31 May 2024 | FXGT.com
Nakabawi sa $1.0850 ang EUR sa Gitna ng Mas Mataas na Inflation sa Eurozone
Higit pang Bumawi ang Euro sa Gitna ng Pag-aalala sa Inflation: Tumaas ang euro tungo sa $1.0850, kaya higit pa itong nakabawi mula sa dalawang-linggong low na $1.08. Resulta ito ng mas mataas na inflation sa Eurozone kumpara sa inaasahan, na nakadagdag sa di kasiguraduhan sa takbo ng magiging rate cut ng ECB ngayong taon.
Datos sa Inflation sa Eurozone: Lumagpas kaysa sa inaasahan ang headline inflation sa Eurozone tungo sa 2.6% ngayong Mayo, habang sumipa naman sa 2.9% ang core inflation, na higit pang bumawi mula sa low noong nakaraang buwan. Dahil sa mas mataas na inflation kaysa sa inaasahan, nabibigyang-diin ang pagiging kumplikado ng trabaho ng ECB, dahil kailangan nilang balansehin ang pagtugon sa inflation at ang mas malawak na kondisyon sa ekonomiya ng Eurozone.
Implikasyon sa Patakaran ng ECB: Bagamat hindi mapipigilan ng inflation ang ECB na babaan ang rates sa pulong nito sa susunod na Huwebes, pwede itong maging dahilan para mas mag-ingat pa ang mga tagapangasiwa tungkol sa ipapatupad na rate cuts sa mga susunod na buwan. Binigyang-diin ng mga tagapangasiwa ng ECB na kailangan pa ring dumepende sa datos at umiiwas sila sa pagbibigay ng nakatakdang takbo nito.
US Dollar Index: Halos hindi gumalaw nitong linggo ang US Dollar Index pagkatapos ng pagtaas nito noong Miyerkules at correction noong Huwebes. Ang correction ay dulot ng mas mabagal na paglago ng GDP sa US ngayong Q1 kaysa sa inaasahan, kung saan ayon sa bagong tanya lumago ang ekonomiya ng 1.3% kumpara sa pangunang tantya na 1.6%.
Nalalapit na Datos sa US Core PCE Inflation: Tinututukan na ngayon ng investors ang datos sa US core Personal Consumption Expenditures (PCE) Price Index para sa Abril na ilalabas mamaya. Inaasahang lumago ng 0.3% MoM at 2.8% YoY ang core PCE inflation. Kapag hindi nagbago o tumaas ang inflation, pwedeng babaan ng traders ang pag-asang magkaroon ng rate cuts ang Fed sa Setyembre, pero baliktad naman ang epekto kung mas mababa ang magiging halaga nito.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .