Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Galaw ng EURUSD sa Market Pagkatapos Ilabas ang Datos sa Services PMI
4 Abril 2024 | FXGT.com

Galaw ng EURUSD sa Market Pagkatapos Ilabas ang Datos sa Services PMI

  • Epekto ng Pagbagal ng Paglago ng mga Serbisyo sa US: Nagresulta sa kamakailang pagbaba ng dolyar ang hindi inaasahang pagbagal ng serbisyo sa US, pero maingat pa ring pinag-uusapan ang interest rate cut, kung saan binibigyang-diin ni Jerome Powell ang kahalagahan ng higit pang datos at pagdedebate.
  • Pagbawi ng Euro: Nagtala ang euro ng higit sa 1% pagtaas mula noong low nitong Martes, kung saan nakabawi ito sa itaas ng $1.08 sa gitna ng mas mahina kaysa sa inaasahang datos sa inflation ng Europa. Nananatili ang kalamangan ng interest rate ng US dollar, pero sinasamantala ng euro ang kasalukuyan nitong lakas.
  • May Haka-haka sa Rate Cut ng ECB sa Hunyo: Pagkatapos ng mas mahina sa inaasahang datos sa inflation ng Eurozone, tumataas ang posibilidad na magkaroon ng rate cut ngayong Hunyo ang European Central Bank (ECB). Bumaba sa 2.4% ang inflation nitong Marso kumpara noong nakaraang taon, na mas mababa sa inaasahang 2.6%.
  • Nalagpasan ang Inaasahang Services PMI sa Eurozone: Naitala sa 51.5 ang panghuling Services Purchasing Managers’ Index (PMI) para sa Eurozone, kung saan nalagpasan nito ang inaasahang halaga na 51.1, na nagpapahiwatig ng dahan-dahang pagbawi at kaunting paglago sa sektor ng mga serbisyo.
  • Nalagpasan din ang Forecast sa Composite PMI: Ang panghuling composite PMI ng Eurozone, na pinagsasamang serbisyo at manufacturing, ay naitala sa 50.3, kung saan nalagpasan nito ang forecast na 49.9. Nagpapahiwatig ito ng kaunting paglawak sa pangkalahatang negosyo sa buong Eurozone.
  • Paghihintay sa Minutes ng Pulong ng ECB: Ang minutes ng pulong ng ECB na ilalabas mamaya ay makakapagbigay ng pananaw sa opinyon ng bangko sentral at potensyal na rate cut sa Hunyo.
  • Atensyon ng Market: Nakatutok ngayon ang market sa US labor data na ilalabas sa Biyernes, kung saan may 58% posibilidad ang futures pricing na magkaroon ng Fed rate cut sa Hunyo. Nananatiling kritikal na pangyayari ang ulat sa Non-Farm Payrolls (NFP) dahil maiimpluwensyahan nito ang takbo ng market, at inaasahang mag-iingat ang mga nasa market bago ito ianunsyo.  
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Mga kategorya
Tag
Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.