Home / Blog / Kategorya / Pagsusuri sa Market / Tina-target ng Bullish na Takbo ng EURJPY ang ¥165.50
4 Abril 2024 | FXGT.com

Tina-target ng Bullish na Takbo ng EURJPY ang ¥165.50

  • Nakakakuha ng Pataas na Momentum: Mas lalo pang nakakuha ng momentum ang EURJPY dahil sa paghina ng Japanese yen, kung saan nakapagtala ito ng kamangha-manghang 5.80% na pagtaas mula magsimula ang taon.
  • Indikasyon ng Patuloy na Paglakas: Nagpapahiwatig ng patuloy na paglakas ang pinakabagong pagbawi nitong pair mula sa arawang EMA channel, na sumesenyas na gumalaw pa ito tungo sa panibagong highs. Nakatutok sa ngayon ang pag-retest sa mga nakaraang peak sa ¥165.50, habang tumatakbo papunta sa ¥170 na lebel ang pangmatagalang target.
  • May Nakikitang Malaking Resistance: Kapansin-pansin ang paggalaw tungo sa mahalagang sikolohikal na resistance sa ¥170, na huling naabot noong Agosto 2008. Sa lebel na ito, nagkaroon dati ng matinding pagbagsak pagkatapos ng 2008 financial crisis.
  • Pagsuporta sa Uptrend: Nananatiling matatag ang uptrend na istraktura basta’t mananatili ang presyo sa ¥162.50 na threshold, na natukoy bilang huling kumpirmadong bottom na nabuo sa arawang timeframe.
  • Overbought na Kondisyon: Ayon sa RSI indicators sa 1 oras at 4 na oras na timeframe, overbought na ang kondisyon, na nagpapahiwatig ng posibleng pagtatapos at panandaliang corrective na pagbaba.
  • Intraday na Support Level: Para sa intraday na takbo, mahalaga ang nakikitang support levels sa ¥164.40 at ¥164. Maaaring makapaghikayat ang mga lebel na ito ng bullish na traders na naglalayong patakbuhin ulit ang momentum sa alinmang panandaliang corrective waves.

1 Oras na Chart ng EURJPY

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.