Home / Blog / Kategorya / Pagsusuri sa Market / Kumakapit ang Bull Run ng Gold sa $2,275 na Support habang Tinututukan ang FOMC at CPI
11 June 2024 | FXGT.com

Kumakapit ang Bull Run ng Gold sa $2,275 na Support habang Tinututukan ang FOMC at CPI

  • Sumipa sa 12% YTD ang Presyo ng Gold, Humaharap sa Consolidation: Tumaas ng 12% ang presyo ng gold simula noong umpisa ng taon. Kaya lang, kamakailan, nagko-consolidate ito sa malawak na range pagkatapos harapin ang malakas na resistance sa $2,400 sa parehong Abril at Mayo. Nagpapahiwatig ang pattern na ito ng potensyal na double top sa lingguhang chart, na makukumpirma bilang bearish kung bumagsak ang market sa ibaba ng mahalagang support level na $2,275.
  • Matinding Pagbagsak ng Gold: Noong nakaraang Biyernes, nakaranas ang gold ng matinding pagbaba na 3.5%, na nagmamarka sa isa sa pinakamalaking pagbagsak nitong mga nakaraang buwan dahil sa dalawang mahalagang pangyayari.
  • Hininto ng China ang Pagbili ng Gold: Inanunsyo ng People’s Bank of China na hindi nito dinagdagan ang gold reserves nito ngayong Mayo, kaya natapos ang 18-buwang sunod-sunod na pagbili. Dahil sa hindi inaasahang pagtigil, nagresulta ito sa pangunang pagbagsak sa presyo ng gold, pero hindi pa rin klaro kung isa lamang itong pansamantalang paghihinto o pagbaliktad ng istratehiya sa mas mahabang panahon.
  • Epekto ng Datos sa Ekonomiya ng US: Higit pang nakaranas ng pwersa ang presyo ng gold noong hapon dahil sa mas mababang pag-asa na magpatupad ang Federal Reserve ng rate cut sa Setyembre. Dahil sa malakas na datos sa US Nonfarm Payrolls, umigting ang espekulasyon na pananatilihin ng Fed ang mas mataas na rates sa mas mahabang panahon, kaya negatibo nitong naapektuhan ang demand para sa naturang precious metal.
  • Naghihintay ng Magpapagalaw Nito: Kasalukuyang mahina ang sentimyento tungkol sa gold, at kailangan ng bagong magpapatakbo dito para bumalik ang kumpiyansa ng mga mamimili. Tinututukan ngayon ang ilalabas na datos sa CPI bukas at ang pulong ng FOMC. Bagamat walang inaasahang pagbabago sa pulong nito, mabubunyag sa press conference at Buod ng Projection sa Ekonomiya ang kasalukuyang pananaw at paninindigan ng Fed para sa magiging interest rates hanggang sa katapusan ng taon.
  • Mahalagang Support Level sa $2,275: Basta’t mananatili ang gold sa itaas ng $2,275, mananatiling matatag ang pangmatagalang uptrend, na magpapahiwatig na ang kasalukuyang sideways na galaw ay isang continuation pattern, at nagbibigay-daan para masanay ang market sa bagong lebel ng presyo ngayong taon. Kasalukuyang sinusubok ng gold ang ibabang hangganan ng 45-araw na Exponential Moving Average (EMA) channel, na isang mahalagang indicator ng trend. Kapag nanatili ito sa itaas ng $2,275, magiging pataas ang pangkalahatang trend, at anumang bullish signal ay pwedeng mag-udyok sa pataas na momentum.
  • Mapapanatili ba ang $2,275 o Sesenyas ng Bearish na Takbo: Dahil sa correction noong Biyernes, bumagsak ang market sa $2,285, na mas mataas ng $10 kaysa sa kritikal na support level na $2,275 na natukoy noong unang bahagi ng Mayo. Kapag bumagsak sa mahalagang support level na $2,275, makukumpirma ang bearish na pattern sa lingguhang timeframe, na babaliktad sa trend patungong bearish sa arawang timeframe. Pwede itong humantong sa malaking correction, kung saan ang susunod na mahalagang support ay nasa bandang $2,150, kung saan nagtatagpo ang 200-araw na EMA at ang 45-linggong EMA. Ang lugar na ito ay tumutugma din sa high noong Disyembre 2023, na sumesenyas ng malakas na support level kung sakaling magbago ang sentimyento.
  • Ngayong 2024 Nagti-trend ang Presyo ng Gold sa mga Pulong ng FOMC: Ngayong 2024, nagpapakita ang presyo ng gold ng malinaw na trend tuwing may pulong ang FOMC. Pagkatapos ng pulong noong Enero, kung saan hindi binago ng Fed ang rates nito, bumaba ang presyo ng gold sa sumunod na linggo dahil sa maingat na pananaw ng Fed tungkol sa inflation. Kaya lang, tumaas ang presyo nito pagkatapos noong pulong noong Marso at Abril-Mayo, noong nagdesisyon ang Fed na panatilihin ang rates, na sinamahan ng dovish na senyales at patuloy na hindi kasiguraduhan sa ekonomiya, kaya napaigting ang kagandahan nito bilang isang safe haven asset. Dalawang araw pagkatapos noong pulong nitong Abril-Mayo, nabuo ang mahalagang support level na $2,275, at sunod-sunod na sumipa ang market patungo sa all-time high sa bandang $2,440​.
  • Epekto sa Gold ng Pamamalakad ng Fed: Kapag pinanatili ng Fed ang kasalukuyan nitong pamamalakad, kasabay ng pagkilos batay sa datos, at nanatiling neutral nang walang anumang pagbabago ng tono, maaaring patuloy na mag-trade ang gold sa loob ng mas malawak na sideways pattern. Kaya lang, kapag hawkish ang pananaw ng Fed o nagkaroon ng indikasyon laban sa rate cuts ngayong 2024, pwede nitong mapwersa ang gold, kung saan pwedeng mabasag ang $2,275 na support at mag-udyok ng pangmatagalang correction. Umaasa ang gold bulls na humina ang CPI at maging dovish ang Fed, na pwedeng magsilbi bilang umpisa ng bullish na takbo, at magtulak sa pagbawi nito mula sa pagkalugi noong nakaraang linggo at magdala sa gold sa itaas ng panandaliang resistance sa $2,325, na magreresulta sa mas malakas na pagbawi sa loob ng kamakailang range.  

Arawang Chart ng Gold

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.