Home / Blog / Kategorya / Pagsusuri sa Market / Humaharap sa Pagsubok ang Bullish na Momentum ng Gold Dahil sa Nalalapit na Datos sa Inflation ng US
14 May 2024 | FXGT.com

Humaharap sa Pagsubok ang Bullish na Momentum ng Gold Dahil sa Nalalapit na Datos sa Inflation ng US

Kamakailang Pagtakbo: Tumaas ng 2.60% ang gold mula noong umpisa ng Mayo at 13% mula noong umpisa nitong taon, habang nagpapatuloy ang sunod-sunod na pagtaas nito sa itaas ng mahahalagang moving averages at sa iba’t-ibang timeframe. Kaya lang, nananatiling maingat ang market dahil nag-aatubili pa rin ang mga investor na gumawa ng malalaking hakbang bago ilabas mamaya ang ulat sa US Producer Price Index (PPI) at Consumer Price Index (CPI) bukas.

Mahalagang Support Level: Nagpakita ng malakas na senyales ng support sa itaas ng $2,280 ang kamakailang corrective wave sa arawang chart na nagsimula noong kalagitnaan ng Abril, kung saan tumutugma ito sa itaas na hangganan ng 45-araw na Exponential Moving Average (EMA) channel. Kritikal ang support na ito sa pagpapanatili ng patuloy na bullish trend. Bukod dito, naging bullish ang panandaliang trend dahil sa bullish reversal pattern at paggalaw sa itaas ng mahahalagang moving averages sa 4 na oras na timeframe.

Mga Momentum Indicator: Dahil sa kamakailang correction mula noong kalagitnaan ng Abril, naging normal ang mga momentum indicator sa mas mataas na timeframe, na dating nagpakita ng pinalawig na overbought na kondisyon. Sa pagbaliktad na ito, may pagkakataong potensyal na magpatuloy ang kasalukuyang sunod-sunod na pagtaas.

Lebel ng Continuation ng Trend: Sinusubok ng market ang intraday support sa $2,335, habang nilalayong patakbuhin ulit ang bullish na momentum. Nasa $2,350 ang resistance sa panandaliang panahon. Kung matagumpay itong lumagpas sa itaas ng resistance level, pwedeng bumilis ang momentum at mag-udyok sa mga bull na magtakda ng bagong target sa nakaraang high na $2,380 at potensyal na pag-retest ng all-time high na $2,430.

Reversal Levels: Kasalukuyang sinusuportahan ang panandaliang bullish trend sa $2,335 na lebel. Kung mabibigo ang presyo na panatilihin ang lebel na ito, pwede itong sumenyas ng bearish reversal sa panandaliang panahon. Ibabalik nito ang presyo pabalik sa range noong nakaraang linggo, kaya tataas ang tyansa na ma-retest ang arawang support level sa mas mahabang panahon na $2,280. Bagamat nananatiling bullish ang trend sa itaas ng $2,280, kung bumagsak ang presyo sa ilalim ng lebel na ito, pwedeng magbago patungong bearish ang pananaw sa katamtamang panahon at maaaring magresulta sa mas pinalawig na correction.

Ilalabas na Datos sa Ekonomiya ng US: May potensyal na makaimpluwensya sa pamamalakad ng Federal Reserve ang ilalabas na datos sa inflation ng US ngayong linggo. Ang mas mahinang inflation ay maaaring magresulta sa pag-asang magkaroon ng rate cut sa ‘sing aga ng Setyembre, na makakapagpataas pa sa presyo ng gold. Sa kabilang banda, kapag mas mataas ang inflation kaysa sa inaasahan, pwede nitong itulak ang gold patungo sa yugto ng consolidation, kaya pagtutuunan ng pansin ang nakaraang support levels.

4 na Oras na Chart ng Gold

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.