Kabilang sa mga pangyayari sa ekonomiya ngayong araw na magdudulot ng matinding epekto ay ang desisyon sa interest rate ng European Central Bank (ECB), na susundan ng Producer Price Index (PPI) ng US at datos sa unemployment claims. Kapag pinag-aralan ang EURUSD chart, may lumitaw na bearish reversal pattern pagkatapos mabigo ang currency pair na panatilihin ang pataas na momentum. Natukoy ang mahahalagang support levels sa 1.09470, 1.08167, at 1.06083, habang naitala ang resistance levels sa 1.10867 at 1.11539. Pagdating sa fundamentals, inaasahan ang ECB na magbabawas ng 25 basis points. Kabilang sa mga pag-aalala ng ECB pagdating sa fundamental na aspeto ay ang hindi tumitigil na inflation, lalo na sa mga serbisyo, at bumabagal na paglago ng ekonomiya. Maaaring makaimpluwensya sa pamamalakad ng ECB ang desisyon ng US Federal Reserve sa rates nito.
Mga Mahahalagang Pangyayari sa Ekonomiya na may Matinding Epekto
Huwebes 15:30 (GMT+3) – Europa: Desisyon ng ECB sa Interest Rate (EUR)
Huwebes 16:30 (GMT+3) – USA: PPI MoM (USD)
Huwebes 16:30 (GMT+3) – USA: Unemployment Claims (USD)
Pagsusuri sa Chart
Pagkatapos maabot ang high na 1.12000, nagpakita ang EURUSD chart ng senyales na humihina ang kakayahan ng bulls na panatilihin ang pataas na trend. Sa partikular, dahil nagkaroon ng bearish Japanese candlestick pattern na tinatawag na Bearish Tower, nagpahiwatig na hindi kaya ng bulls na suportahan ang momentum. Bilang resulta, bumuo ang currency pair ng bearish reversal sa chart, na tinatawag na failure swing sa technical analysis. Sa partikular, nabigo ang peak sa 1.11539 na lagpasan ang nakaraang peak, at pagkatapos, bumagsak ang presyo sa ilalim ng trough na 1.10251, kaya tinatawag itong failure swing. Sinusuportahan ng 20-period Exponential Moving Average (EMA), Momentum oscillator, at ng Relative Strength Index (RSI) ang bearish na pananaw. Sa partikular, ang presyo ay nasa ilalim ng 20-period EMA, at ang Momentum oscillator pati ang RSI ay nagtala ng halaga na mas mababa sa baseline na 100 at 50, ayon sa pagkakabanggit. Kaya lang, nanatili ang presyo sa itaas ng 50-period EMA. Kapag gumamit ng Fibonacci retracement tool sa failure swing, matatantya natin ang tatlong support levels: 1.09470, 1.08167, at 1.06083.
Mahahalagang Resistance Levels
Kung sakaling makokontrol ng bulls ang market, maaaring malipat ang atensyon ng traders sa apat na potensyal na resistance levels sa ibaba: 1.10867: Ang pangunang resistance ay natukoy sa 1.10867, na kumakatawan sa lingguhang Pivot Point (PP) na nakalkula gamit ang standard Pivot Point method. 1.11539: Ang pangalawang target na presyo ay namataan sa 1.11539, na tumutugma sa swing high na nabuo noong Setyembre 6. 1.12000: Ang ikatlong target ay nakita sa 1.12000, na tugma sa arawang high na naitala noong Agosto 26. 1.12772: May isa pang dagdag na target na natantya sa 1.12772, na tumutugma sa lingguhang resistance (R3) na nakalkula gamit ang standard Pivot Point method.
