Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Napanatili ng Euro ang Pagtaas Pagkatapos ng Rate Cut ng ECB, Tinututukan ang Nonfarm Payrolls sa US
7 June 2024 | FXGT.com

Napanatili ng Euro ang Pagtaas Pagkatapos ng Rate Cut ng ECB, Tinututukan ang Nonfarm Payrolls sa US

Desisyon ng ECB: Napanatili ng euro ang posisyon nito sa itaas ng $1.0880 pagkatapos ibalita ng European Central Bank (ECB) ang inaasahang rate cut na 25 basis points. Kaya lang, malamang na manatili ang inflation sa itaas ng 2% hanggang sa huling parte ng 2025, kaya nababawasan ang pagkasabik sa higit pang pagluluwag ng patakaran.

Binagong Datos sa Inflation at Paglago ng Ekonomiya: Ayon sa baong projection, nagbago pataas ang inflation at paglago ng ekonomiya ngayong 2024. Nanatili sa 1.9% ang sukat ng inflation sa katamtamang panahon hanggang 2026, kaya sinusuportahan nito ang tinatayang halaga. Nagbago naman ang GDP para sa 2024 mula 0.6% patungong 0.9%, kaya sumesenyas ng potensyal na pagbawi ng ekonomiya pagkatapos ng limang quarter ng pagbagal.

Tugon ng Market: Tumugon ang financial markets sa pamamagitan ng pagbawi ng inaasahang rate cut sa hinaharap, na sumasalamin sa binagong forecast sa ekonomiya ng ECB. Ang pagbawing ito, na sinamahan ng mas matindi kaysa sa inaasahang datos sa pangunang jobless claims sa US, ay nakatulong sa pagtaas ng EUR/USD pair.

Datos sa Trabaho sa US: Ayon sa bagong datos, lumalabas na humihina ang labor market ayon sa Job Openings and Labor Turnover Survey (JOLTS) nitong Abril na nagpapakita ng 8.059M bagong trabaho, na mas mababa kumpara sa 8.35M noong Marso. Ayon sa ulat ng ADP nitong Mayo, nagkaroon ng 152K bagong trabaho sa pribadong sektor, na mas mababa sa inaasahang 173K, habang tumaas naman ang pangunang jobless claims patungong 229K, na mas mataas sa inaasahang 220K.

Tumaas ang Espekulasyon ng Rate Cut Dahil sa Mas Mahinang Macro Data sa US: Pagkatapos ng sunod-sunod na nakakadismayang datos sa ekonomiya, nagkaroon ng espekulasyon na maaaring magpatupad ang Fed ng dalawang quarter-point rate cuts ngayong taon. Inaasahan ng investors ang mas mahinang Nonfarm Payrolls sa katapusan ng araw, kung saan posibleng mas mababa sa forecast na 185,000 ang pagdami ng mga trabaho.

Tumataya ang Market sa Potensyal na Fed Cuts: Bagamat hindi inaasahang magpapatupad ng pagbabago ang Federal Open Market Committee (FOMC) sa susunod nitong pulong, kasalukuyang tinataya ng market na magkakaroon ng 50 basis point rate cuts pagdating ng katapusan ng Disyembre. Nakikita ang Setyembre bilang pinakamalaking tyansa ng pagpapatupad ng unang rate cut.

Tinututukan ang Ulat sa Trabaho sa US: Ang nalalapit na ulat sa NFPs ay pwedeng makaimpluwensya nang husto sa desisyon ng Federal Reserve sa interest rates sa susunod nitong pulong. Kapag mas mataas kaysa sa inaasahan ang datos, pwedeng maantala ang interest rate cuts, habang kapag nakakadismaya ito, tataas ang tyansa na magkaroon ng rate cut sa Setyembre, na kasalukuyang tinatayaan ng market sa halos 70%.

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.