4 July 2024 | FXGT.com
Tumaas ang GBP/USD sa Gitna ng Mahinang Datos sa US at Malakas na Sektor ng mga Serbisyo sa UK Bago ang Eleksyon
- Takbo ng Pound at Paghina ng USD: Hindi bumitaw ang pound sa $1.2750 pagkatapos umakyat ng 0.46% nitong Miyerkules at maabot ang tatlong-linggong high. Tumaas ang GBP/USD pair dahil sa humihinang US dollar. Nagpakita ng pagbagal ng ekonomiya ang mga datos tulad ng ulat ng ISM, kaya naapektuhan nito ang lakas ng dolyar.
- Epekto ng Datos sa Ekonomiya ng US: May senyales ng pagbagal ng ekonomiya dahil sa mas mahina kaysa sa inaasahang datos sa ekonomiya ng US, kabilang ang ulat sa services at ADP employment. Tumaas noong nakaraang linggo ang pangunang unemployment claims, na nakapagdagdag sa humihinang labor market at potensyal na rate cuts ng Fed sa katapusan nitong taon. Tinataya na ngayon ng market ang halos 50 basis point na rate cut ng Fed ngayong 2024, na magsisimula sa 25 basis point cut sa Setyembre.
- Lakas ng Sektor ng mga Serbisyo sa UK: Nagpakita ng mas malakas kaysa sa inaasahang paglago ang UK services PMI, na kumakatawan sa malaking sektor ng ekonomiya, kaya sinuportahan nito ang pound. Ang katatagan ng sektor ng mga serbisyo ay nakakapagdagdag sa positibong pananaw sa pound sa gitna ng hindi kasiguraduhan sa politika at ekonomiya.
- Lagay ng Politika sa UK: Nagsimula ngayong araw ang botohan sa pangkalahatang eleksyon sa UK, kung saan pinapaboran na mananalo ang oposisyon na Labour Party, kaya matatapos na ang 14 na taong pamumuno ng konserbatibong partido. Nagpapahiwatig ito ng matinding pagbaliktad sa lagay ng politika sa UK. Nakatakdang iboto ng mga Briton ang pinuno ng Labour Party na si Keir Starmer bilang susunod na punong ministro. Limitado ang tugon ng market dahil sa patuloy na pangunguna ng Labour sa mga poll, kung saan inaasahan ang panghuling resulta ng halalan sa bandang 23:00, oras sa UK.
- Sentimyento ng Market: Nakakaimpluwensya sa kasalukuyang sentimyento ng market ang kombinasyon ng potensyal na rate cuts ng Fed at mga kaganapan sa politika sa UK. Pwedeng makaranas ng patuloy na suporta ang pound kung nakuha ng Labour ang malakas na mandato at patuloy na humina ang ekonomiya ng US.
- Nalalapit na Datos sa US: Sarado ang mga market sa US dahil sa pista opisyal ngayong ika-4 ng Hulyo. Ang Non-Farm Payrolls report, na nakatakdang ilabas bukas, ay inaasahang magpapakita ng dagdag na 190,000 trabaho nitong Hunyo, na mas mababa mula sa 272,000 noong Mayo.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .