Nagtulak sa napakaaktibong market ang desisyon ng Federal Reserve na bawasan ang interest rates ng 50 basis points, kaya umabot ang S&P 500 sa panibagong record highs at lumakas ang stocks sa buong mundo. Umaasa ang mga investor na makakatulong ito para gawing mas maayos ang ekonomiya ng US, lalo na’t dahil may mga positibong senyales tulad ng mas malakas na retail sales kumpara sa inaasahan, kaya naiibsan ang pag-aalala sa potensyal na recession.
Kaya lang, ramdam pa rin ang pag-iingat. Nagpahiwatig ang Fed Chair na si Jerome Powell na hindi dapat natin asahan ang mas agresibong rate cuts sa lalong madaling panahon, kaya may ilang traders na nag-umpisang “ibenta ang balita” pagkatapos ng pangunang pagtaas nito. Kahit na bahagya itong umurong, maraming analyst ang may maganda pa ring pagtingin dahil sa malakas na technical signals at targets na nagpapahiwatig na pwedeng magpatuloy ang pagtaas ng S&P 500.
Panandaliang Pagtaas dahil sa Rate Cut ng Fed, pero Umurong din sa Gitna ng Pag-aalala ng Market
Sa isang malakas na senyales tungo sa pagsuporta sa ekonomiya, binawasan ng Federal Reserve ang interest rates ng 50 basis points, na nagmamarka sa una nitong pagbabawas sa loob ng apat na taon. Noong una, nagresulta ito para tumaas ang mga stock market sa all-time highs, kung saan umakyat ng 1% ang S&P 500. Kaya lang, sandali lang ito dahil nagbabala ang Fed Chair na si Jerome Powell na hindi dapat asahan ang mas malaking rate cuts sa lalong madaling panahon. Dahil dito, napilitan ang ilang traders na “ibenta ang balita,” na humantong para mawala ang kinita ng S&P 500 at mag-close nang mas mababa ng 0.3%. Magkahalo ang reaksyon ng mga analyst: para sa ilan, ang pagbabawas ng rate ay sumasalamin sa pagiging normal ng pamamalakad at hindi bilang tugon sa krisis, habang para sa iba, nagdududa sila sa pangangailangang magkaroon ng agresibong pagluluwag. Sa kabila ng agarang pag-urong ng market, marami pa ring eksperto ang may magandang pananaw tungkol sa pangmatagalang takbo, na nagpapahiwatig na maaaring suportahan ng mas mababang rates at malakas na paglago ng kita ang mas mataas na presyo ng stocks, basta’t mananatiling matatag ang ekonomiya at babantayan ang antas ng inflation.
Lumakas ang Global Markets dahil sa Magandang Pananaw Kaugnay sa Rate Cut ng Fed
Tumaas ang stocks sa buong mundo pagkatapos ilabas ng Federal Reserve ang desisyon na bawasan ang interest rates ng 50 basis points, para sa layuning dalhin ang ekonomiya ng US tungo sa mas hinay-hinay na pagbabago. Tumaas ng mahigit 1% ang S&P 500 at Nasdaq 100 futures, habang nakaranas din ng pagtaas ang mga market sa Europa at Asya. Dahil sa rate cut, tumaas ang pag-asa na maiiwasan ng US ang recession, kung saan 75% ng mga rumesponde sa survey ng Bloomberg ang umaasahang hindi magkakaroon ng technical recession sa susunod na taon. Samantala, hindi binago ng Bank of England ang rates nito, habang sinundan ng Hong Kong Monetary Authority ang pagbabawas ng rates ng Fed, kaya mas naginhawaan ang mga may utang. Tumaas rin ang mga commodity tulad ng oil at gold, habang humina ang dolyar laban sa malalaking currency.
