cut ng BoE, kaya mataaas ang tyansa na lumaki pa ang agwat ng interest rates nito.

Inaasahang Rate Cut ng ECB: Tinataya ng market na magkakaroon ng 25-basis point rate cut ang ECB sa susunod na linggo, at wala nang aasahang dagdag na pagbabawas sa Hulyo. Mas mabilis na bumababa ang core inflation sa Eurozone kumpara sa US at UK, kaya sinusuportahan nito ang pamamalakad ng ECB na magbawas ng rates.

Datos sa Inflation sa UK: Ayon sa ulat na mas malaking CPI kaysa sa inaasahan, nananatiling mataas ang pwersa ng inflation sa UK, kaya nauurong ang potensyal na panahon kung kailan magpapatupad ng rate cuts ang BoE.

Mahalagang Support sa £0.85: Kritikal ang £0.85 na lebel, na nagmamarka sa ibabang hangganan ng pangmatagalang range na umiiral nitong nakaraang dalawang taon. Mahalaga ang papel nitong lebel sa takbo ng market, kung saan huli itong sinubok at nabigo noong Agosto 2023.

Mga Panandaliang Resistance Level: Nakabuo ang market ng sideways na consolidation sa pagitan ng low na £0.8490 at high na £0.8530, na may agarang panandaliang resistance sa £0.8520. Dinedepensahan ng £0.8530 ang pababang momentum sa katamtamang panahon, kung saan inaasahang magpapatuloy ang bearish na pwersa habang nasa ilalim ng lebel na ito.

Bearish na Trend: Dahil sa malakas na bearish trend sa arawang timeframe, may pahiwatig na magpapatuloy ang trend sa pagbagsak sa ilalim ng £0.85 support level, kung saan aasahan ang matinding pagtaas-baba dahil sa paghamon sa lebel na ito. Basta’t mananatili ang market sa ilalim ng £0.85 support level, aasahang bibilis ang pagbagsak, na magreresulta sa panibagong low sa loob ng dalawang taon. Tanging ang retracement at arawang pag-close pabalik sa itaas ng £0.85 ang magpapahiwatig ng humihinang downward na momentum, na siyang magtutulak sa muling pagsusuri nito sa panandaliang panahon.

Potensyal na Bullish Reversal: Dahil sa kahalagahan ng £0.85 support level, may potensyal na magkaroon ng bullish reversal. Kapag nalagpasan ang panandaliang resistance sa £0.8520, pwede nitong baliktarin ang sentimyento ng market, at magmamarka ng mas matibay na panandaliang reversal ang paggalaw sa itaas ng £0.8530.

Datos sa Inflation ng Eurozone: Kritikal ang datos sa inflation na ilalabas sa Biyernes para malaman kung anong aasahan ng market sa magiging pamamalakad ng ECB. Kapag mas mahina ang inflation, papalakasin nito ang tyansa na magkaroon ng maagang rate cut. Kaya lang, kapag biglang tumaas ang inflation, pwede itong maantala, at potensyal na tumaas-baba ang pair, na magbibigay suporta sa euro.

Mga Aasahan ng Market: Kailangang paghandaan ng traders ang potensyal na pagbaliktad ng market batay sa inaabangang pagbabago sa pamamalakad ng ECB at nalalapit na datos sa inflation ng Eurozone at UK. Napakahalaga ng mga aspetong ito sa paghubog ng palitan ng EURGBP sa panandaliang panahon.

1 Oras na Chart ng EURGBP

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.