Sumipa ang presyo ng gold sa record highs nito sa gitna ng nakaambang interest rate cut ng Federal Reserve at tumataas na demand para sa isang safe haven asset dahil sa geopolitical na tensyon sa buong mundo at nalalapit na eleksyon sa US. Tumaas ng mahigit 20% ngayong taon ‘tong precious metal, kaya naabot nito ang bagong all-time highs at nakapukaw sa interes ng parehong institusyonal at retail na investors. Nakaranas din ng matinding inflows ang Exchange-Traded Funds (ETFs) sa gold, kaya umabot sa record na $257B ang Assets Under Management (AUM) sa buong mundo. Hinuhulaan ng mga analyst na maaaring magpatuloy ang pataas na takbo ng gold, kung saan may ilang humuhula na aabot sa $3,000 kada onsa ang presyo nito sa kalagitnaan ng 2025. Sinusuportahan ng mga technical indicator ang bullish na trend, pero may mga senyales ng potensyal na correction na nagpapahiwatig na kailangang maging maingat ng mga investor.
Sumipa sa Record Highs ang Presyo ng Gold sa Gitna ng Nakaambang Rate Cut ng Fed at Pagtaas ng Demand sa Safe Haven Asset
Umabot sa bagong record highs ang presyo ng gold, kung saan nagtuloy-tuloy ang pagtaas nito dahil sa inaabangang rate cut ng Federal Reserve. Kahapon, umabot ang presyo ng gold sa $2589.48 kada troy ounce, kaya nakatakda itong magkaroon ng lingguhang pagtaas na mahigit 3.25%. Tumaas na ng mahigit 20% ang presyo nito ngayong taon, na sinusuportahan ng pagbili ng mga bangko sentral, demand bilang safe haven sa gitna ng alitan sa buong mundo, at tumataas na interes mula sa retail na investors.
Dahil sa inaasahang rate cut ng Fed, na maaaring umabot ng 50 basis points, nahikayat ang traders na taasan ang bullish na pagtaya sa gold, na kadalasang nakikinabang sa mas mababang interest rates. Bukod dito, nakatulong din sa pagtaas ng gold ang interes ng mga investor sa gold na Exchange-Traded Funds (ETFs). Lalo pang sumuporta sa presyo ng gold ang humihinang US dollar at kaunting pagtaas sa presyo ng silver, platinum, at palladium.
Kumikislap ang Gold ETFs: Umabot ang AUM sa Record na $257B sa Gitna ng $2.1B na Inflows ngayong Agosto
Ngayong Agosto 2024, nakaranas ang gold ETFs ng inflows sa ika-apat na sunod na buwan, kung saan nakapagdagdag ito ng $2.1B. Ayon sa World Gold Council, ang pagtaas na ‘to ay resulta ng malakas na demand mula sa pondo sa West. Itinulak nitong inflows sa record na $257B ang Assets Under Management (AUM) sa buong mundo. Tumaas ng 29 tonelada patungong 3,182 tolenada sa katapusan ng buwan ang kabuuang hawak na gold, kaya nagpapatuloy pa ang apat na buwang pagbawi nito. Nanguna ang Hilagang Amerika sa inflows na may $1.4B dahil sa dovish na senyales mula sa Fed kasabay ng geopolitical na tensyon, habang nakaranas naman ng katamtamang inflows ang Europa. Patuloy rin na nakapagtala ng inflows ang Asya, bagamat sa mas mabagal na antas. Bukod dito, malakas ang naitalang inflows sa South Africa at Australia.
Heto ang YtD na kita ng ilang Gold ETFs na nakapagtala ng pagtaas na mahigit sa 24.8%:
• iShares Gold Trust: 24.84%
• Goldman Sachs Physical Gold ETF: 24.88%
• ABRDN Physical Gold Shares ETF: 24.86%
• GraniteShares Gold Trust: 24.93%
• SPDR Gold MiniShares: 24.91%
Sumipa ang Presyo ng Gold sa Gitna ng Di Kasiguraduhan at Nakaambang Rate Cut ng Fed, Inaasahan ang Target na $3,000
Nakakaranas ng panibagong record highs ang presyo ng gold, kung saan inaasahan ng mga analyst na tataas pa ito habang papalapit ang pulong ng US Federal Reserve. Ayon sa mga analyst, gumaganda ang presyo ng gold dahil sa di kasiguraduhan sa ekonomiya, na nagbibigay-diin sa mga aspeto tulad ng halalan ngayong 2024 at lumalalang tensyon sa Middle East at Ukraine. Pinapatindi nitong mga geopolitical na tensyon ang pag-usbong ng gold bilang isang safe haven asset.
Isa pang dahilan ay ang tumataas na pag-asa na magpapatupad ng interest rate cut ngayong linggo ang Federal Reserve. Kapag mas mababa ang interest rates, nababawasan ang opportunity cost ng paghawak ng ginto kumpara sa mga asset na may interes tulad ng Treasurys, na kadalasang nagpapahina sa US dollar, kaya mas nakakaengganyo ang gold para sa mga investor na may hawak na ibang currency.
Inaasahan ng mga analyst na pwedeng umabot ng $3,000 kada onsa ang presyo nito sa kalagitnaan ng 2025, na may 2024 forecast sa ika-apat na quarter na $2,600 kada onsa.
Pinupuntirya ng Gold ang Panibagong Highs
Naabot kamakailan ng gold ang bagong all-time high na $2,589.49 kada troy ounce, kaya nalagpasan nito ang dating record na $2,585.95 noong Setyembre 13. Nagtutulak sa pagtaas nitong metal ang positibong sentimyento ng market, geopolitical na tensyon, at nalalapit na eleksyon sa US. Sumusuporta rin sa uptrend ang mga technical indicator tulad ng Bollinger Bands, Relative Strength Index, Momentum oscillator, at ang Exponential Moving Average. Sa partikular, ang presyo ay nasa itaas ng 50-period Exponential Moving Average, habang ang Momentum oscillator at ang Relative Strength Index ay nakapagtala ng halaga na mas mataas sa 100 at 50, ayon sa pagkakabanggit. Gayundin, sumesenyas sa pagpapatuloy ng uptrend ang lumalawak na Bollinger Bands at presyo na nagko-close sa itaas ng mas mataas na band. Kaya lang, may negatibong paghihiwalay sa pagitan ng mga oscillator at ng presyo, na sumesenyas na maaaring malapit na ang potensyal na correction. Gamit ang Fibonacci retracement tool sa pinakabagong swing sa chart, matatantya ang mga sumusunod na target na presyo: $2,628.25 at $2,724.98.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, dahil sa demand para sa safe haven asset, kasabay ng inaabangang rate cut ng Federal Reserve, at geopolitical na tensyon sa buong mundo, sumipa sa panibagong record highs ang presyo ng gold. Dahil sa positibong sentimyento ng market at mga technical indicator na sumusuporta sa bullish na trend, inaasahan ng mga analyst ang higit pang pagtaas, na maaaring umabot ng $3,000 kada onsa sa kalagitnaan ng 2025. Kaya lang, dahil sa senyales ng posibleng correction, nagpapahiwatig na dapat maging maingat ang mga investor habang pinupuntirya ang mahahalagang target na presyo.