Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Naghahanda ang GBP/USD sa Pabago-bagong Linggo: Tinututukan ang Datos sa US at Pulong ng Fed
10 June 2024 | FXGT.com

Naghahanda ang GBP/USD sa Pabago-bagong Linggo: Tinututukan ang Datos sa US at Pulong ng Fed

Nagigipit ang GBP/USD sa Gitna ng Lakas ng Sentimyento sa US Dollar: Nahihirapan ang GBP/USD na makabawi sa itaas ng $1.2720 sa maagang European session nitong Lunes, kaya nag-umpisa ang linggo sa negatibong teritoryo. Ang mas malakas na US Dollar ay naglalagay ng pababang pwersa sa naturang major pair.

Epekto ng Nonfarm Payrolls sa US: Pagkatapos ng mas malakas na ulat sa payrolls nitong Mayo kaysa sa inaasahan, bumaba ang probabilidad na magpatupad ang Fed ng rate cut sa Setyembre mula 80% patungong 50%, kaya inaasahan na ngayon na sa Disyembre ito mangyayari. Ipinakita sa datos na nagkaroon ng 272,000 bagong trabaho at bumibilis ang pagtaas ng pasahod, kaya lubhang tumaas ang US Dollar, na sumasalamin sa pananaw ng market na mas tatagal pa ang mas mataas na interest rates.

Pananaw ng Bank of England sa Pamamalakad Nito: Inaasahan na pananatilihin ng Bank of England (BoE) ang interest rate nito sa 5.25% sa pulong nito sa Hunyo 20. Gagawin ang desisyong ito sa kabila ng bahagyang pagbaba pero nananatiling mataas na inflation. Nakapagdagdag ng pag-aalala sa ekonomiya ang nalalapit na eleksyon sa umpisa ng Hulyo, kaya naaapektuhan nito ang sentimyento ng market.

Nalalapit na Datos sa Ekonomiya ng UK: Nakatakdang ilabas ng Office for National Statistics (ONS) ang iba’t-ibang mahahalagang ulat ngayong linggo, kabilang ang datos sa trabaho, buwanang GDP, industriyal na produksyon, output sa konstruksyon, at datos sa balanse ng trade.

Nalalapit na Datos sa mga Trabaho sa UK: Tututukan ng mga investor ang datos sa mga trabaho sa UK na ilalabas sa Martes, dahil kabilang dito ang pagbabago ng bilang ng claimants, pagbabago ng trabaho, at average na kita. Ang anumang senyales ng humihinang labor market o tumataas na unemployment sa UK ay maaaring humantong sa pag-asang magpatupad ng maagang rate cuts ang Bank of England, na pwedeng magdagdag sa pagkahina ng pound sterling.

Nalalapit na US CPI at Pulong ng Fed: Nakatakdang ilabas sa Miyerkules ang US CPI nitong Mayo, bago tapusin ng Fed ang dalawang araw na pulong nito. Masusing sususbaybayan ng market ang datos sa CPI at bagong projection ng Fed sa ekonomiya at dot plot, na parehong kritikal sa magiging galaw ng USD sa hinaharap.

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.