Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Nagigipit ang Japanese Yen Habang Hinihintay ang Ulat sa GDP
13 May 2024 | FXGT.com

Nagigipit ang Japanese Yen Habang Hinihintay ang Ulat sa GDP

  • Nagpapatuloy ang Paghina ng Yen: Patuloy na nakakaranas ng pababang pwersa ang Japanese yen, kung saan lumapit ito sa ¥156.00 laban sa US dollar, habang inaabangan ng market ang paglalabas ng datos sa GDP ng Japan nitong unang quarter. Ang galaw ng yen ay sumasalamin sa patuloy na hamon ng pagpapanatili ng halaga nito sa kabila ng potensyal na panghihimasok ng gobyerno.
  • Pananaw ng Bank of Japan: Ayon sa diskusyon ng Bank of Japan sa pulong nito ngayong Abril, binigyang-diin ang potensyal na risk ng inflation at mga kondisyon na maaaring magresulta sa interest rate hikes. Gayundin, malaki ang pag-aalala sa patuloy na paghina ng yen, dahil nakakaapekto ito sa tumataas na bayarin sa pag-import at pangkalahatang pwersa ng inflation.
  • Pamamalakad ng BOJ: Sa kabila ng mga hamon, plano ng BOJ na panatilihing maluwag ang pamamalakad nito, habang tumututok sa pagsuporta sa paglago ng ekonomiya at pagbaba ng inflation. Nagpapahiwatig ito ng maingat na paninindigan sa anumang agarang pagbabago sa pamamalakad, sa kabila ng diskusyon tungkol sa potensyal na rate hikes.
  • Tugon ng Market at mga Panghihimasok: Bahagyang nakabawi ang yen mula sa matinding pagbagsak nito sa unang bahagi ng buwan, pagkatapos ng hinihinalang panghihimasok ng mga awtoridad sa Japan. Ayon sa mga ulat, halos $60B ang ginastos para suportahan ang yen, na sumasalamin sa matinding pagsisikap para maging matatag ito. Kaya lang, mabilisan lamang ang epekto nito, dahil agad na nakabawi ang dolyar kaya nabalewala rin ang pag-akyat ng yen.
  • May Potensyal pang Panghihimasok: Alerto ngayon ang mga nasa market dahil sa posible pang kilos ng mga awtoridad sa Japan. Nananatiling maselan ang sitwasyon, dahil baka walang bisa ang masyadong maliit na pagbabago, pero pwede namang mabawasan nang husto ang pera ng Japan para sa hinaharap kapag nagpatupad ito ng agresibong estratehiya.
  • Nalalapit na Ulat sa GDP: Masusing hinihintay ng investors ang nalalapit na ulat sa GDP ngayong Huwebes, na makakapagbigay ng mas malalim na pag-unawa sa takbo ng ekonomiya ng Japan at maaaring makaimpluwensya sa magiging pamamalakad ng BOJ sa hinaharap. Pwede nitong paigtingin ang kasalukuyang pamamalakad o pwede itong mag-udyok ng pag-revaluate depende sa paglago ng ekonomiya at bilis ng inflation ayon sa makikita sa datos.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.