Nakakaranas ang EURUSD pair ng uptrend simula noong makabawi ito mula sa low na 1.06651 noong Hunyo 26, na pinalakas ng “Golden Cross” sa pagitan ng 20 at 50-period EMAs noong Hulyo 11. Nakapagdagdag ng momentum sa bullish na trend ang 50-basis-point rate cut ng Federal Reserve. Ang pagpapatuloy ng pataas na galaw ay sinusuportahan ng technical indicators tulad ng Exponential Moving Average, pati ng Momentum oscillator na mas mataas sa 100, at RSI na mas mataas sa 50. Makikita ang mahahalagang resistance levels sa 1.12000, 1.12462, 1.13956, at 1.16374.
Mga Pangyayari sa Ekonomiya na may Matinding Epekto
Biyernes 02:30 AM (GMT+3) – Japan: BOJ Policy Rate (JPY)
Biyernes 15:30 (GMT+3) – Canada: Retail Sales MoM (CAD)
Pagsusuri sa Chart
Nakakaranas ng uptrend ang EURUSD currency pair mula noong Hunyo 26, pagkatapos nitong tumalbog sa low na 1.06651. Tuloy-tuloy ang naitalang pagtaas, kung saan may serye ng mas mataas na peaks at mas mataas na troughs, na sinuportahan pa lalo ng “Golden Cross” double crossover na namataan noong Hulyo 11 sa pagitan ng 20 at 50-period Exponential Moving Averages (EMAs). Pinaigting ng double crossover ang bullish na momentum, na siyang nagtulak sa pataas na trend nitong pair. Bagamat bahagya itong bumagsak noong umpisa ng Setyembre, nakabuo ito ng non-failure swing kaya nagpatuloy ang pataas na galaw, na pinalakas ng 50-basis-point rate cut ng Federal Reserve at nakapagdagdag ng higit pang momentum sa market.
Ayon sa technical indicators tulad ng 20 at 50-period EMAs, pati ang Momentum oscillator, at Relative Strength Index (RSI), may senyales na pagpapatuloy ang bullish na trend. Nagti-trade ang mas maikling EMA sa itaas ng mas mahabang EMA, at nasa itaas nito pareho ang price action, na nagpapahiwatig ng lakas ng market. Bukod dito, nakaposisyon ang Momentum oscillator sa itaas ng baseline na 100, habang matatag rin sa itaas ng 50 ang lebel ng RSI, kaya lalo pang nakumpirma ang pataas na takbo.
Gamit ang Fibonacci retracement tool, batay sa kamakailang swing high na 1.11539 at swing low na 1.10007, may natukoy na tatlong potensyal na target: 1.12462, 1.13956, at 1.16374. Makakapagbigay ang mga naturang lebel ng aabangang presyo kung sakaling magpapatuloy ang kasalukuyang trend.
Mahahalagang Resistance Levels
Kung sakaling mapapanatili ng bulls ang kontrol nila sa market, maaaring malipat ang atensyon ng traders sa apat na potensyal na resistance levels sa ibaba: 1.12000: Ang pangunang resistance ay nasa 1.12000, na tugma sa pinakamataas na presyo ng palitan na naabot ngayong 2024. 1.12462: Ang ikalawang target na presyo ay natukoy sa 1.12462, na kumakatawan sa 161.8% Fibonacci extension sa pagitan ng swing high na 1.11539 at ng swing low na 1.10007. 1.13956: Naitala ang ikatlong target sa 1.13956, na sumasalamin sa 261.8% Fibonacci extension sa pagitan ng swing high na 1.11539 at ng swing low na 1.10007. 1.16374: May isa pang target na presyo na natantya sa 1.16374, na tumutugma sa 423.6% Fibonacci extension na ginuhit mula sa swing high na 1.11539 at swing low na 1.10007.
Mahahalagang Support Levels
Kung sakaling makukuha ng mga nagbebenta ang kontrol sa market, maaaring isaaalang-alang ng traders ang apat na potensyal na support levels sa ibaba: 1.10572: Ang unang support level ay natukoy sa 1.10572, na sumasalamin sa lingguhang Pivot Point (PP) na natantya gamit ang standard method. 1.10007: Ang ikalawang support level ay nakaposisyon sa 1.10007, na tugma sa trough na naitala noong Setyembre 11. 1.09470: Ang ikatlong support line ay namataan sa 1.09470, na sumasalamin sa peak na nabuo noong Hulyo 17. 1.07764: May isa pang dagdag na pababang target na naobserbahan sa 1.07764, na kumakatawan sa arawang low mula Agosto 1.
Fundamentals
May matinding epekto sa palitan ng EURUSD ang ipinatupad na 50-basis-point rate cut ng Federal Reserve. Dahil sa mas mababang interest rates, binawasan ng Fed ang pagiging kaaya-aya ng US dollar para sa mga investor na naghahanap ng mas mataas na kita. Dahil dito, humina ang dolyar laban sa euro, na humantong sa pagtaas ng EURUSD pair. Sumasalamin ito sa tugon ng market kung saan binabawasan ng mas mababang rates sa US ang kaugnay na kita sa assets na nasa dolyar, kaya nagiging mas kaaya-aya ang euro kumpara dito. Dahil dito, tumaas ang palitan ng EURUSD, na sumasalamin sa mas mataas na demand para sa euro at mas mababang demand sa dolyar dahil sa desisyon ng Fed.
Pangkalahatan
Nagpapatuloy ang pataas na takbo ng EURUSD pair, na sinusuportahan ng bagong non-failure swing at 50-basis-point rate cut ng Federal Reserve. Nagpapahiwatig ang mahahalagang technical indicators at resistance levels na maaaring magpatuloy ang bullish na trend, na may potensyal na target sa 1.12462, 1.13956, at 1.16374. Kung babaliktad ang trend, magiging kritikal ang support levels sa 1.10572, 1.10007, 1.09470, at 1.07764. Humina ang US dollar dahil sa ipinatupad na rate cut ng Fed, kaya lalo pang tumaas ang palitan ng EURUSD pair.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.