Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Nakabawi ang Euro sa Itaas ng 1.0650, na Tinulak ng Positibong Datos sa PMI ng Germany sa Kabila ng Mahinang PMI sa US
23 Abril 2024 | FXGT.com

Nakabawi ang Euro sa Itaas ng 1.0650, na Tinulak ng Positibong Datos sa PMI ng Germany sa Kabila ng Mahinang PMI sa US

  • Takbo ng EURUSD: Bagamat nananatili ito malapit sa limang-buwan na low, naging matatag ang euro sa itaas ng $1.0650, pagkatapos ilabas kanina ang positibong flash PMI sa Germany.

  • Paglago ng Ekonomiya: Ayon sa PMI ngayong Abril, ito na ang pinakamalakas na paglago ng mga negosyo sa Eurozone sa loob ng halos isang taon. Kapansin-pansin ang pagtaas ng Germany pagkatapos ng siyam na buwan na paghina, na sumesenyas ng potensyal na pagbawi ng ekonomiya.

  • Pananaw sa Patakaran ng ECB: Ayon sa bagong komento ng mga opisyal ng ECB, handa na silang babaan ang interest rate na pwedeng mag-umpisa sa Hunyo. Inaasahan ng market ang hanggang tatlong rate cuts na mangyayari sa pagtatapos ng 2024.

  • US S&P Global Composite PMI: Bumagsak patungong 50.9 ang composite PMI ngayong Abril mula 52.1, na nagpapahiwatig ng pagbagal sa paglago ng pribadong sektor. Nakaranas din ng paghina ang sektor ng manufacturing, kung saan bumaba ang PMI patungong 49.9 mula sa nakaraang 51.9. Ganito din ang sektor ng mga serbisyo, kung saan bahagyang bumaba ang PMI mula 51.7 patungong 50.9.

  • Pagbaliktad ng Sentimyento ng Market: Bagamat positibo ang mga tagapaghiwatig ng ekonomiya sa Europa, nagpipigil ang mas malawak na sentimyento ng market dahil sa patuloy na pag-aalala sa inflation sa US. Nagresulta ito sa katamtamang tyansa na magkaroon ng rate cut sa parehong ECB at Federal Reserve.

  • Papalapit na Mahalagang Datos: Nakatutok na ang mga investor sa nalalapit na datos sa inflation ng US na ilalabas sa Biyernes, na makakapagbigay ng mahalagang pananaw sa magiging desisyon sa pamamalakad ng mga malalaking bangko sentral sa hinaharap.

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.