Nakakaranas ang GBPJPY pair ng pababang takbo mula noong kalagitnaan ng Hulyo dahil sa impluwensya ng mga bearish na technical indicator. Bagamat may mga senyales ng potensyal na bullish reversal habang bumabangon ang presyo mula sa low nito, hindi ito sinusuportahan ng malalaking technical indicator, na nagreresulta sa magkahalong signals. Kailangang masusing subaybayan ng traders ang mga aspetong ito, kasabay ng mga nalalapit na datos sa ekonomiya, para makagawa ng tamang desisyon sa pag-trade.
Mga Pangyayari sa Ekonomiya na may Matinding Epekto
Biyernes 01:45 AM (GMT+3) – New Zealand: Retail Sales QoQ (NZD)
Biyernes 12:30 PM (GMT+3) – Canada: Retail Sales MoM (CAD)
Biyernes 17:00 (GMT+3) – USA: Bentahan ng mga Bagong Bahay (USD)
Sumusunod ang GBPJPY sa pababang trend mula noong Hulyo 11, kung saan nag-peak ito sa 208.106, ang pinakamataas nitong presyo ngayong taon. Makikita ang pababang galaw sa nabuong Japanese candlestick na tinatawag na Bearish Engulfing Pattern, na sinundan ng pagbagsak ng presyo sa ilalim ng 20-period Exponential Moving Average (EMA), kaya nagkaroon ng sunod-sunod na mas mababang lows at mas mababang highs. Noong Hulyo 31, nagkaroon ng pangalawang bearish signal noong bumagsak ang 20-period EMA sa ilalim ng 50-period EMA, na nagresulta sa isang malakas na bearish signal na tinatawag na “Death Cross.” Pinatindi nito ang pababang momentum, kaya bumagsak ang GBPJPY patungong 180.089 noong Agosto 5. Pagkatapos, nagpapakita ng senyales na pwedeng makabawi ang presyo mula sa lows nito, kung saan may pagtatangkang makabuo ng pataas na correction at potensyal na reversal kapag nagawa ng bulls na itulak ang presyo sa itaas ng swing high na 192.004. Nagpapahiwatig ang Momentum oscillator ng potensyal na bullish na pananaw dahil sa halaga nito na mas mataas sa baseline na 100. Kaya lang, kabaligtaran naman ang ipinapakita ng dalawang EMAs at ng Relative Strength Index (RSI). Sa partikular, nasa ibaba pa rin ng 20 at 50-period EMAs ang presyo, at mas mababa ang RSI sa 50, na nagpapahiwatig ng patuloy na downtrend.
Kung sakaling makukuha ng mga bumibili ang kontrol nila sa market, pwedeng malipat ang atensyon ng traders sa apat na potensyal na resistance levels sa ibaba:
194.331: Natukoy ang unang target na presyo sa 194.331, na sumasalamin sa 161.8% Fibonacci extension sa pagitan ng swing high na 192.004 at swing low na 188.232.
198.096: Nakita ang pangalawang target sa 198.096, na tugma sa (R3) resistance na nakalkula gamit ang lingguhang standard Pivot Point method.
204.187: Namataan ang pangatlong target na presyo sa 204.187, na kumakatawan sa 423.6% Fibonacci extension na ginuhit mula sa swing high na 192.004 papunta sa swing low na 188.232.
208.106 : May isa pang resistance na naitala sa 208.106, na tumutugma sa peak na nabuo noong Hulyo 11.
Kung sakaling mapapanatili ng mga nagbebenta ang kontrol nila sa market, pwedeng isaalang-alang ng traders ang apat na potensyal na support levels sa ibaba:
188.232: Natukoy ang pangunahing downside target sa 188.232, na tumutugma sa swing low na nabuo noong Agosto 19.
185.087: Ang pangalawang support level ay nasa 185.087, na kumakatawan sa (S2) support na nakalkula gamit ang lingguhang standard Pivot Point method.
183.111: Namataan ang pangatlong support line sa 183.111, na sumasalamin sa (S3) support na nakalkula gamit ang lingguhang standard Pivot Point method.
180.089 : May isa pang downward target na naobserbahan sa 180.089, na tugma sa arawang low na naitala noong Agosto 5.
The GBPJPY pair has been in a downward trend since mid-July, influenced by bearish technical indicators such as a Bearish Engulfing Pattern and a Death Cross. While there are some signs of a potential bullish reversal, major indicators like the Exponential Moving Averages (EMAs) and the Relative Strength Index (RSI) continue to suggest a downtrend. Key resistance and support levels have been identified, providing potential targets for traders depending on market direction. Additionally, upcoming high-impact economic events, including retail sales data from New Zealand and Canada, as well as U.S. New Home sales, could further influence market movements. Traders should closely monitor these developments for informed decision-making.