Umabot ang S&P 500 sa Panibagong All-Time High Habang Umakyat ang Market Bago ang Rate Cut ng Fed
Noong Martes, umabot ang S&P 500 sa panibagong all-time high, na nagmamarka sa una nitong record sa loob ng mahigit dalawang buwan, kung saan tumaas ito ng ‘sing laki ng 0.7% patungo sa intraday peak na 5,670.81, na lagpas sa huling record na naitala noong Hulyo 16. Nakaranas ito ng pagtaas dahil sa inaasahang rate cut ng Federal Reserve—ang una sa loob ng 4.5 taon—na nakatakdang ilabas noong Miyerkules. Dahil sa mga positibong tagapaghiwatig ng ekonomiya tulad ng retail sales ng Commerce Department ngayong Agosto, humina ang tyansa ng pinangangambahan recession ng market nitong tag-init. Noong Setyembre 19, nakapagtala ang S&P 500 ng panibagong all-time high na 5694.78. Naabot rin ang Dow Jones Industrial Average ang bagong intraday high na 42199.70, habang nakapagtala ang Nasdaq Composite Index ng arawang pagtaas na 2.19%.
Tumaas ng $710.8B ang Retail Sales sa US nitong Agosto, kaya Nabawasan ang Pangamba sa Recession
Iniulat ng US Census Bureau ang pangunang tantya ng retail sales at benta ng mga serbisyo sa pagkain sa US nitong Agosto 2024 na umabot ng $710.8B. Sumasalamin ito sa 0.1% na pagtaas kumpara noong nakaraang buwan at 2.1% na pagtaas kumpara noong Agosto 2023. Dahil sa katamtamang paglago sa gastusin ng mga konsyumer, humina ang pangambang magkakaroon ng recession. Tumaas ng 2.3% ang kabuuang benta mula Hunyo hanggang Agosto kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Tinaasan pataas mula 1.0% patungong 1.1% ang pagbabago mula Hunyo hanggang Hulyo 2024. Tumaas din ng 0.1% ang retail trade sales mula Hulyo, habang nagpapakita ng malakas na pagtaas na 7.8% YoY ang non-store retailers, at sumipa ng 2.7% mula Agosto 2023 ang mga inuman at serbisyo sa pagkain.
Inaabangan ng S&P 500 ang Panibagong Highs
Mula Agosto 5, tuloy-tuloy na nakakaranas ng uptrend ang S&P 500, na natukoy dahil sa serye ng mas mataas na highs at mas mataas na lows, na sinuportahan pa ng “Golden Cross” double crossover sa pagitan ng 20 at 50-period Exponential Moving Averages (EMAs). Mas lalo pang pinalakas at pinabilis ng double crossover ang bullish na momentum, kaya umigting ang pataas na takbo nitong Index. Pagkatapos ng panandaliang pagbaba, nakabawi ito patungo sa all-time high na 5,694.78, na lagpas sa nakaraang record na naitala noong Hulyo. Resulta ito ng desisyon ng Federal Reserve na bawasan ng 50 basis points ang interest rates, na nakapagbigay ng dagdag na momentum sa market.
Ayon sa technical indicators kabilang ang 20 at 50-period EMAs, pati ang Momentum oscillator at Relative Strength Index (RSI), magpapatuloy pa ang bullish na trend. Nagti-trade ang mas maikling EMA sa itaas ng mas mahabang EMA, at parehong nasa itaas nito ang price action, na sumesenyas sa lakas ng market. Bukod dito, nakaposisyon ang Momentum oscillator sa itaas ng baseline na 100, at nasa itaas rin ng 50 na lebel ang RSI, kaya nakumpirma pa lalo ang pataas na galaw. Kapag binusisi ito, sumesenyas ng potensyal na downside correction ang pagkakaroon ng negatibong paghihiwalay sa pagitan ng presyo at ng Momentum oscillator.
Gamit ang Fibonacci Retracement tool, batay sa kamakailang swing high na 5657.68 at swing low na 5385.01, may natukoy na tatlong potensyal na target na presyo: 5826.19, 6098.86, at 6540.04. Makakapagbigay ang mga ‘to ng potensyal na aabangang lebel kung sakaling magpapatuloy ang kasalukuyang trend.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, bagamat nagtulak sa panandaliang pagtaas ang rate cut ng Federal Reserve, umurong ang market dahil sa babala tungkol sa magiging rate cuts sa hinaharap. Gayunpaman, nagpapahiwatig ang technical indicators na nananatiling pataas ang takbo ng S&P 500, at may potensyal pa itong lumakas dahil sa magandang pagtingin ng mga investor tungkol sa kakayahan ng ekonomiya na makamit ang hinay-hinay na pagbabago. Kung magpapatuloy ang kasalukuyang trend, may tyansa na tumaas pa ito habang nilalagpasan ng market ang mahahalagang presyo at target na lebel.