Home / Blog / Kategorya / Balita sa Kumpanya / Nakipagtulungan ang FXGT.com sa Food & Trees for Africa: Pagtataguyod ng Programang “Trees for All”
11 June 2024 | FXGT.com

Nakipagtulungan ang FXGT.com sa Food & Trees for Africa: Pagtataguyod ng Programang “Trees for All”

Sa pamamagitan ng isa na namang matagumpay na event kasama ng non-profit na organisasyon na Food & Trees for Africa (FTFA), patuloy na nakakapagbigay-tulong ang FXGT.com sa mga komunidad. Dala-dala ang 32 taong karanasan sa pagtulong sa mga residente ng South Africa, nakagawa na ng positibong epekto ang FTFA sa mga aspeto tulad ng seguridad ng makakain, kapaligiran, at pagtatanim.

Dahil napakahalaga para sa’min ang mga kawanggawa sa kapaligiran at lipunan, nakipagtulungan kami sa kanila sa pamamagitan ng award-winning nilang programa na “Trees for All.” Layunin nitong inisyatiba na bigyang-buhay ang tanim sa mga pampublikong lugar sa South Africa, tulad ng mga paaralan, parke, kagubatan, taniman, at iba pa. Dahil dito, isang malaking oportunidad para pagsikapan ito.

Kaya naman, noong Mayo 28, nakipagtulungan ang FXGT.com sa FTFA at mga estudyante, kung saan sama-sama silang nagtanim ng puno sa hardin ng Wes Einde school. Maliban sa pagtulong na bumili ng mahigit 200 puno at compost, nasigurado ng team namin na may sapat na green space ang Wes Einde school na kailangan para makapaglibang at makapagpahinga ang mga estudyante.

“Palagi kaming naghahanap ng paraan para makibahagi sa pagpapabuti ng buhay ng iba. Sa pamamagitan ng pagsasama ng responsibilidad sa lipunan sa aming negosyo, nakakapagdulot kami ng positibong epekto na humihigit pa sa aming pagpapatakbo,” saad ni Maciej Kosela, ang Country Manager namin sa South Africa.

Ang pagsisikap namin ay parte ng mas malaking plano na pagandahin ang iba’t-ibang paaralan sa Cape Town, South Africa. Ang mga puno at compost na hindi nagamit sa Wes Einde school ay patuloy na itatanim at gagamitin sa ibang pasilidad na nangangailangan ng mas maraming halaman. At wala nang mas nakatutuwa pa dito dahil patuloy na nakakapagbigay ng positibong pagbabago ang pagsisikap namin, lalo na sa mga komunidad na pinaka nangangailangan nito.

Nananatili kaming masaya at puno ng pag-asa dahil sa bagong kolaborasyon katuwang ng Food & Trees for Africa. Ang positibong epekto ng programang “Trees for All” ay di lamang nakapagdala ng halamanan sa mga paaralan, pero nagtanim din ito ng buto ng pag-asa para sa mas magandang hinaharap. Isang hinaharap kung saan ang bawat sulok ng South Africa ay umuusbong nang napapaligiran ng kalikasan, habang nagbibigay ng malagong kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon.

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. ¬†Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk¬†dito.