Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Lumakas ang Japanese Yen sa Gitna ng Pahiwatig ng BOJ Board na Taasan ang Rates
30 May 2024 | FXGT.com

Lumakas ang Japanese Yen sa Gitna ng Pahiwatig ng BOJ Board na Taasan ang Rates

Sumipa ang Japanese Yen Pagkatapos ng Komento ng BOJ: Lumakas ang Japanese yen pagkatapos ng komento ng Bank of Japan (BoJ) board member na si Seiji Adachi. Nagpahiwatig siya ng suporta sa pagpapataas ng interest rates kung nagresulta sa mas mataas na inflation ang mahinang yen, at binigyang-diin ang dahan-dahang pagbaba ng pagbili ng bonds para bigyang-daan ang malinaw na epekto sa market ng pangmatagalang yields.

Lumakas ang Japanese Yen: Lumakas ang Japanese yen, kung saan bumagsak ang USDJPY sa ilalim ng ¥157 kada dolyar. Nakabawi ang yen mula sa apat na linggong lows sa gitna ng malawakang pagbebenta ng risk assets na nagresulta sa pagbili ng safe haven assets. Nakakuha rin ng suporta ang yen mula sa tumataas na domestic yields, kung saan umabot ng 1.1.% ngayong linggo ang benchmark na 10-taong yield ng Japan, ang pinakamataas mula Hulyo 2011.

Tugon at Inaasahan ng Market: Tumaas ang taya ng traders na magpapatupad ng panibagong pagtaas ng interest rates ang BOJ. Nakatutok na naman ang atensyon sa datos sa inflation ng Tokyo na nakatakdang ilabas sa Biyernes, na isang mahalagang tagapaghiwatig sa trends ng mga presyo sa buong bansa.

Pwersa ng Malakas na Dolyar: Bagamat tumaas ito kamakailan, nananatiling gipit ang yen dahil sa malakas na dolyar at mataas na US Treasury yields, sa gitna ng tumataas na tyansa na manatiling mataas ang interest rates sa US sa mas mahabang panahon.

Hawkish na Komento ng Fed at Lakas ng USD: Nagkomento ang Minneapolis Fed President na si Neel Kashkari tungkol sa potensyal na rate hikes na nagdulot ng pag-aalala, at magpapanatili sa agwat ng yield sa pagitan ng US at Japan. Lumakas ang USD dahil sa mas magandang US Treasury yields, na resulta ng mas matinding pag-iwas sa risk bago ilabas mamaya ang datos sa GDP ng US, at ang core Price Index na ilalabas bukas.

Inaasahang Interest Rate ng Fed: Bumaba ang pag-asang babawasan ng Federal Reserve ang interest rates ngayong taon dahil sa patuloy na inflation, na binigyang-diin ng kamakailang pagtaas sa sentimyento ng mga konsyumer. Tinataya na ngayon ng traders ang 50% probabilidad na magkakaroon ng quarter-point cut sa pagtatapos ng pulong sa Setyembre.

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.