19 July 2024 | FXGT.com
Bumaba ang Euro Pagkatapos ng Desisyon ng ECB Habang Tumaas ang Dolyar Dahil sa Datos sa US
Bumagsak ang Euro Pagkatapos ng Desisyon ng ECB: Bumagsak ang euro sa ilalim ng $1.0900 nitong Huwebes, kung saan umurong ito mula sa apat na buwang high noong Miyerkules sa $1.0947, pagkatapos hindi baguhin ng ECB ang interest rates nito. Sumasalamin ‘tong pagbaba sa tugon ng market sa hindi pagdedesisyon ng ECB at patuloy na hamon sa ekonomiya ng Eurozone. Samantala, tumaas ang dollar index dahil sa positibong US labor market at datos sa manufacturing.
Desisyon ng ECB at Komento ni Lagarde: Hindi binago ng European Central Bank (ECB) ang rates nito, at hindi nagbigay ng malinaw na gabay ang Pangulong si Christine Lagarde tungkol sa mga magiging kilos sa hinaharap. Binigyang-diin niya ang patuloy na pwersa ng lokal na presyo at mas matagal na inflation na mas mataas sa target. Sumasalamin ito sa hindi kasiguraduhan kung sapat na ba ang pagbagal ng inflation sa Eurozone para magpatupad ng mas maluwag na pamamalakad, kaya hindi pa ngayon alam ang magiging susunod na hakbang ng ECB.
Inaasahan ng Market: Sa kabila ng kasalukuyang pag-aalinlangan ng ECB, inaasahan pa rin ng market na maaaring ipagpatuloy ng ECB ang pagbabawas ng interest rates sa nalalapit na pulong. Ang pag-asang ito ay batay sa paniniwala na ang humihinang banta ng inflation ay magbibigay-daan para makatutok ang bangko sentral sa paglago ng ekonomiya. Inaasahan ngayon na magpapatupad ang ECB ng dalawa pang rate cuts ngayong taon, na pwedeng magsimula sa Setyembre.
Datos sa Labor Market ng US: Tumaas ng 20,000 patungong 243,000 ang pangunang jobless claims, kaya nalagpasan ang inaasahang 230,000. Makikita ito bilang pana-panahong pagtaas-baba sa halip na mahalagang pagbaliktad ng market, na sumesenyas na nananatiling matatag ang labor market sa kabila ng pagdami ng claims.
Aktibidad sa Manufacturing Sa US: Tumaas ngayong Hulyo ang manufacturing sa Mid-Atlantic, na resulta ng pagsipa ng bagong orders. Nagpapahiwatig ito ng malakas na aktibidad sa sektor na ‘to, na nakakatulong sa lakas ng US dollar.
Nalalapit na Anunsyo ng Federal Reserve sa Pamamalakad Nito: Inaasahang iaanunsyo ng Federal Reserve ang susunod nitong kilos sa katapusan ng Hulyo. Hindi inaasahan ng market na magkakaroon ng pagbabago sa interest rates sa pulong ngayong Hulyo, pero mataas ang pag-asa na magpapatupad ng hindi bababa sa 0.25% rate cut sa Setyembre. Sinusuportahan ‘tong pananaw ng bagong komento ng mga opisyal ng Fed at mga tagapaghiwatig sa ekonomiya.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .