Mula noong huling bahagi ng Hunyo, nagti-trade pataas ang EURUSD pair, na sinusuportahan ng mahahalagang technical indicator, kasabay ng malinaw na support at resistance levels na nakapagbigay ng potensyal na target para sa mga trader. Gayunpaman, sa ilalabas na ulat tungkol sa Nonfarm Payrolls, maaaring maapektuhan ang desisyon ng Federal Reserve kaugnay ng rate cuts, depende sa lakas ng pagdami ng mga trabaho.
Mahahalagang Pangyayari sa Ekonomiya na may Matinding Epekto
Nagti-trend pataas ang EURUSD pair mula noong Hunyo 26, pagkatapos nitong makabawi mula sa 1.06651. Mula noon, patuloy na nagpakita ng mas mataas na peaks at mas mataas na troughs ang Australian dollar at ang US dollar, na nagpapahiwatig ng matibay na uptrend. Sa kabila ng pababang correction kamakailan kung saan nakahanap ng support ang presyo sa 20-period Exponential Moving Average (EMA), nananatiling matatag ang pataas na trend ng EURUSD. Sa partikular, mas mataas ang 20-period EMA kumpara sa 50-period EMA, at nagti-trade ang presyo sa itaas ng parehong EMAs. Bukod dito, nakapagtala ang Momentum oscillator at ang Relative Strength Index ng halaga na mas mataas sa baseline na 100 at 50, ayon sa pagkakabanggit.
Mahahalagang Resistance Levels
Kung sakaling mapapanatili ng bulls ang kontrol nila sa market, maaaring malipat ang atensyon ng traders sa apat na potensyal na resistance levels sa ibaba:
1.12000: Ang unang target na presyo ay namataan sa 1.12000, na kumakatawan sa high na naitala noong Agosto 26. 1.13078: Ang ikalawang target na presyo ay natukoy sa 1.13078, na tugma sa 161.8% Fibonacci extension na ginuhit mula sa swing high na 1.12000 papunta sa swing low na 1.10251. 1.14302: Ang ikatlong target ay nakita sa 1.14302, na sumasalamin sa 423.6% Fibonacci extension na ginuhit mula sa swing high na 1.10073 papunta sa swing low na 1.08803. 1.14825: May isa pang dagdag na target na natukoy sa 1.14825, na kumakatawan sa 261.8% Fibonacci extension na ginuhit mula sa swing high na 1.12000 papunta sa swing low na 1.10251.
Mahahalagang Support Levels
Kung sakaling makukuha ng mga nagbebenta ang kontrol sa market, maaaring isaalang-alang ng traders ang apat na potensyal na support levels sa ibaba:
1.10251: Ang unang support line ay natukoy sa 1.10251, na kumakatawan sa swing low na naitala noong Setyembre 3. 1.09384: Ang ikalawang support level ay nasa 1.09384, na sumasalamin sa lingguhang support (S2) na nakalkula gamit ang standard Pivot Point method. 1.07764: Ang ikatlong support line ay natukoy sa 1.07764, na tugma sa swing low na namataan noong Agosto 1. 1.06651: May isa pang dagdag na pababang target na naobserbahan sa 1.06651, na sumasalamin sa low na nabuo noong Hunyo 26.
Fundamentals
Noong Huwebes, humina ang US dollar laban sa ibang malalaking currency habang inaabangan ng mga investor ang US Nonfarm Payrolls sa Biyernes, na pwedeng makaimpluwensya sa magiging desisyon ng Federal Reserve tungkol sa interest rate cuts. Dahil sa bagong senyales ng humihinang ekonomiya ng US, tumaas ang tyansa na magkaroon ng rate cuts, kasabay ng pag-aalala ng Fed Chair na si Jerome Powell tungkol sa humihinang labor market. Sa kabila ng pagbaba ng jobless claims, nananatili ang pangamba na bumaliktad ang ekonomiya. Hati ang opinyon ng market sa pagitan ng 25 o 50 basis point rate cut sa nalalapit na pulong ng Fed.
Kung magpapakita ang Nonfarm Payrolls ng malakas na pagdami ng mga trabaho, bababa ang tyansa na magpatupad ang Federal Reserve ng 50 basis point rate cut. Ang magandang datos sa trabaho ay nangangahulugan ng tumitibay na ekonomiya, na pwedeng makapagdagdag sa pwersa ng inflation. Sa kabilang banda, kung mahina ang datos sa payrolls, tataas ang tyansa na magkaroon ng mas malaking 50 basis point rate cut. Ang mahinang datos sa mga trabaho ay sumesenyas ng pagbagal ng ekonomiya, kaya pwede nitong udyukin ang Fed na bawasan ang rates para itulak ang paglago ng ekonomiya. Ang magiging desisyon ng Fed ay dedepende sa pagbabalanse ng inflation kasabay ng pagsuporta sa ekonomiya.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, bagamat sumusunod ang EURUSD pair sa pataas na trend na may malinaw na support at resistance levels, kritikal ang papel ng inaabangang US Nonfarm Payrolls pagdating sa magiging desisyon ng Federal Reserve sa interest rates. Kapag malakas ang paglago ng mga trabaho, bababa ang tyansa na magkaroon ng malaking rate cuts. Sa kabilang banda, kapag mahina ang datos mula dito, pwede nitong itulak ang Fed na magpatupad ng mas agresibong pagluluwag sa pamamalakad. Kailangang maging handa ng traders sa mga naturang pangyayari, dahil pwede nitong maimpluwensyahan ang direksyon ng market at magiging pamamalakad ng bangko sentral sa mga nalalapit na linggo.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.