Home / Blog / Kategorya / Pagsusuri sa Market / Sumipa ang Presyo ng Gold sa Panibagong Highs: Bullish na Momentum na Resulta ng Rate Cut ng Fed at Geopolitical na Tensyon
25 September 2024 | FXGT.com
Sumipa ang Presyo ng Gold sa Panibagong Highs: Bullish na Momentum na Resulta ng Rate Cut ng Fed at Geopolitical na Tensyon
Nakapagtala ang gold ng panibagong all-time highs sa apat na magkakasunod na araw, kung saan nag-peak ito sa $2,670.32 kada troy ounce. Ang malakas na bullish momentum ay dulot ng magkakaibang aspeto, tulad ng 50 basis point rate cut ng Federal Reserve, tuloy-tuloy na geopolitical na tensyon, at hindi kasiguraduhan kaugnay sa nalalapit na eleksyon sa US. Pinaigting nitong mga kaganapan ang kagandahan ng gold bilang isang safe haven asset.
Mga Pangyayari sa Ekonomiya na may Matinding Epekto
Umabot ang gold sa panibagong all-time highs sa apat na magkakasunod na araw, kung saan naitala ang pinakabagong peak sa $2,670.32 kada troy ounce. Ang pataas na momentum ay dahil sa pinaghalong positibong sentimyento ng market, ang kamakailang 50 basis point rate cut ng Federal Reserve, lumalalang geopolitical na tensyon, at hindi kasiguraduhan kaugnay sa nalalapit na eleksyon sa US. Pinaiigting nitong mga aspeto ang demand para sa gold bilang isang safe haven asset, na sumusuporta sa patuloy nitong pagtaas. Suportado rin ang uptrend ng mga technical indicator na gaya ng Bollinger Bands, Relative Strength Index, Momentum oscillator, at Exponential Moving Average. Sa partikular, ang presyo ay nasa itaas ng 50-period Exponential Moving Average, habang nakapagtala naman ang Momentum oscillator at Relative Strength Index ng halaga na mas mataas sa baseline na 100 at 50, ayon sa pagkakabanggit. Bukod dito, lumalawak ang Bollinger Bands at nagko-close ang presyo sa itaas ng upper band na sumesenyas ng pagpapatuloy ng uptrend. Kaya lang, may negatibong paghihiwalay sa pagitan ng oscillators at ng presyo, na sumesenyas na pwedeng papalapit na ang potensyal na correction sa market.
Mahahalagang Resistance Levels
Kung mapapanatili ng bulls ang kontrol sa market, maaaring malipat ang atensyon ng traders sa apat na potensyal na resistance levels sa ibaba: 2676.83: Ang pangunang resistance ay naitala sa 2676.83, na tumutugma sa lingguhang resistance (R2) na nakalkula gamit ang standard pivot point method. 2694.98: Ang ikalawang target na presyo ay hinuhulaan sa 2694.98, na kumakatawan sa 261.8% Fibonacci extension na nakalkula sa pagitan ng swing high na 2483.57 at ng swing low na 2352.91. 2724.98: Ang ikatlong target na presyo ay namataan sa 2724.98, na kapantay ng 423.6% Fibonacci extension level na nakalkula mula sa swing high na 2531.53 papunta sa swing low na 2471.75. 2906.39: May isa pang dagdag na target na nakita sa 2906.39, na natantya bilang 423.6% Fibonacci extension na ginuhit mula sa peak na 2589.49 pababa sa trough na 2546.58.
Mahahalagang Support Levels
Kung makukuha ng mga nagbebenta ang kontrol sa market, maaaring isaalang-alang ng traders ang apat na potensyal na support levels sa ibaba: 2597.78: Ang pangunang support level ay natukoy sa 2597.78, batay sa lingguhang pagkalkula ng pivot point gamit ang standard method. 2546.58: Ang ikalawang support level ay nakaposisyon sa 2546.58, na tugma sa low na namataan noong Setyembre 18. 2471.75: Ang ikatlong support level ay makikita sa 2471.75, na sumasalamin sa arawang low na naitala noong Setyembre 4. 2351.91: May isa pang dagdag na downside target na nasa 2351.91, na tumutugma sa arawang low na natukoy noong Hulyo 26.
Fundamentals
Umabot ang presyo ng gold sa panibagong all-time high na $2,670.32 kada onsa, na resulta ng pag-asa na magpapatupad ng higit pang rate cuts ang Federal Reserve. Sumenyas ang mga opisyal ng Fed, kabilang ang pangulo ng Chicago Fed na si Austan Goolsbee at pangulo ng Minneapolis Fed na si Neel Kashkari, na pwede pang mabawasan ang rates. Hinihintay ng traders ang mahahalagang datos sa ekonomiya, kabilang ang personal na pagkonsumo at jobless claims sa US, na pwedeng makaimpluwensya sa magiging desisyon ng Fed sa hinaharap. Ang sunod-sunod na pagtaas ng gold ngayong taon ay sinusuportahan ng pagbili ng mga bangko sentral, demand dito bilang safe haven, at patuloy na geopolitical na tensyon.
Nagsisilbi ang gold bilang isang safe haven asset sa panahon ng hindi kasiguraduhan sa ekonomiya. Isa itong magandang taga-diversify ng portfolio dahil sa lumalalang tensyon sa buong mundo at pag-aalala sa inflation. Dinadagdagan ng mga bangko sentral ang kanilang gold reserves, kaya nakakatulong ito sa malakas na demand na sumusuporta sa mas mataas na presyo. Bukod dito, may bagong demand sa gold dahil sa mga pagbabago sa teknolohiya ng elektroniko at renewable energy. Dahil sa limitadong output ng pagmimina at kagipitan sa supply, pwedeng magpatuloy pa ang pataas na momentum ng gold. Kaya lang, kailangang isaalang-alang ng mga investor ang pagtaas-baba ng market bago bumili nito.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, ang kamakailang pagtaas ng gold patungo sa record high na $2,670.32 kada troy ounce ay suportado ng iba’t-ibang pumapabor na aspeto tulad ng rate cut ng Federal Reserve, geopolitical na tensyon, at di kasiguraduhan sa market bago ang eleksyon sa US. Ang bullish na pananaw ay pinapaigting din ng mga technical indicator at malakas na demand mula sa mga bangko sentral. Kaya lang, bagamat nananatiling malakas ang uptrend, pwedeng magkaroon ng potensyal na correction sa market, kaya kailangan pa ring mag-ingat ng mga investor sa pagtaas-baba nito, dahil pwedeng makaimpluwensya ang mga nalalapit na datos sa ekonomiya tungkol sa magiging galaw ng presyo nito sa hinaharap.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.