Home / Blog / Kategorya / Pagsusuri sa Market / Sinusubok ng GBPUSD ang Resistance na $1.2470 Bago Ilabas ang GDP at PCE sa US
24 Abril 2024 | FXGT.com

Sinusubok ng GBPUSD ang Resistance na $1.2470 Bago Ilabas ang GDP at PCE sa US

  • Trend sa Market: Bumaba ng 1.4% ang GBPUSD mula umpisa ng Abril, kaya minamarkahan nito ang patuloy na pababang pwersa sa British pound. May nabuong malakas na downtrend sa arawang chart, na pinabilis pa ng pagbagsak sa ilalim ng nakaraang pangmatagalang support level na $1.25, kaya tinulak nito ang market sa bagong low na $1.23 sa simula nitong linggo.
  • Senyales ng Pagbawi: Nagkaroon ng bullish signal kahapon noong may nabuong morning star candlestick pattern sa arawang chart, na nagpapahiwatig ng potensyal sa pataas pang retracement. Lumabas ang pattern noong pumasok sa oversold na teritoryo ang Relative Strength Index (RSI), kung saan bumagsak ito sa ilalim ng 30. Bukod dito, nalagpasan ng presyo ang panandaliang downward channel line, na nagpapatibay sa potensyal na magpatuloy pa ang bullish na momentum.
  • Agarang Resistance: Pwedeng mag-udyok ng pinalawig na bullish wave ang pagkakaroon ng matibay na paggalaw sa itaas ng high na $1.2470 noong Biyernes. Maaari nitong itulak ang presyo tungo sa $1.2550, kung saan haharapin nito ang resistance sa arawang exponential moving average channel.
  • Bearish na Sentimyento: Bagamat nagkaroon ng bagong senyales ng pagbawi, nananatiling bearish ang pangunahing trend, kung saan potensyal na magpatuloy ang downtrend. Kung hindi malalagpasan ng presyo ang resistance na $1.2470, pwedeng lumitaw ulit ang bearish na momentum, na posibleng magpabagsak pabalik sa nakaraang low na $1.23. Sa panandaliang panahon, natukoy sa $1.24 ang support, na kritikal para mapanatili ang anumang bullish na correction.
  • Pagsubaybay sa Datos sa US: Inaabangan ang mga ilalabas na datos sa GDP ng US ngayong Huwebes, at ang Personal Consumption Expenditures (PCE) Index sa Biyernes. Inaasahan itong magbigay ng matinding pagtaas-baba, at pwede itong makaimpluwensya sa takbo ng presyo. Kritikal ang mga tagapaghiwatig na ito at malamang na masilbi bilang taga-udyok sa susunod na direksyon nitong currency pair.

4 na Oras na Chart ng GBPUSD

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.