Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Naimpluwensyahan ang Japanese Yen ng Geopolitical na Tensyon at Domestic na Datos sa Inflation
19 Abril 2024 | FXGT.com

Naimpluwensyahan ang Japanese Yen ng Geopolitical na Tensyon at Domestic na Datos sa Inflation

  • Geopolitical na Tensyon: Dahil sa ginawa ng militar ng Israel sa Iran, umiral ang napakatinding pag-iwas sa risk ng mga investor, kaya lumipat sila sa mga safe-haven na currency, na kapansin-pansing nakapagpataas sa Japanese yen. Bagamat tumaas ito, patuloy na naglalagay ng pababang pwersa sa yen ang mas malawak na sentimyento ng market, kaya napipigilan din ang pag-akyat nito habang nananatiling tensyonado at hindi pa sigurado ang geopolitical na kalagayan ng rehiyon.
  • Tugon ng Iran sa mga Airstrike ng Israel: Pagkatapos ng bagong airstrike ng Israel, inanunsyo ng Iran na wala itong agarang plano na gumanti, kaya medyo nababawasan ang pangambang lumala ang sitwasyon sa Gitnang Silangan. Nakatulong ang anunsyo sa pagbawi ng USDJPY sa maagang European session. Gayunpaman, dahil mataas pa rin ang tensyon, nananatiling nag-aalala ang market, kaya masusing sinusubaybayan ang anumang pangyayari na maaaring makaimpluwensya sa takbo ng market.
  • Datos sa Inflation ng Japan: Tumaas ng 2.7% YoY ang pambansang Consumer Price Index (CPI) ng Japan nitong Marso, na nagpapakita ng kaunting pagbagal mula sa 2.8% noong Pebrero. Ang panukat na ito, na kritikal sa pagsusuri ng mga trend sa pagkonsumo, ay sumasalamin sa katamdamang pwersa ng inflation sa Japan.
  • Pananaw ng Bank of Japan: Nakadagdag sa paglakas ng yen ang nakaraang komento ng BoJ Governor na si Kazuo Ueda. Sinabi niya na maaaring taasan pa ng bangko sentral ang interest rate kung tumindi ang inflation dahil sa pagbaba ng yen, dulot ng pagtaas ng bayarin sa pag-import.
  • Hinihintay ang Projection ngayong Quarter: Isinaad din ni Ueda sa paparating na ulat sa paglago nitong quarter at projection sa presyo, idedetalye ang epekto sa ekonomiya ng panibagong pagbaba ng yen.
  • Patuloy na Paghina: Sa kabila ng mga pagbabagong ito, nananatili sa 34 na taong low ang yen. Binanggit ng BoJ board member na si Asahi Noguchi na magiging dahan-dahan at hindi masyadong agresibo ang anumang pagbabago sa pamamalakad nito kumpara sa iba pang malalaking bangko sentral.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.