4 June 2024 | FXGT.com
Sumipa ang EUR/USD sa 6 na Linggong High Dahil sa Ipinapakitang Pagbagal ng Ekonomiya ng US
Sumipa sa Bagong Highs ang EUR/USD: Umakyat ang EUR/USD pair sa pinakamataas nitong lebel simula noong Marso, kung saan nalagpasan nito ang $1.09 na marka sa unang ilang oras nitong Martes. Ito ay pagkatapos ng tatlong-araw na sunod-sunod na pagtaas ng euro, na resulta ng senyales ng bumabagal na ekonomiya ng US.
Epekto ng Datos ng ISM PMI sa US: Dahil sa nakakadismayang datos sa ISM PMI sa US noong Lunes, nabigyang-diin ang pagbagal ng aktibidad sa manufacturing, kaya napagtitibay ang pag-asang magpatupad ang Federal Reserve ng rate cut sa huling bahagi ng taon. Nakadagdag ito ng pwersa sa US dollar at sumuporta sa pagtaas ng EUR/USD pair.
Maingat na Sentimyento ng Market: Sa kabila ng pataas na galaw, nananatiling maingat ang traders bago ang pulong ng European Central Bank sa Huwebes. Naghahanap ng gabay ang investors mula sa mga opisyal ng ECB tungkol sa pinakabagong projection sa ekonomiya, lalo na dahil sa inflation ng Eurozone nitong Mayo. Inaasahang mag-uudyok ito ng higit pang direksyonal na paggalaw sa EUR/USD.
Inaasahang Rate ng ECB: Mataas ang pag-asang magpapatupad ng 25-basis point cut ang ECB ngayong linggo. Nahirapan ang ekonomiya ng Europa dahil sa halos zero na GDP, kaya malamang na magkaroon ng rate cut para suportahan ang mga aktibidad sa ekonomiya. Isang pag-aalala ang inflation sa Eurozone, pero dahil sa kamakailang usad sa pagkontrol ng presyo, nagkaroon ng pagkakataong magkaroon ng potensyal na rate cuts.
Mga Paparating na Ilalabas na Datos: Sinusubaybayan ng traders ang macroeconomic data sa US mamaya, kabilang ang JOLTs Job Openings at Factory Orders, para sa dagdag na panandaliang oportunidad sa pag-trade. Isang mahalagang pangyayari ngayong linggo ay ang ulat sa US Nonfarm Payrolls sa Biyernes. Pwede itong makaimpluwensya sa sentimyento ng market at makapagbigay ng karagdagang linaw sa magiging kinabukasan ng ekonomiya. Pananaw sa Magiging Pamamalakad ng Fed: Matatapos sa Hunyo 12 ang susunod na pulong ng Federal Reserve tungkol sa pamamalakad nito, na sabay sa ilalabas na datos sa presyo ng mga bilihin. Hindi inaasahan ng mga analyst na magbabago ang pamamalakad sa pulong na ito, pero babaguhin ng mga opisyal ang kanilang projection pagdating sa ekonomiya at interest rates. Inuusisa ang patuloy na patakaran ng Fed sa pagkakaroon ng mataas na interest rate, at masusing susubaybayan ang nalalapit
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .