Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Lumipat ang Atensyon sa Ulat sa CPI Kasunod ng Komentaryo ni Powell Kaugnay ng Magkahalong Datos sa PPI
15 May 2024 | FXGT.com

Lumipat ang Atensyon sa Ulat sa CPI Kasunod ng Komentaryo ni Powell Kaugnay ng Magkahalong Datos sa PPI

Positibong Trend sa Wall Street: Halos naabot ng mga pangunahing index sa US ang kani-kanilang mga all-time high. Resulta ito ng pagpapatibay ng Federal Reserve Chair na si Jerome Powell na nagpahiwatig na hindi agad magkakaroon ng rate hikes.

Tugon ng Market sa Pagtaas ng US Producer Price Index: Nagpakita ng hindi inaasahang pagtaas ang Producer Price Index ng US nitong Abril, kaya nag-umpisa ito ng pansamantalang pagtaas ng US dollar. Sa kabila nito, agad na bumalik ang market sa lebel bago ilabas ang PPI, habang pinakiramdaman ng market ang pababang pagbabago sa datos nitong Marso, at naobserbahang pagbaba ng presyo sa ilang kategorya na may kinalaman sa PCE.

Komentaryo ng Fed Chair na si Powell: Pinaigting ni Powell ang paninindigan niya noong pagtatapos ng pulong ng FOMC, kung saan nagpapahiwatig ang Fed na pananatilihin nito ang kasalukuyang interest rates sa halip na itaas ito. Isinaad niya na magkahalo ang kamakailang datos sa PPI, sa halip na matindi, kaya binibigyang-diin ang kahalagahan ng mga nalalapit na ulat sa inflation, lalo na ang Consumer Price Index na ilalabas mamaya.

Sentimyento ng Market sa Interest Rates: Umuusad ang financial markets patungo sa ideya ng mas mataas na interest rates sa loob ng mas mahabang panahon. Dahil sa komento ni Powell, mas lalo pang sinigurado sa mga investor na hindi pa nalalapit ang pagtaas ng interest rate, kaya natulungan nitong tumaas ang stocks habang bumaba naman ang Treasury yields.

Kita at Pagtaas ng Market: Lubhang nalagpasan ang inaasahan sa earnings season ngayong unang quarter, kaya nakatulong ito sa pagtaas ng malalaking US stock index, kung saan malapit na nilang maabot ang record na lebel.

Inaabang Datos sa CPI ng US: Nakatutok na ang lahat sa ilalabas na ulat sa CPI ng US, na kritikal para sa magiging kilos ng Federal Reserve sa hinaharap. Ayon sa impluwensya ng kamakailang datos, nagkakasundo ang market na magkakaroon ng bahagyang pagbaba sa paglago ng CPI nitong Abril, kaya tumataas ang pag-asa na sisimulan ng Fed ang easing nito sa Setyembre.

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.