Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Lumakas ang Euro Dahil sa Inaasahang Rate Cut ng ECB
6 June 2024 | FXGT.com

Lumakas ang Euro Dahil sa Inaasahang Rate Cut ng ECB

Umabot ang Euro sa 2-Buwang High: Nagti-trade ang euro sa ilalim ng resistance level sa bandang $1.09, na halos umabot sa pinakamataas nitong lebel sa loob ng dalawang buwan, habang inaabangan ng traders ang rate cut na ipatutupad ng European Central Bank (ECB) ngayong araw.

Mga Nagpapagalaw sa Market: Ang lakas ng euro laban sa dolyar ay inimpluwensyahan ng mas mababang pag-asa na magpapatupad pa ng malaking rate cuts ang ECB ngayong taon, kasabay ng mas mataas na taya sa pagluluwag ng pamamalakad sa US. Tututukan ngayon ang komunikasyon ng ECB tungkol sa magiging pagluluwag sa hinaharap at risk ng inflation.

Inaasahang Rate Cut: Inaasahang magpapatupad ang ECB ng 25-basis point cut sa tatlong mahalagang rate sa hiraman, ang unang ganitong kilos simula noong 2016. Malaki ang pagbabawas na ito, dahil tumutugon ito sa lumuluwag na pwersa ng inflation kaysa sa pinansyal na krisis.

Espekulasyon ng Magiging Rate Cut ng ECB: Tinataya ng market na lubhang mababawasan ang pag-asang magkakaroon ng dagdag na rate cuts ngayong taon, lalo na noong bumilis ang inflation patungong 2.6% noong Mayo, at nalagpasan ang inaahasang paglago ng ekonomiya at pasahod. Bagamat inaabangan ang interest rate cut ngayong araw, hindi malinaw ang tiyempo ng ECB sa dagdag na cuts, na nagpapahiwatig na dedepende isa datos ang karagdagang rate cuts ngayong taon.

Datos sa Ekonomiya ng US: Ayon sa US ISM Services PMI nitong Mayo, malakas ang performance nito, na sumipa mula 49.4 patungongo 53.8. Kaya lang, dahil sa bumabagal na labor market, na ipinapakita ng mas mababa kaysa sa inaasahang US JOLTs Job Openings at ADP Employment Change, tumaas ang pag-asang magpapatupad ang Fed ng rate cut sa Setyembre. Ipinapakita na ngayon ng CME FedWatch tool na may 68% tyansa ng rate cut sa Setyembre, na mas mataas ng 50% mula noong nakaraang linggo.

Nalalapit na Datos sa US NFPs: Pagkatapos ng magiging desisyon ng ECB mamaya, tututukan naman ng investors ang US Nonfarm Payrolls (NFPs) para sa Mayo, na ilalabas sa Biyernes. Inaasahang ipapakita sa ulat na nagkaroon ng 185,000 bagong trabaho, mula sa dating 175,000. Mahalaga ang datos sa trabaho sa US sa paghubog ng magiging pamamalakad ng US sa pananalapi.

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. ¬†Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk¬†dito.