Tampok sa linggong ito ang iba’t-ibang pangyayari sa ekonomiya tulad ng mahalagang desisyon sa interest rates at tagapaghiwatig sa ekonomiya ng malalaking bansa tulad ng UK, US, New Zealand, Australia, Japan, at Canada. Nakakaranas ng downtrend ang USD/JPY, kung saan binibigyang-diin ang potensyal na support at resistance levels. Ayon sa fundamental analysis, maaaring maimpluwensyahan ang market ng inaasahang rate cuts ng Federal Reserve at potensyal na pagbabago sa pamamalakad ng Bank of Japan.
Mga Pangyayari sa Ekonomiya na may Matinding Epekto
Miyerkules 09:00 AM (GMT+3) – UK: CPI YoY (GBP)
Miyerkules 21:00 (GMT+3) – USA: Federal Funds Rate (USD)
Huwebes 01:45 AM (GMT+3) – New Zealand: GDP QoQ (NZD)
Huwebes 04:30 AM (GMT+3) – Australia: Pagbabago sa mga Trabaho (AUD)
Huwebes 14:00 (GMT+3) – UK: Opisyal na Bank Rate (GBP)
Huwebes 15:30 (GMT+3) – USA: Unemployment Claims (USD)
Biyernes 02:30 AM (GMT+3) – Japan: BOJ Policy Rate (JPY)
Biyernes 15:30 (GMT+3) – Canada: Retail Sales MoM (CAD)
Pagsusuri sa Chart
Mula nang maabot ang high ngayong 2024 na 161.941 noong Hulyo 3, nakakaranas na ang USD/JPY ng tuloy-tuloy na downtrend. May lumabas na mahalagang technical pattern na tinatawag na failure swing, dahil nabigo ang peak na 161.798 na lagpasan ang nakaraang high, na sinundan ng pagbaba sa ilalim ng trough na 160.254, kaya nakumpirma ang bearish reversal. Dahil may nabuong “Death Cross” noong Hulyo 26, kung saan lumagpas ang 20-period EMA sa ilalim ng 50-period EMA, napagtibay ang pababang momentum. Sinusuportahan din ng Momentum oscillator at ng Relative Strength Index (RSI) ‘tong negatibong trend, na parehong mas mababa sa baseline na 100 at 50, ayon sa pagkakabanggit. Gayunpaman, kapag binusisi ito, may positibong paghihiwalay sa pagitan ng Momentum oscillator at ng price action, na sumesenyas ng potensyal na upside correction sa panandaliang panahon.
Mahahalagang Resistance Levels
Kung mananaig ang bullish na momentum, malamang na tutukan ng traders ang mga sumusunod na mahahalagang resistance levels: 143.425: Natukoy ang unang resistance level sa 143.425, na kumakatawan sa trough na naitala noong Agosto 26. 147.199: Ang sumunod na target ay nasa 147.199, na tugma sa peak na nabuo noong Setyembre 2. 151.931: May isa pang resistance level na namataan sa 151.931, na sumasalamin sa arawang low mula Hulyo 25. 161.941: Panghuli, ang mahalagang resistance sa 161.941 ay tumutugma sa pinakamataas na presyo ng palitan ngayong 2024.
Mahahalagang Support Levels
Kung magpapatuloy ang bearish na momentum, maaaring malipat ang atensyon ng traders sa sumusunod na support levels: 139.568: May pangunang support na natukoy sa 139.568, na tumutugma sa arawang low na naobserbahan noong Setyembre 16. 137.369: Ang ikalawang support level ay nasa 137.369, na tugma sa 261.8% Fibonacci extension sa pagitan ng swing low na 143.425 at ng swing high na 147.199. 135.911: May isa pang dagdag na support na natukoy sa 135.911, na kumakatawan sa lingguhang S3 level batay sa standard Pivot Point. 131.313: Ang panghuling downside target ay nasa 131.313, na sumasalamin sa 461.8% Fibonacci extension sa pagitan ng swing low na 143.425 at ng swing high na 147.199.
Fundamentals
Ayon sa CNBC Fed Survey, inaasahan ng 84% ng rumesponde na magpapatupad ngayong araw ng 25 basis point rate cut ang Federal Reserve, na sumasalamin sa pag-asa na kaunti lang ang magiging epekto nito sa ekonomiya. Bagamat nagpapahiwatig ang futures markets ng mas mataas na tyansa ng 50 basis point rate cut, mas pabor para sa mga sumagot ng survey ang pakonti-konting pagbabawas. Nasa 53% ang probabilidad na kaunti lang ang epekto nito sa ekonomiya, habang 36% naman ang tyansa ng recession. Itinuturing na makatwiran ang mga equity valuation sa ilalim ng eksena kung saan mahina lang ang magiging epekto nito. Kaya lang, naniniwala ang 97% ng rumesponde na overvalued ito kung sakaling magkakaroon ng recession.
Sa kabilang banda, inaasahan na pananatilihin ng Bank of Japan ngayong linggo ang benchmark interest rate nito sa 0.25%, bagamat nagkakasundo ang mga ekonomista na maaaring magkaroon ng potensyal na rate hike sa Disyembre. Humaharap si Governor Kazuo Ueda sa maselang hamon na magpahiwatig ng pagtataas ng rates sa hinaharap, nang hindi nag-uudyok ng pagtaas-baba ng market, lalo na’t dahil nakatanggap ito dati ng batikos kaugnay sa komunikasyon ng BOJ sa hindi inaasahang rate hike noong Hulyo. Nakatutok ang bangko sentral na ihanda ang mga market sa pagiging normal ng pamamalakad, habang masusing sinusubaybayan ang potensyal na implikasyon ng inaasahang rate cut ng Federal Reserve.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, nakatandang magkaroon ng matinding epekto sa market ang mga pangyayari sa ekonomiya ngayong linggo. Nagpapatuloy ang downtrend ng USD/JPY, bagamat nagpapahiwatig ang Momentum oscillator at ang presyo ng potensyal na upside correction. Magiging mahalaga ang papel ng iba’t-ibang fundamental na aspeto, tulad ng inaasahang desisyon ng Federal Reserve at ng Bank of Japan kaugnay sa interest rates. Kailangang maging alerto ng mga trader para baguhin ang kanilang istratehiya habang nabubunyag ang mga pangyayaring ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.