16 Abril 2024 | FXGT.com
Bumagsak ang GBPUSD sa Limang-Buwan na Low, May Paparating na Mahalagang Ulat sa Inflation
- Trend ng GBPUSD: Patuloy na bumababa ang GBPUSD, kung saan bumagsak ito sa limang-buwan na low dahil sa inaasahang agresibong easing ng Bank of England. Kabaligtaran ito ng kilos ng Federal Reserve, na malabong magpatupad agad ng rate cut, kaya nagdagdag ito ng pababang pwersa sa GBPUSD.
- Bumagal ang UK Labor Market: Ayon sa bagong datos, tumaas patungong 4.2% ngayong Pebrero ang unemployment rate sa UK, na mas mataas kaysa sa inaasahang 4.0% at nagpapahiwatig ng pagbagal ng jobs market. Nananatiling matatag sa 5.6% ang tunay na average na kita kabilang ang mga bonus, pero bahagyang bumaba sa 6.0% ang kita na walang kasamang bonus.
- Mga Aspeto na Nagpapalakas sa USD: Dahil sa nakakagulat na malakas na consumer inflation sa US, ipinagpaliban patungong Setyembre ang inaasahang rate cut ng Fed, na sumusuporta sa mataas na US Treasury yields at USD. Bukod dito, nakakadagdag sa pagiging safe-haven ng USD ang patuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.
- Kritikal na Ulat sa Inflation ng UK: Mahalaga para sa British pound ang ilalabas na ulat bukas tungkol sa inflation nitong Marso. Inaasahang bumaba ang inflation mula 3.4% patungong 3.1%, kaya mas lumalapit na ito sa target ng Bank of England na 2%. Dahil sa patuloy na pagbaba ng inflation, pwedeng tumaas ang posibilidad na magkaroon ng rate cut ang BoE ng ‘sing aga ng Agosto, kung saan kasalukuyang tinataya na 60% ang probabilidad na mangyayari ito.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .