Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Nalagpasan ng Eurozone ang Inaasahang Paglago: Implikasyon sa Pamamalakad ng ECB
30 Abril 2024 | FXGT.com

Nalagpasan ng Eurozone ang Inaasahang Paglago: Implikasyon sa Pamamalakad ng ECB

  • Inflation Rate sa EU: Ayon sa pinakabagong datos ng Eurostat, naging patag sa 2.4% ang inflation sa Europa nitong Marso, na tugma sa inaasahan ng market. Kapansin-pansin na bahagyang bumaba patungong 2.7% mula 2.9% ang core inflation rate, na hindi naglalaman ng mga tumataas-baba na bagay tulad ng pagkain at enerhiya.
  • Paglago ng GDP sa Eurozone: Tumaas ng 0.3% ang ekonomiya ng Eurozone nitong unang quarter ng taon, na lumagpas sa inaasahan na kaunting paglago na 0.1%. Ito na ang pinakamataas na naitala simula noong ikatlong quarter ng 2022, na nagpapahiwatig ng matinding pagbawi mula sa mabagal na usad na naobserbahan noong 2023.
  • Implikasyon sa Pamamalakad ng ECB: Pwedeng mabawasan ang pagkakaroon ng agad-agad na agresibong rate cuts ng European Central Bank (ECB) dahil sa kamakailang pagbawi ng ekonomiya at pagdahan-dahan ng inflation rates. Inilahad ng mga opisyal ng ECB na sinusuportahan nila ang pagpapataw ng rate cuts sa Hunyo, pero lumalabas na hindi ito sigurado ayon sa mga aksyon nila sa pamamalakad.
  • Paghihiwalay sa Pamamalakad sa Pananalapi: Dahil potensyal na bababaan ng European Central Bank ang rates nila sa Hunyo, at ang US Federal Reserve ay hindi inaasahang magbabawas ng rates hanggang Setyembre, maaaring magdulot ng mas matinding pagtaas-baba sa EURUSD ang magkaibang kilos nitong mga bangko sentral. Dahil sa magkaibang panahon ipatutupad ang mga naturang patakaran, pwede nitong maapektuhan nang husto ang halaga ng currency at takbo ng pag-trade.
  • Nalalapit na Pangyayari sa Ekonomiya: Inaabangan na ng mga nasa market ang ilalabas na US ADP Employment Change at ISM Manufacturing PMI, na inaasahang makakapagbigay ng mas malalim na pananaw na pwedeng makaimpluwensya sa pamamalakad ng Federal Reserve. Bukod dito, nananatiling nakatutok ang market sa presscon ng Federal Reserve bukas, kung saan inaasahan ang mas hawkish na paninindigan ng Chair nito na si Jerome Powell.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.