Napapansin lalo ang sektor ng mga commodity habang nagpapahayag ang mga analyst ng magandang pananaw tungkol sa potensyal nito sa katamtamang panahon, na nagbibigay-diin sa kakayahan nitong pagandahin ang mga portfolio sa tradisyonal na bonds at stocks. Sa kabila ng magkahalong senyales sa ekonomiya, marami ang tumaya lalo sa precious metals, na nagbibigay-diin sa kagandahan nito sa panahon ng di kasiguraduhan. Itinutulak ng mga eksperto ang pagbago-bago at macroeconomic na pananaw tungkol sa pag-invest sa commodities, na may pagtutok sa gold bilang isang safe-haven asset sa gitna ng mga geopolitical na tensyon at potensyal na interest rate cuts. Sinusuportahan ng technical analysis ang patuloy na paglago ng presyo ng gold, na tumutugma sa magandang pagtingin ng mga analyst tungkol sa commodities.
Ayon sa Investing.com, may positibong pagtingin ang mga analyst ng UBS Global Research tungkol sa sektor ng mga commodity at patuloy ang magandang pananaw nito sa katamtamang panahon. Binigyang-diin ng UBS ang potensyal na benepisyo ng mga commodity sa tradisyonal na portfolio sa bonds at stocks.
Sa kabila ng magkahalong datos sa ekonomiya at humihinang senyales sa market, pinili ng UBS na ilipat ang sektor ng precious metals tungo sa overweight na posisyon. Inirerekomenda ng UBS ang pagbago-bagong kilos pagdating sa pag-invest sa commodity, habang tinututukan ang pagkakaroon ng macroeconomic na kapaligiran at pagpili ng mga sektor.
Nananatili ang positibong pananaw ng UBS sa mga commodity at binibigyang-diin nito ang kagandahan ng precious metals bilang investment sa gitna ng kasalukuyang kondisyon sa ekonomiya.
Kalimitang tumataas ang presyo ng gold dahil sa mga geopolitical na tensyon dahil itinuturing itong isang “safe-haven” asset. Sa panahon ng hindi kasiguraduhan, kadalasang nililipat ng mga investor ang pondo nila mula sa mga asset na mataas ang risk, patungo sa gold, kaya tumataas ang demand at presyo nito. Mas nagiging maganda ang gold dahil sa pagtaas-baba ng malalaking currency, lalo na ang paghina ng US dollar. Bukod dito, dahil sa pag-aalala tungkol sa inflation at pagtaas-baba ng market, lalo pang tumataas ang pananaw dito bilang isang matatag na investment. Dahil din sa matagalang papel ng gold bilang maaasahang store of value sa panahon ng hindi kasiguraduhan, isa itong magandang opsyon kapag may krisis sa geopolitics, na humahantong sa mas mataas na presyo.
Kalimitang may positibong epekto sa presyo ng gold ang pagkakaroon ng interest rate cuts. Dahil sa mas mababang rates, nababawasan ang opportunity cost ng paghawak ng mga asset na walang interest tulad ng gold, kaya mas maganda ito kumpara sa mga investment na may kasamang interest. Bukod dito, pwedeng humina ang pambansang currency dahil sa rate cuts, lalo na ang US dollar, kaya mas mura para sa mga dayuhan ang gold, na nagpapataas sa demand nito. Dahil sa mas mataas na inaasahang inflation na dulot ng mas mababang rates, mas pinipili rin ng investors ang gold bilang proteksyon laban sa inflation. Ang mas murang paghirap ng pera ay nagreresulta sa mas mataas na liquidity sa market, na pwedeng magpataas sa demand sa gold kasabay ng presyo nito.
Nakakaranas ng uptrend ang gold simula noong Setyembre 2022, kung saan nakabawi ang presyo sa lingguhang lows na $1660 kada troy ounce. Tulad ng inaasahan, bumuo ng sunod-sunod na mas mataas na peaks at mas mataas na troughs ang presyo, habang nagpakita ang Momentum oscillator at ang Relative Strength Index (RSI) ng halaga na mas mataas sa baselina na 100 at 50, ayon sa pagkakabanggit. Nakita ang unang resistance sa all-time high na $2483.62, na namataan noong Hulyo 14. Kapag naglagay ng Fibonacci retracement tool sa pinakabagong upside swing, may dalawang potensyal na target na presyo na pwedeng kalkulahin. Ang una ay ang $2550.71 kada troy ounce, na tumutugma sa 161.8% Fibonacci extension. Ang pangalawang presyo ay natukoy sa $2713.74, na nakalkula bilang 261.8% Fibonacci extension.
Sa pangkalahatan, nananatili ang pagtutok sa sektor ng mga commodity, partikular na sa mga precious metal tulad ng gold, para sa mga investor na naghahanap ng katatagan sa gitna ng hindi kasiguraduhan sa ekonomiya. Itinutulak ng mga analyst ang pagkakaroon ng pabago-bago at macroeconomic na pagkilos sa investment, kaya angat ang gold bilang safe-haven asset sa panahon ng geopolitical na tensyon at potensyal na interest rate cuts. Ayon sa mga technical indicator, patuloy ang magiging paglago ng presyo ng gold, na nagpapaigting sa positibong pananaw tungkol sa mga commodity bilang mahalagang dagdag sa mga tradisyonal na portfolio sa investment.