Ngayong linggo, tatahakin ng market ang iba’t-ibang pangyayari sa ekonomiya habang binibigyang-diin ng technical analysis ng S&P 500 ang tuloy-tuloy na uptrend mula umpisa ng Agosto. Lalo pang napaigting ang bullish na momentum dahil sa nabuong “Golden Cross” sa pagitan ng 20 at 50-period EMAs, kasabay ng 50-basis-point rate cut ng Federal Reserve. Tinututukan na ngayon ng traders ang mahahalagang resistance at support levels, na nakakapagbigay ng madiskarteng target na presyo habang patuloy na nagpapakita ang market ng malakas na paggalaw tungo sa isang direksyon.
Mga Pangyayari sa Ekonomiya na may Matinding Epekto
Huwebes 01:45 AM (GMT+3) – New Zealand: GDP QoQ (NZD)
Huwebes 04:30 AM (GMT+3) – Australia: Pagbabago sa mga Trabaho (AUD)
Huwebes 14:00 (GMT+3) – UK: Opisyal na Bank Rate (GBP)
Huwebes 15:30 (GMT+3) – USA: Unemployment Claims (USD)
Biyernes 02:30 AM (GMT+3) – Japan: BOJ Policy Rate (JPY)
Biyernes 15:30 (GMT+3) – Canada: Retail Sales MoM (CAD)
Pagsusuri ng Chart
Mula Agosto 5, patuloy na nakakaranas ng uptrend ang S&P 500, na matutukoy sa serye ng mas mataas na highs at mas mababang lows, na lalo pang sinuportahan ng “Golden Cross” double crossover sa pagitan ng 20 at 50-period Exponential Moving Averages (EMAs). Lalo pang napagtibay at napabilis ng double crossover ang bullish na momentum, kaya umigting ang pataas na takbo ng Index. Bagamat pansamantala itong bumaliktad, umabot ang Index sa panibagong all-time high na 5694.78, kaya nalagpasan ang nakaraang record noong Hulyo. Ang pataas na galaw ay resulta ng 50-basis-point rate cut ng Federal Reserve, na lalo pang nakapagdagdag ng momentum sa market.
Ayon sa technical indicators kabilang ang 20 at 50-period EMAs, pati ang Momentum oscillator at ang Relative Strength Index (RSI), magpapatuloy pa ang bullish na trend. Ang panandaliang EMA ay nagti-trade sa itaas ng mas mahabang EMA, at nasa itaas nitong dalawa ang price action, na nagpapahiwatig ng lakas ng market. Bukod dito, nakaposisyon ang Momentum oscillator sa itaas ng baseline na 100, at ang RSI ay nasa itaas ng 50 na lebel, kaya lalo pang nakumpirma ang pataas nitong galaw. Kapag binusisi ito, sumesenyas ng potensyal na downside correction ang pagkakaroon ng negatibong paghihiwalay sa pagitan ng presyo at ng Momentum oscillator.
Gamit ang Fibonacci retracement tool sa nakaraang swing high na 5657.68 at swing low na 5385.01, matutukoy ang tatlong potensyal na target na presyo: 5826.19, 6098.86, at 6540.04. Makakapagbigay ang mga ‘to ng potensyal na magiging lebel kung sakaling magpapatuloy ang kasalukuyang trend.
Mahahalagang Resistance Levels
Kung mapapanatili ng bulls ang kontrol nila sa market, maaaring malipat ang atensyon ng traders sa apat na potensyal na resistance levels sa ibaba: 5694.78: Ang unang resistance ay nasa 5694.78, na tugma sa all-time high na naabot noong Setyembre 18. 5826.19: Ang pangalawang target na presyo ay natukoy sa 5826.19, na kumakatawan sa 161.8% Fibonacci extension sa pagitan ng swing high na 5657.68 at ng swing low na 5385.01. 5951.81: Ang ikatlong target ay namataan sa 5951.81, na tugma sa lingguhang resistance (R3) na natantya gamit ang standard method. 6098.86: May isa pang target na presyo na natantya sa 6098.86, na sumasalamin sa 261.8% Fibonacci extension na ginuhit mula sa swing high na 5657.68 pababa sa swing low na 5385.01.
Mahahalagang Support Levels
Kung makukuha ng mga nagbebenta ang kontrol sa market, maaaring isaalang-alang ng traders ang apat na potensyal na support levels sa ibaba: 5566.90: Ang unang support level ay natukoy sa 5566.90, na kumakatawan sa magkakahalong technical indicators: ang peak na nabuo noong Agosto 1, ang 20-period Exponential Moving Average (EMA), at ang 23.6% Fibonacci retracement sa pagitan ng swing low na 5091.15 at ng swing high na 5694.78. 5478.96: Ang ikalawang support level ay nakaposisyon sa 5478.96, na nagmamarka sa 38.2% Fibonacci retracement sa pagitan ng swing low na 5091.15 at ng swing high na 5694.78. Tumutugma din ito sa lingguhang support (S1) na nakalkula gamit ang standard pivot point method, na nagpapatibay sa kahalagahan nito bilang technical support level. 5385.01 Ang ikatlong support line ay natukoy sa 5385.01, na sumasalamin sa arawang low na naitala noong Setyembre 6 at tumutugma sa 50% retracement sa pagitan ng low na 5091.15 at ng high na 5674.06. 5313.56: May isa pang pababang target na naobserbahan sa 5313.56, na sumasalamin sa 61.8% Fibonacci retracement sa pagitan ng low na 5091.15 at ng high na 5674.06.
Fundamentals
Kasunod ng pansamantalang sunod-sunod na pagtaas pagkatapos ilabas ng Federal Reserve ang desisyon na bawasan ang interest rates ng 50 basis points, umurong ang market noong sumenyas ang Fed Chair na si Jerome Powell na hindi kailangang agad na magkaroon ng malalaking rate cuts. Bagamat tinulak nito ang stocks sa all-time highs, nagbenta rin ang traders dahil sa naturang balita, kaya natapos ang arawang session ng S&P 500 na mas mababa ng 0.15%.
Sa kabila nito, noong isinulat ang artikulong ito, tumaas ng mahigit 0.98% ang S&P 500 sa session ngayong araw, na sumasalamin sa positibong momentum sa market.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, nagpapatuloy ang pataas na direksyon ng S&P 500 dahil sa 50-basis-point rate cut ng Federal Reserve, na sinuportahan ng “Golden Cross” sa pagitan ng 20 at 50-period EMAs. Natukoy ang mahahalagang resistance at support levels, at masusi nang sinusubaybayan ng traders ang mga naturang target habang pinapanatili ng market ang bullish na momentum. Nagiging kumplikado ang pananaw ng market dahil sa mga mangyayari sa ekonomiya, tulad ng desisyon sa rates at datos sa mga trabaho.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.