7 November 2024 | FXGT.com
Nandito na ang FXGT.com App at Web Trader – Subukan na!
Talaan ng Nilalaman
Nasasabik kaming ianunsyo ang paglulunsad ng dalawang bagong trading tools na nakatakdang pagandahin ang karanasan mo sa pag-trade—ang FXGT App at ang FXGT.com Trader platform. Bibigyan ka nitong dalawa ng mas maraming pagpipilian, kapangyarihan, at opsyon sa pag-access sa markets, nasa bahay ka man o nasa labas.
Tingnan natin kung ano ang maiaalok sa’yo ng bawat isa sa mga tools na ‘to.
FXGT App – Malakas na Trading mula sa Bulsa mo
Magagamit ang FXGT app sa parehong iOS at Android devices. Idinisenyo para sa traders na kailangang maging tumpak nasaan man sila, pinagsasama nitong app ang pagiging madaling gamitin at advanced na features para tulungan kang manatiling konektado sa market.
Bakit maganda ang FXGT app?
- One-Click Trading: Sa iisang tap, pwede kang mag-open at mag-close ng trades. Walang pagkaantala, walang kumplikasyon—simple at mabilis na pag-execute tuwing kailangan mo.
- Interface na may Iba’t-ibang Wika: Sinusuportahan ng app ang iba’t-ibang wika, kaya maa-access ito ng traders mula sa buong mundo. Napakadali nitong gamitin, anuman ang karanasan mo sa pag-trade.
- Napakabilis na Pagpapatakbo: Magkaroon ng real-time na update sa market, napakabilis na pag-execute ng orders, at access sa pang-ekonomiyang kalendaryo para palaging alam mo ang kaganapan sa market.
- Mabilis & Ligtas na Transaksyon: Mabilis at protektado ang pagdedeposito at pag-withdraw ng pera, kaya makakatutok ka sa trades mo nang hindi nag-aalala sa kaligtasan ng iyong pera.
- Pamamahala ng Magkakaibang Account: Napakadali lang pamahalaan ang magkakaibang account. Magpalipat-lipat sa pagitan ng mga account para subaybayan ang aktibidad mo mula sa iisang lugar.
FXGT.com Trader – Madaling Karanasan Gamit ang Web Browser
Kasabay ng app, ipinakikilala rin namin ang FXGT.com Trader, isang malakas na trading platform na batay sa web browser at nagdadala ng propesyonal na tools at features papunta mismo sa browser mo. Di kailangan ng download—mag-login lang at magsimulang mag-trade mula sa anumang device na nakakonekta sa internet.
Heto ang maaasahan mo mula sa FXGT.com Trader:
- Advanced na Tools sa pag-chart: Pinapatakbo ang platform ng TradingView, na nag-aalok ng mahigit 90 na magaling na tools sa pagguhit para gumanda ang technical analysis mo.
- Awtomatikong Pag-save ng Chart: Awtomatikong nasi-save ang settings ng chart mo, para agad kang makakabalik sa iniwan mo. Hindi mo na kailangang ayusin ulit ang charts mo tuwing magla-login ka.
- Maramihang Chart Windows: Tingnan ang iba’t-ibang charts sa iisang window para masubaybayan ang iba’t-ibang assets nang sabay-sabay. Mako-customize ito para tumugma sa pangangailangan mo, kaya binibigyan ka nito ng kontrol sa iyong workspace.
- One-Click Trading: Agad na mag-execute ng trades at i-close ang lahat ng position sa iisang click. Kailangang maging mabilis kapag nagti-trade, at sinisigurado nitong feature na wala kang makakaligtaang oportunidad.
- Mga Paborito sa Market Watch: Panatilihing nasa harap ang gusto mong assets dahil sa agarang pag-access sa mga paborito mo. Hindi mo na kailangang maghanap—mabilis at madaling pag-trade na abot-kamay mo na.
Gusto mo na ba itong subukan?
Magagamit na ang FXGT app at FXGT.com Trader, na pareho mo nang masusubukan. Pwede mong gamitin ang mobile app para mag-trade kahit saan o ang web platform para sa mas mabusising karanasan sa iyong desktop. Ginawa ang parehong platforms para bigyan ka ng maayos na access, mabilis na pagpapatakbo, at advanced na tools.
I-download na ang FXGT app mula sa App Store o Google Play, o mag-login sa FXGT.com Trader mula mismo sa iyong browser at tuklasin na ang lahat ng katangian nito ngayon!
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .