May mga mahahalagang pagbabago sa pamamalakad, interest rates, at trend sa currency na humuhubog sa ekonomiya at financial markets sa Canada. Umigting ang panukala na magpatupad ng malakihang rate cut para tumaas ang kumpiyansa, habang binawasan kamakailan ng Bank of Canada ang policy rate nito patungong 4.25% bilang tugon sa humihinang inflation at bumabagal na paglago ng ekonomiya. Inaasahan na makakabawi ang sektor ng pabahay dahil sa bumabagsak na interest rates, kung saan inaabangan ang pagtaas ng presyo ng mga bahay hanggang 2025. Bukod dito, naiimpluwensyahan ang Canadian dollar ng presyo ng langis at pagkakaiba ng interest rate, habang nakakaranas ng bullish na momentum ang USDCAD, na sumesenyas ng potensyal ng higit pag paglago.
Nagpanukala ang Dating Opisyal ng BoC na Magpatupad ng 50 Basis Point Rate Cut para Tumaas ang Kumpiyansa
Nagpanukala ang dating Bank of Canada Deputy Governor na si Paul Beaudry na kailangang bawasan ng bangko sentral ang rates nito ng kalahating percentage point sa susunod na pulong sa Oktubre 23. Naniniwala si Beaudry na may magandang rason para babaan ang singil sa pautang para paigtingin ang kumpiyansa ng mga tahanan at negosyo, lalo na’t nakakakita ang mga mambabatas ng positibong trends sa pagtaas ng sahod, inaasahang inflation, at pagpresyo ng mga korporasyon. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mabilis na galaw tungo sa neutral rate na 2.75% para suportahan ang paglago ng ekonomiya, lalo na’t napapabigat ng kasalukuyang 4.25% ang aktibidad sa ekonomiya. Binigyang-diin din ni Beaudry na bagamat karaniwang iniiwasan ng Bank of Canada na gulatin ang mga market, handa itong magdesisyon kung kinakailangan batay sa datos sa ekonomiya.
Binawasan ng Bank of Canada ang Rates Patungong 4.25% sa Gitna ng Humihinang Inflation at Pagbagal ng Ekonomiya
Noong Setyembre 4, binawasan ng Bank of Canada ang policy interest rate nito ng 25 basis points patungong 4.25%, na sumasalamin sa humihinang pwersa ng inflation at bumabagal na ekonomiya. Nitong ikalawang quarter, lumago ng 2.1% ang ekonomiya ng Canada dahil sa gastusin ng gobyerno at pamumuhunan ng mga negosyo, bagamat makikita sa pangunang datos na bumagal ang aktibidad hanggang Hunyo at Hulyo. Bumagal sa 2.5% ang inflation, pero nanatiling malaking parte nito ang presyo ng pabahay. Isinaad ng bangko sentral na bagamat dumadahan-dahan ang mas malawak na inflation, may ilang serbisyo na patuloy na nakakaranas ng mataas na presyo. Layunin ng rate cut na balansehin ang magkasalungat na pwersa ng inflation at tumulong sa panunumbalik ng matatag na presyo para sa mga taga-Canada.
Nakaambang Makabawi ang Housing market sa Canada dahil sa Pagbaba ng Interest Rate
Ayon sa nakaraang forecast sa housing market, inaasahan ang pagbawi sa humihinang sektor ng real estate sa Canada, pagkatapos ng ipinatupad na interest rate cuts ng Bank of Canada. Sa kabila ng 1.1% na pagbaba sa presyo ng mga bahay nitong ikatlong quarter dahil sa mas mabagal na aktibidad noong tag-init, nagsimulang makabawi ang demand nitong Setyembre. Binibigyang-diin ng ulat na dahil sa mas mababang presyo sa panghihiram ng pera, inaasahang mahahatak ng market ang mga bibili ng bahay sa unang pagkakataon pati ang mga investor, kung saan inaabangan ang mabilis na pagtaas ng presyo sa 2025. Inaasahang tataas ng 5.5% ang presyo ng mga bahay sa ika-apat na quarter ng 2024 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Mula Langis hanggang Interest Rates: Pagbubunyag sa mga Pwersa na Nagpapatakbo sa Canadian Dollar
Naaapektuhan ang Canadian Dollar (CAD) ng iba’t-ibang mahahalagang aspeto, kung saan isa sa mga pinakamalalaking aspeto ang presyo ng mga commodity, lalo na ang langis, dahil Canada ang ika-apat na pinakamalaking nag-e-export ng langis sa buong mundo. Kadalasang tumataas ang CAD kapag mas mahal ang presyo ng langis, habang bumababa naman ito kapag bumabagsak ang presyo. Lubha ring nakakaapekto sa CAD ang pagkakaiba sa interest rate ng Canada at US. Sa kasalukuyan, nasa 4.25% ang rate ng Bank of Canada, habang nasa 5.00% naman ang rate ng US Federal Reserve. Pwedeng maengganyo o madismaya ang mga dayuhang namumuhunan dahil sa naturang pagkakaiba sa rates. Bukod dito, lubos pang nakakaapekto sa galaw ng currency ang GDP growth, mga trabaho, at inflation, kasabay ng sentimyento sa risk at geopolitical na pangyayari sa buong mundo.
Bumubuo ng Bullish na Momentum ang USDCAD na may Potensyal na Upside Target
Mula noong nakabawi ito mula sa 1.34186 support level, nakaranas ang USDCAD currency pair ng pataas na momentum, kung saan nalagpasan nito ang isang pangunahing resistance.
Sa partikular, nakumpirma ang bullish na pananaw para sa USDCAD pair dahil sa nabuong non-failure swing reversal. Bumagsak ang trough ng 1.34186 sa ilalim ng nakaraang trough, at pagkatapos nalagpasan ng USDCAD ang peak sa 1.36466 kaya nagka-uptrend.
Ang suporta para sa pataas na galaw ay pinagtibay pa ng 20- at 50-period Exponential Moving Averages (EMA), kung saan kasalukuyang nagti-trade ang presyo sa itaas ng parehong lebel. Bukod dito, nananatili ang Relative Strength Index (RSI) sa itaas ng baseline na 50, na sumesenyas ng tuloy-tuloy na bullish na momentum. Nakaposisyon din ang Momentum Oscillator sa itaas ng baseline na 100, na higit pang sumenyas ng pataas na bias. Kaya lang, hindi pa nalalagpasan ng 20-period EMA ang 50-period EMA, na pwedeng makapagbigay ng mas malakas na kumpirmasyon ng tuloy-tuloy na bullish na aktibidad.
Kapag ginamit ang mga konsepto ng support at resistance kasabay ng Fibonacci tool sa swing high na 1.36466 at swing low na 1.34186, matutukoy ang potensyal na upside price targets sa 1.37875, 1.39457, at 1.40155.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, sumasailalim sa kapansin-pansing pagbabago ang ekonomiya at financial markets sa Canada, na resulta pagbabago sa pamamalakad at mga pandaigdigang aspeto sa ekonomiya, kabilang ang epekto ng geopolitical na alitan. Umigting ang magandang pananaw dahil sa interest rate cuts, kung saan inaasahan ang pagbawi ng housing market at potensyal na paglago ng ekonomiya hanggang 2025. Naiimpluwensyahan pa rin ang Canadian dollar ng presyo ng langis, pagkakaiba sa interest rates, at pandaigdigang tensyon, habang nagpapakita ang USDCAD currency pair ng bullish na momentum, na sumesenyas ng higit pang paglago. Habang tinatahak ng Bank of Canada ang mga naturang pagbabago, patuloy na huhubugin ng desisyon nito ang parehong lokal and pandaigdigang trends sa ekonomiya sa mga nalalapit na buwan.