29 Abril 2024 | FXGT.com
Sumipa ng 500 Pips ang Japanese Yen sa Reversal na Dulot ng Espekulasyon sa Panghihimasok
- Matinding Pagbawi: Nakaranas ng matinding pagbawi ang Japanese yen pagktapos maabot ng USDJPY ang kritikal na lebel na ¥160 noong Asian session nitong Lunes, na nagmamarka sa pinakamababang punto ng yen simula noong Oktubre 1986. Pagkatapos nito, tumaas ng halos 500 pips ang yen sa loob ng isang oras noong unang bahagi ng European session, na nagpapahiwatig ng malakas na pagtaas.
- Posibleng Panghihimasok: Ang malakas na intraday na pag-akyat ay pwedeng naimpluwensyahan ng potensyal na panghihimasok ng mga awtoridad ng Japan na naglalayong pataasin ang yen, pero wala pang opisyal na kumpirmasyon tungkol dito.
- Agarang Support: Ang malaking pagbaba ng USDJPY ay nagpakita ng senyales ng support sa itaas ng low noong nakaraang linggo na ¥155. Posibleng maging tanda ang lebel na ito bilang punto na tutukoy sa galaw ng presyo sa hinaharap.
- Pag-iiba ng Pamamalakad sa Pananalapi: Nanatiling maingat ang Bank of Japan (BoJ) sa paghihigpit ng pamamalakad nito, na kabaligtaran ng Federal Reserve (Fed), na maaaring ipagpaliban ang rate cuts dahil sa patuloy na inflation. Malaki ang posibilidad na panatilihin nito ang malaking agwat sa interest rates ng US at Japan, kaya posibleng malimitahan ang pagtaas ng JPY.
- Pananaw sa mga Pangyayari sa Ekonomiya: Ang mga mahahalagang pangyayari tulad ng pulong ng FOMC at ulat sa US Nonfarm Payroll ay inaasahang magkapagdulot ng panibagong pagtaas-baba para sa USDJPY.
- Diskarte ng Investor: Dahil hindi pa matantya ang market at potensyal na manghimasok ang gobyerno, kailangang maging maingat ng mga investor at agad na tumugon sa anumang datos sa ekonomiya o anunsyo sa patakaran na maaaring makaapekto sa naturang currency pair.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .