Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Nanatili ang GBPUSD sa Itaas ng $1.2700 sa Kabila ng Mahinang PMI sa UK, Tinututukan Ngayon ang Retail Sales sa UK
23 May 2024 | FXGT.com

Nanatili ang GBPUSD sa Itaas ng $1.2700 sa Kabila ng Mahinang PMI sa UK, Tinututukan Ngayon ang Retail Sales sa UK

Nasa Itaas pa rin ng $1.2700 ang Pound Sterling: Nanatiling malakas ang GBPUSD dahil binawi ng traders ang taya nila na magkakaroon ng rate cut ang BoE ngayong Hunyo, kasunod ng mas mabagal kaysa sa inaasahang pagbaba ng inflation. Nakikinabang ang pound mula sa naturang pagbabago ng pananaw.

Di Kasiguraduhan sa Ekonomiya ng UK Pagkatapos ng Mahinang PMI: Humina ang aktibidad sa ekonomiya ayon sa pangunang datos sa PMI ngayong Mayo. Bumaba ang composite PMI patungong 52.8 mula sa dating 54.0, na resulta ng matinding pagbaba ng services PMI patungong 52.9 mula sa dating 54.7. Gayunpaman, tumaas ang manufacturing PMI patungong 51.3, na lagpas sa lebel na 50.0 na nangangahulugan ng paglago.

Tinututukan na ang Datos sa Retail Sales ng UK: Mahalaga ang ilalabas na datos sa retail sales nitong Abril sa paghubog ng aasahang mangyayari sa pulong ng BoE ngayong Hunyo. Tinatayang bumaba ng 0.4% ang buwanang retail sales, habang ang taunang retail sales naman ay inaasahang uurong ng 0.2%.

Datos sa Jobless Claims sa US: Iniulat ng Department of Labor na bumaba noong nakaraang linggo ang jobless claims patungong 215,000, mula sa 223,000 bago ang linggong ito, at mas mababa sa pinagkasunduang tantya na 220,000. Dahil sa mas malaking pagbaba kaysa sa inaasahan, makikita ang patuloy na pagbangon ng labor market. Bagamat bumaba ang mga pangunang jobless claims, tumaas patungong 1.794 milyon ang sumunod na claims, na mas mataas kumpara sa 1.786 milyon noong nakaraang linggo.

Pagiging Sensitibo ng Fed sa Labor Market: Pagkatapos ng komento ng Fed Chair na si Jerome Powell, mas gumagalaw na ang US dollar bilang tugon sa datos sa labor market. Ayon kay Powell, ang hindi inaasahang paghina ng labor market ay isa sa dalawang rason na pwedeng humantong sa pagpapatupad ng rate cuts ngayong taon. Pinapahiwatig ng bagong jobless claims ang patuloy nitong paglago, kaya pwedeng maantala ang ipatutupad na rate cut at susuporta ito sa US dollar sa panandaliang panahon.

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.