Mahahalagang Support Levels
Kung sakaling mapapanatili ng mga nagbebenta ang kontrol nila sa market, maaaring isaalang-alang ng traders ang apat na potensyal na support levels sa ibaba: 1.09470: Ang unang target na presyo ay natukoy sa 1.09470, na tumutugma sa peak na naitala noong Hulyo 17 at 161.8% Fibonacci extension na ginuhit mula sa swing low na 1.10251 papunta sa swing high na 1.11539. 1.08908: Ang ikalawang support ay namataan sa 1.08908, na kumakatawan sa lingguhang support (S3) na nakalkula gamit ang standard Pivot Point method. 1.08167: Ang ikatlong support line ay naitala sa 1.08167, na sumasalamin sa 261.8% Fibonacci extension na ginuhit mula sa swing low na 1.10251 papunta sa swing high na 1.11539. 1.06651: May isa pang dagdag na pababang target na naobserbahan sa 1.06651, na sumasalamin sa trough na naitala noong Hunyo 26.
Fundamentals
Ngayong araw, inaasahan na bababaan ng European Central Bank (ECB) ang interest rates ng 25 basis points patungong 3.5%, na magiging pangalawang pagbabawas ngayong taon pagkatapos itong mahinto noong Hulyo. Bagamat bumaba sa 2.2% ang inflation sa eurozone, nananatiling mataas sa 2.8% ang core inflation, lalo na sa sektor ng mga serbisyo, dahil sa pagtaas ng sahod. Patuloy na nag-aalala ang mga opisyal ng ECB dahil sa tuloy-tuloy na inflation, partikular na sa mga serbisyo, kaya nag-aalangan sila na ibunyag ang plano sa magiging pagbabawas ng rates sa hinaharap.
Maaaring makapagbigay ng higit na pananaw ang pangulo ng ECB na si Christine Lagarde, pero hinuhulaan ng mga analyst na kaunti lang ang maibibigay niyang gabay tungkol sa magiging kilos sa hinaharap. Bagamat may ilan na nag-aabang ng higit pang rate cuts bago mag Disyembre, kung saan potensyal na bumaba patungong 2.5% ang rates pagdating ng susunod na taon, nagbabala ang mga hawkish na miyembro tulad nila Isabel Schnabel at Joachim Nagel laban sa mabilis na pagbabawas ng rates bago makontrol nang lubusan ang inflation. Isa pang pag-aalangan ang paglago ng ekonomiya, kung saan nakikita sa bagong datos ang pagbagal ng momentum.
Maaaring makaimpluwensya sa desisyon ng ECB ang nalalapit na rate cuts ng US Federal Reserve, na pwedeng magtulak sa mas mataas na rate cut sa Oktubre kung lalakas ang euro laban sa dolyar. Kaya lang, nananatiling malaking hamon ang kaakibat na inflation at nagmamahal na presyo ng mga serbisyo para sa pangmatagalang pamamalakad ng ECB.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, kritikal sa paghubog ng takbo ng market ang mga pangyayari sa ekonomiya ngayong araw, lalo na ang inaasahang rate cut ng ECB at mahahalagang datos sa ekonomiya ng US. Nagpapahiwatig ng higit pang pagbaba ang bearish na pananaw para sa EURUSD, na sinusuportahan ng mga technical indicator at pattern sa chart. Habang tinatahak ng ECB ang tuloy-tuloy na inflation at pagbagal ng paglago ng ekonomiya, kasabay ng nalalapit na desisyon sa rates ng US Federal Reserve, masusing susubaybayan ng market kung paano maiimpluwensyahan nitong mga aspeto ang magiging pamamalakad at galaw ng presyo sa hinaharap.
總括而言,今日影響重大的經濟事件,尤其是歐洲央行的預期降息和美國的關鍵經濟數據,將在塑造市場動態方面發揮關鍵作用。 在技術指標和圖表形態的支持下,歐元兌美元的看跌前景顯示可能會進一步下跌。 隨著歐洲央行(ECB)在美國聯邦儲備局(US Federal Reserve)即將做出利率決定的同時,還要應對持續的通貨膨脹和增長放緩問題,市場參與者將密切關注這些因素如何影響未來的貨幣政策和價格走勢。
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.