Nakakaranas ng pataas na trend ang EURUSD simula noong unang bahagi ng Hulyo, kung saan umakyat ito mula sa low na 1.06656 patungo sa peak na 1.10080 sa simula ng Agosto. Impluwensya ito ng pag-asang magkakaroon ng rate cut sa Setyembre at dahil sa humihinang pwersa ng inflation, kaya nababawasan ang apela ng US dollar.
Pinapaigting ng mga technical indicator ‘tong bullish na sentimyento, kung saan makikita ang presyo sa itaas ng 50-period na EMA, at ang Momentum oscillator ay nasa itaas ng baseline na 100. Kaya lang, may negatibong pagkakaiba sa presyo at momentum, na nagpapahiwatig ng potensyal na correction sa nalalapit na panahon.
Mahahalagang Pangyayari sa Ekonomiya
Miyerkules 09:00 AM (GMT+0) – Europa: Pagbabago sa mga Trabaho QoQ (EUR)
Miyerkules 09:00 AM (GMT+0) – Europa: GDP QoQ (EUR)
Biyernes 06:00 AM (GMT+0) – UK: Retail Sales MoM (GBP)
Biyernes 12:30 PM (GMT+0) – USA: Mga Building Permit (USD)
Pagsusuri sa Chart
Patuloy na tumataas ang EURUSD simula noong bumagsak ito sa low na 1.06656 noong unang bahagi ng Hulyo hanggang sa maabot ang peak na 1.10080 noong Agosto 5. Nagtutulak sa presyo ng EURUSD ang nalalapit na rate cut ngayong Setyembre, na sinabayan ng humihinang pwersa ng inflation, kaya hindi masyado maganda ang pagtingin sa US dollar sa ngayon.
Sinusuportahan ng 50-period Exponential Moving Average (EMA) at ng Momentum oscillator ang pagiging bullish nitong currency pair. Sa partikular, kasalukuyang nasa itaas ng EMA ang presyo nito, habang nagpapakita naman ang Momentum oscillator ng halaga na mas malaki kaysa sa baseline na 100. Bukod dito, nasa pagitan ng 50 at 70 ang linya ng Relative Strength Index. Kapag mas mabusisi itong sinilip, makikita ang negatibong pagkakaiba sa pagitan ng presyo at ng Momentum oscillator, na nagbibigay ng babala sa potensyal na correction sa downside.
Mahahalagang Resistance Levels
Kung sakaling mapapanatili ng mga bumibili ang kontrol nila sa market, pwedeng mapunta ang atensyon ng traders sa apat na potensyal na resistance levels na nakalagay sa ibaba:
1.10080: Makikita ang unang target na presyo sa 1.10080, na tugma sa peak na namataan noong Agosto 5.
1.10612: Tinataya na nasa 1.10612 ang pangalawang target, na nakalkula bilang (R2) resistance gamit ang lingguhang Pivot Point method.
1.10865: Natukoy ang pangatlong target na presyo sa 1.10865, na sumasalamin sa 161.8% Fibonacci extension sa pagitan ng swing high na 1.10080 at ng swing low na 1.08810.
1.11144: May nakitang dagdag na resistance sa 1.11144, na tumutugma sa (R3) resistance at nakalkula gamit ang lingguhang Pivot Point method.
Mahahalagang Support Levels
Kung sakaling makukuha ng mga nagbebenta ang kontrol sa market, maaaring isaalang-alang ng traders ang apat na potensyal na support levels na nakalagay sa ibaba:
1.09475: Natukoy ang pangunahing downside target sa 1.09475, na sumasalamin sa peak na namataan noong Hulyo 17.
1.08810: Ang pangalawang support level ay nasa 1.08810, na kumakatawan sa trough ng pinakabagong swing na natukoy noong Agosto 8.
1.08072: Ang ikatlong support line ay makikita sa 1.08072, na kumakatawan sa (S2) support na nakalkula gamit ang lingguhang Pivot Point method.
1.07770: Naobserbahan ang isa pang downward target sa 1.07770, na kumakatawan sa trough na nabuo noong Agosto 1.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, bagamat nasusuportahan ang pataas na trend ng EURUSD dahil sa pabor na kondisyon sa ekonomiya at mga technical indicator, kailangan pa ring mag-ingat dahil sa umuusbong na senyales ng potensyal na correction sa market. Malamang na magkaroon ng malaking papel ang mga nalalapit na pangyayari sa ekonomiya tungkol sa magiging susunod na direksyon nitong pair.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.