Opisyal nang natapos ang iFX EXPO Asia 2024, at ramdam pa rin namin ang tuwa at karangalan dahil dito. Bilang Opisyal na Global Partner nitong event, nagkaroon kami ng pambihirang pagkakataon para makilala ang marami sa inyo, at walang makakapantay sa pagpapasalamat namin sa inyong suporta at pagtangkilik. Heto ang ilan sa mga nangyari at lahat ng kapana-panabik na bagay na naganap!
Pinakamalaking Booth na may Pinakamalaking Pasabog
Talagang pinuntahan sa expo ang booth #2, at tuwang-tuwa kaming salubungin ang marami sa inyo dito. Mula sa pagbabalita ng mga pinakabagong kaganapan, hanggang sa pakikihalubilo sa mga partner at pakikipag-collaborate sa maraming tao, tunay na napakasaya ng kapaligiran! Salamat sa lahat ng bumisita dahil kayo ang dahilan kung bakit di namin ‘to malilimutan!
Tinangkilik ang Keynote Speech at Sesyon ng mga Panelista
Patok na patok ang mga talumpati namin kaya ipinagmamalaki namin ang buong team! Nagbigay ng makapangyarihang keynote speech ang COO namin na si Mr. Stathis Kyriakides, at isang karangalan na maging sorpresang panauhin si Rory Keelan, ang kapatid ni Brian Keelan na isa sa mga nagtatag ng CFDs. Nakakabilib ang mga pananaw na ibinahagi nila, na tinutukan ng lahat ng pumunta, at nagtulak para magkaroon ng masiglang talakayan na nagpatuloy pagkatapos ng sesyon.
Hindi lang doon natatapos ang lahat! Gusto rin naming pasalamatan ang aming Global Head of Business Development na si Mr. Sherwan Zeybo, dahil sa napakahusay na pagganap niya bilang panelista sa Idea Hub. Tunay na nakakamulat ang mga pananaw niya sa IBs at mga komunidad, at tuwang-tuwa kaming makita na punong-puno ang sesyong ito!
Pagtanggap sa Parangal
Tuwang-tuwa kaming ianunsyo na pinarangalan ang FXGT.com sa event na ‘to bilang Best Trading Conditions APAC! Isa itong malaking tagumpay para sa amin, at sumasalamin ito sa walang-kupas na pangako namin na makapagbigay ng napakahusay na kondisyon sa lahat ng kliyente na nasa rehiyon ng APAC. Salamat sa lahat ng tumulong para maabot namin ito!
Binabati Namin ang mga Nanalo sa Giveaway!
Bukod sa pagiging pinakamalaking booth, kami din ang nagbigay ng pinakamagandang papremyo! Salamat sa lahat ng sumali sa enggrandeng giveaway. Magaganda ang lahat ng ipinamigay, kabilang na ang pinakamalaking papremyo na bakasyon para sa dalawang tao. Binabati namin ang mga maswerteng nanalo! Umaasa kami na naghihintay sa inyo ang di malilimutang karanasan!
Magkita-kita Ulit Tayo!
Nasasabik na kami sa susunod na expo at di na kami makapaghintay sa mga mangyayari sa hinaharap.
Isang malaking pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa’min sa event na ‘to. Hindi namin ito magagawa kung wala ang labis na pagsisikap at dedikasyon ng aming team, pati ang pagtangkilik ng bawat isa sa inyo!
Abangan ang mga kapana-panabik na update ng FXGT.com dahil nagsisimula pa lang kami! Magkita-kita tayo sa susunod na event!
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.