Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Lumakas ang Euro Dahil sa Eleksyon sa France: Tinututukan ang Tinatayang CPI sa Eurozone at Talumpati ni Powell sa ECB Forum
1 July 2024 | FXGT.com

Lumakas ang Euro Dahil sa Eleksyon sa France: Tinututukan ang Tinatayang CPI sa Eurozone at Talumpati ni Powell sa ECB Forum

  • Eleksyon sa France: Noong Lunes ng umaga nakaranas ng pagtaas ang euro pagkatapos ng unang bahagi ng eleksyon sa France, kung saan nanguna ang konserbatibong partido, bagamat mas kaunti ang lamang nila kaysa sa inaasahan. Lumalabas na nanalo ang far-right na National Rally ni Marine Le Pen sa unang parte ng halalan noong Linggo para sa parlyamento ng France.
  • Datos sa Ekonomiya ng US: Ayon sa panghuling GDP para sa unang quarter, tumaas ito ng 1.4% kumpara noong nakaraang taon, ang pinakamabagal na halaga mula noong 2022. Sumipa rin ang jobless claims sa mahigit dalawang-taong high, na nagpapahiwatig ng humihinang labor market.
  • Datos sa Inflation ng US: Nitong Mayo, bumaba ng 2.6% ang PCE Index, o ang pinakamababang taunang inflation rate sa mahigit tatlong taon, bagamat mas mataas pa rin ito kumpara sa 2% na target ng Fed. Dahil dito, pumalo sa mahigit 60% ang pag-asa ng market na pagpatupad ng 25-basis point rate cut ang Fed sa pulong nito sa Setyembre.
  • Umigting ang Haka-haka sa ECB sa Gitna ng CPI sa Germany: Dahil sa mas mahinang CPI sa Germany kaysa sa inaasahan, nagkaroon ng haka-haka na magpatupad pa ng rate cuts ang ECB ngayong taon. Bumaba nitong Hunyo ang CPI inflation rate sa Germany patungong 2.2%, habang bumaba naman sa 2.5% ang sa EU, na mas maliit kaysa sa inaasahan.
  • Mga Nalalapit na Pangyayari para sa Euro: Kabilang sa mga pangunahing kaganapan para sa eurozone ngayong linggo ay ang ilalabas bukas na tantyang flash CPI nitong Hunyo. Tampok sa forum ng ECB sa Sintra na gaganapin mula ngayon hanggang Miyerkules ang mahahalagang pag-uusap tungkol sa pamamalakad at inflation, at magsasalita dito ang Presidente ng ECB na si Christine Lagarde at Fed Chair na si Jerome Powell. Bukod dito, nakatakdang ilathala sa Huwebes ang minutes ng ECB para sa buwan ng Hunyo.
  • Mga Nalalapit na Pangyayari para sa US Dollar: Magiging aktibo ang US traders sa linggong ito dahil sa iba’t-ibang mahahalagang datos na aabangan, tulad ng ulat sa JOLTS at ADP, pati na ang ISM PMIs sa manufacturing at services. Ilalabas ng FOMC ang minutes ng pulong nito ngayong Hunyo, at magtatapos ang linggo sa lubhang inaabangan na Non-Farm Payrolls nitong Hunyo.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.