Ngayong 2024, may di kasiguraduhan sa ekonomiya ng UK at Japan. Humigpit ang job market sa UK, kung saan nasa tatlong-taong high ang kumpetisyon sa gitna ng pagpapaliban sa pagkuha ng mga empleyado at pagsisisante nito, habang hinihintay ang mahahalagang desisyon mula sa partido ng Labour. Humina rin ang aktibidad sa labor market dahil sa di kasiguraduhan sa politika, kabilang ang pagtataas ng buwis at mga reporma, kaya tumindi ang kumpetisyon sa mga naghahanap ng trabaho.
Sa Japan, pinapanatili ng Bank of Japan ang napakaluwag nitong pamamalakad, kung saan binibigyang-diin na bago baguhin ang rates, kailangang matibay na naaabot ang target na inflation. Layunin rin ng bangko sentral at gobyerno na suportahan ang katatagan sa ekonomiya, at wala pa itong plano na agad magtaas ng rates.
Naaapektuhan din nitong mga trend ang currency market, lalo na ang GBPJPY pair, kung saan nagpapahiwatig ang mga technical indicator ng potensyal na bullish na reversal pagkatapos ng matagalang downtrend.
Bumagal ang Job Market sa UK
Bumabagal ang labor market ng UK ngayong 2024, kung saan iniiwasan ng mga employer ang pagkuha ng mga bagong empleyado at pagsisisante nito, habang inaabangan ang mga anunsyo mula sa bagong-halal na partido ng Labour. Dahil sa di kasiguraduhan sa politika—na resulta ng potensyal na pagtataas ng buwis, paghihigpit sa pamamalakad sa nalalapit na budget ngayong Oktubre, at panukalang reporma para palakasin ang karapatan ng mga manggagawa—humantong ito sa maingat na pamamalakad ng iba’t-ibang negosyo. Dahil dito, patuloy na nagkukulang ang mga empleyado, kaya may risk na tumindi ang pwersa ng inflation at malimitahan nito ang paglago ng ekonomiya.
Iniipon ng mga kumpanya ang mga empleyado dahil nag-aalala sila na baka mahirap maghanap ng mga bagong tauhan sa hinaharap. Kumonti rin ang bakanteng trabaho kumpara noong bago mag-pandemya. Lubhang nakakabahala ito lalo na para sa Bank of England, dahil maaari nitong gawing kumplikado ang pag-abot sa target na inflation, na pwedeng makaimpluwensya sa takbo ng interest rates sa hinaharap. Sa ngayon, matindi ang kumpetisyon sa mga naghahanap ng trabaho dahil sa limitadong oportunidad, kaya lalo pang lumalala ang kagipitan sa ekonomiya.
Humihigpit ang Job Market sa UK: Tumaas sa 3-Taong High ang Kumpetisyon habang Bumaba ang Bakanteng Trabaho
Ngayong Agosto 2024, nakapagtala ang job market sa UK ng pinakamahigpit nitong punto sa loob ng tatlong taon, kung saan may 2.09 na naghahanap ng trabaho sa bawat bakanteng trabaho—ang pinakamataas mula Mayo 2021. Bumagsak ang bakanteng trabaho ng 17.46% mula noong nakaraang taon, sa kabuuang 857,765, habang dumami ang unemployment at benefit claimants dahil sa redundancy at pangmatagalang karamdaman. Sa kabila ng mas matinding kumpetisyon, tumaas ng 3.17% YoY ang sahod, bagamat kulang ang datos sa mahigit kalahati ng mga inilathalang trabaho.
Nananatiling maingat ang mga kumpanya, kung saan mas tinatagalan nila ang mga bukas na bakanteng trabaho, lalo na sa pagbiyahe, sales, at sektor ng accounting, habang nakaranas naman ng paglago ang sektor ng mga naka-graduate, kasambahay, at hospitality. Dahil sa pagbagal ng market, nangangahulugan na naghihintay pa ang mga negosyo na bumuti ang ekonomiya bago palawakin ang paghahanap ng mga tauhan, kaya potensyal nitong maaapektuhan ang interest rate cuts sa hinaharap.
Tugma ang BOJ at Bagong PM: Mananatili ang Napakaluwag na Pamamalakad habang Sinusubaybayan ng Japan ang Pananaw sa Ekonomiya
Nakipagkita ang Governor ng Bank of Japan na si Ueda Kazuo sa bagong Prime Minister na si Ishiba Shigeru, kung saan pinag-usapan nila ang pananaw sa pananalapi at ekonomiya ng bansa. Binigyang-diin ni Ueda na pananatilihin ng bangko sentral ang napakaluwag nitong pamamalakad para masuportahan ang ekonomiya, at ia-adjust nito ang kanilang paninindigan kung nagbago ang kondisyon ng ekonomiya tulad ng inaasahan. Nagkasundo silang pareho na ipagpatuloy ang malapit na pakikipagtulungan sa pagitan ng gobyerno at ng bangko sentral, at wala pang partikular na panukala si Ishiba kaugnay sa pamamalakad. Iginiit ng prime minister na bagamat hindi madidiktahan ng gobyerno ang kilos ng bangko sentral, personal siyang naniniwala na hindi pa handa ang Japan sa isa pang rate hike.
Sumesenyas ang BOJ na Kailangang Maghintay, Sinusuportahan ang Maluwag na Kondisyon sa Pananalapi para Maabot ang Target na Inflation
Binigyang-diin ni Asahi Noguchi, na isa sa mga dovish na miyembro ng Bank of Japan, na kailangan pang panatilihin ang maluwag na kondisyon sa pananalapi habang hinihintay ang matatag na panunumbalik ng inflation sa target na 2%. Sumunod ang komento ni Noguchi pagkatapos sabihin ni Prime Minister Shigeru Ishiba na kailangang mag-ingat sa higit pang rate hike, na nagpapaigting sa pananaw na ipagpapaliban ng BOJ ang pagluluwag sa pamamalakad. Sa kabila ng dalawang rate hikes ngayong taon, nagpahiwatig si Noguchi na kailangang maghintay bago baguhin ang kasalukuyang pamamalakad, habang binibigyang-diin ang kahalagahan ng dahan-dahang kilos para masigurado na magiging handa ang ekonomiya sa mababang inflation. Maraming ekonomista ang hindi umaasa na magkakaroon ng pagbabago sa pamamalakad ng BOJ hanggang Enero 2025.
Technical Analysis ng GBPJPY at mga Target na Presyo
Mula noong makabawi ito mula sa peak na 208.098 noong Hulyo 11, malinaw na nakakaranas ng downtrend ang GBPJPY pair. Sa kabila ng malakas na momentum pababa, nakakita ang pair ng support sa 180.079 at pumasok na ito sa isang sideways na consolidation. Lumitaw ang bullish reversal pattern na kilala bilang failure swing. Nabigo ang pangunahing swing low sa 183.703 na lumagpas pababa sa nakaraang trough, at pagkatapos nito lumagpas ang presyo sa itaas ng 193.458. Kaya lang, hindi matibay ang naging breakout, kaya hindi pa sigurado kung mapagpapatuloy ng pair ang pataas nitong takbo.
Ang support para sa pataas na paggalaw ay nanggagaling sa 20 at 50-period Exponential Moving Averages (EMA), kung saan nagti-trade ang presyo sa itaas ng parehong linya. Bukod dito, nasa itaas ng 50 na baseline ang Relative Strength Index, na nagpapahiwatig ng potensyal na bullish na momentum. Kaya lang, nananatili ang Momentum oscillator sa ilalim ng 100 na lebel, at hindi pa lumalagpas ang 20-period EMA sa itaas ng 50-period EMA, na nagpapahiwatig na kailangan pang mag-ingat.
Gamit ang Fibonacci retracement sa swing high na 193.458 at swing low na 183.073, matataya ang potensyal na upside targets sa 199.479, 209.222, at 224.986.
Pangkalahatan
Ngayong 2024, humaharap sa kahinaan ang UK job market dahil sa di kasiguraduhan sa ekonomiya at maingat na aktibidad sa negosyo na nagpapabagal sa pagkuha ng mga empleyado, at humahantong sa mas matinding kumpetisyon sa mga naghahanap ng trabaho. Samantala, pinapanatili ng Bank of Japan ang napakaluwag nitong pamamalakad, kung saan ipagpapaliban ang rate hikes para suportahan ang katatagan ng ekonomiya. Sa mga currency market, nagpapakita ang GBPJPY pair ng senyales ng potensyal na bullish reversal, bagamat nananatili ang pag-iingat dahil nagpapahiwatig ng magkahalong momentum ang mga technical indicator.