Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Nanganganib ang Oil Market sa Buong Mundo: Pagbabawas sa Forecast ng OPEC, Tumataas na Imbentaryo, at Hindi Kasiguraduhan sa Geopolitics
16 August 2024 | FXGT.com
Nanganganib ang Oil Market sa Buong Mundo: Pagbabawas sa Forecast ng OPEC, Tumataas na Imbentaryo, at Hindi Kasiguraduhan sa Geopolitics
Napapailalim sa mga pagbabago ang oil market sa buong mundo dahil sa bagong pangyayari kaugnay sa forecast sa demand, lebel ng imbentaryo, at geopolitical na tensyon. Binabaan ng OPEC ang forecast nito sa demand ng langis ngayong 2024 dahil sa mas mahinang demand mula sa China kumpara sa inaasahan. Dahil dito, nahihirapan ang OPEC+ na magdesisyon kung itataas ba nito ang produksyon sa mga nalalapit na buwan. Samantala, bumaba ang presyo ng US Oil dahil sa nakakagulat na pagtaas sa imbentaryo ng krudo, kaya tumataas ang posibilidad ng pagkakaroon ng surplus sa langis sa buong mundo. Nakakadagdag sa di kasiguraduhan sa market ang patuloy na geopolitical na risk, partikular na sa pagitan ng Iran at Israel. Ayon sa mga technical indicator, kasalukuyang nasa downtrend ang presyo ng krudo, kung saan ginagabayan ng support at resistance levels ang magiging takbo ng presyo nito sa hinaharap.
Binawasan ng OPEC ang Forecast sa Demand ng Langis ngayong 2024 sa Gitna ng Pag-aalala sa China
Dahil sa mas mahinang demand mula sa China, binawasan ng OPEC ang forecast sa demand ng langis ngayong 2024 patungong 2.11 milyong bariles kada araw (bpd) mula sa dating inaasahan na 2.25 milyong bpd. Binibigyang-diin nito ang kinakaharap na hamon ng OPEC+ sa pagdedesisyon kung tataasan ba nito ang produksyon simula Oktubre. Sa kabila ng mas mahinang forecast, nananatiling mataas ang tantyang paglago ng OPEC kumpara sa inaasahan ng industriya tulad ng sa International Energy Agency (IEA), na may forecast na mas mahinang paglago. Nakalagay din sa ulat na bahagyang tumaas noong Hulyo ang produksyon ng OPEC+, at may oras pa ang grupo na magdesisyon sa magiging istratehiya nito sa produksyon sa Oktubre.
Tumaas ang Imbentaryo ng Krudo
Bumaba ang presyo ng langis pagkatapos mabunyag sa ulat ng US na may hindi inaasahang pagtaas sa stockpile ng krudo, kung saan tumaas ang imbentaryo ng 1.36 milyong bariles, na pumutol sa anim na linggong sunod-sunod na pagbaba. Humantong ito sa 1.8% na pagbaba ng West Texas Intermediate, na naitala sa $77 kada bariles, habang bumaba naman sa may $80 ang Brent. Dahil sa sorpresang ito, nagkaroon ng pag-aalala tungkol sa potensyal na surplus sa langis sa katapusan ng taon. Sa kabila nito, bumaba ang imbentaryo ng gasolina at distillate, na nagpapahiwatig ng patuloy na demand sa panahon ng pagmamaneho ngayong tag-init. Samantala, tumugma sa inaasahan ang datos sa inflation ng US, at nagpapatuloy ang pangamba ng market sa mga geopolitical na risk, partikular na sa pagitan ng Iran at Israel.
Geopolitical na Tensyon
Bumagsak ang presyo ng langis pagkatapos ipahiwatig ni Pangulong Biden na maaaring iwasan ng Iran ang pag-atake sa Israel kapag nagkaroon ng tigil-putukan sa Gaza. Kaya lang, binanggit niya na mas mahirap na ngayong magkaroon ng kasunduan, tulad ng iniulat ng CNBC. Sa umpisa ng linggo, tumaas ang presyo ng langis dahil sa lumalalang tensyon sa pagitan ng Iran at Israel, pero umurong ito dahil sa pag-aalala tungkol sa humihinang demand sa China. Nagtapos ang araw na mas mababa sa $77 kada bariles ang presyo ng US Crude Oil, habang bumagsak naman sa ilalim ng $80 ang Brent. Nananatiling hindi matatag ang market, at naaapektuhan ito ng patuloy na geopolitical na risks at nagbabagong demand sa buong mundo. Bukod dito, tumaas ang imbentaryo ng US Crude, habang bumagsak ang imbentaryo ng gasolina dahil sa katamtamang demand at mas mababang produksyon.
Mga Technical na Target na Presyo
Nakakaranas ng downtrend ang krudo simula noong Hulyo 5, noong bumuo ang price action ng Shooting Star Japanese candlestick bearish reversal pattern. Tulad ng inaasahan, bumuo ang presyo ng sunod-sunod na mas mababang peak at mas mababang trough, habang nagtala ng halagang mas mababa sa baseline na 100 at 50 ang Momentum oscillator at ang Relative Strength Index (RSI), ayon sa pagkakabanggit.
Kapag naglagay ng Fibonacci retracement tool sa pinakabagong swing, may dalawang potensyal na support levels na pwedeng makalkula. Makikita ang una sa $68.26 kada bariles, na tumutugma sa trough na nabuo noong Disyembre 12, 2023, at sa 261.8% Fibonacci extension. Sa hindi magandang eksena, natutukoy ang downward na target sa $61.82, na kumakatawan sa 423.6% Fibonacci extension ng pinakabagong swing.
Sa kabilang banda, kung magagawa ng krudo na lagpasan ang mahalagang resistance level na $79.49, magbubukas ito ng daan para maaboot ang $81.66 at $84.27 kada bariles.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, dahil sa mas mababang demand sa China, binago pababa ng OPEC ang forecast nito sa demand ng langis ngayong 2024, kaya nagiging kumplikado ang desisyon nito tungkol sa pagdadagdag ng produksyon simula Oktubre. Gayundin, bumagsak ang presyo ng US Oil pagkatapos ng nakakagulat na pagtaas sa imbentaryo ng krudo, kaya umigting ang pag-aalala tungkol sa potensyal na surplus sa buong mundo. Nakapagdagdag sa pagtaas-baba ng market ang mga geopolitical na tensyon, partikular na sa pagitan ng Iran at Israel, kung saan nagbabago-bago ang presyo batay sa umuusad na sitwasyon. Ayon sa technical analysis, nasa downtrend ang krudo, na may potensyal na support level sa $68.26 at $61.82 kada bariles, habang pwede namang humantong sa mas mataas na target ang paglagpas nito sa itaas ng $79.49.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.