14 June 2024 | FXGT.com
Bumagsak ang GBP/USD Bago Ilabas ng UK ang Ulat sa CPI at Desisyon ng BoE sa Pamamalakad Nito
- Nag-trade ang GBP/USD nang may Negatibong Inklinasyon: Nananatiling matindi ang pwersa sa pagbebenta ng GBP/USD sa ikalawang sunod na araw nitong Biyernes, kung saan bumagsak ito sa 1.2680, na nagbibigay ng support sa loob nitong nakaraang tatlong linggo.
- Datos sa Inflation sa UK: Bumaba ang headline inflation malapit sa target na 2% ng BoE. Kaya lang, di hamak na mas mataas nitong Abril ang inflation sa sektor ng mga serbisyo. Bukod dito, tumaas ng 6% ang sahod nitong Mayo, na halos doble ng lebel at tugma sa target na halaga.
- Nalalapit na CPI sa UK nitong Mayo: Nakatakdang ilabas sa Miyerkules, Hunyo 19, ang ulat na ‘to, isang araw bago ang desisyon ng Bank of England tungkol sa pamamalakad nito. Bumagal ang MoM inflation patungong 0.3% nitong Abril mula 0.6% noong Pebrero at Marso. Masusing susubaybayan ang core CPI pagkatapos humina sa 3.9% noong Abril.
- Desisyon sa Interest Rate ng Bank of England: Bagamat hindi inaasahan sa susunod na linggo ang rate cut, maaaring tumaas ang pag-asa ng market na magpatupad nito sa Agosto. Masusing titingnan ng investors ang mga senyales na iba mula sa pananaw ng bangko sentral, na iimpluwensyahan ng ulat sa CPI sa darating na Miyerkules. Mahalagang aspeto sa magiging desisyon nila ang paghawak ng BoE sa kamakailang datos sa inflation, pattern sa pagboto ng komite, at pag-aalala sa liquidity.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .