Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Pinaghahandaan ng Market ang Komento ni Powell sa Inilabas na Datos sa Inflation
29 Marso 2024 | FXGT.com

Pinaghahandaan ng Market ang Komento ni Powell sa Inilabas na Datos sa Inflation

  • Bahagyang Tumaas ang Inflation sa US: Tumaas ng 2.5% ang PCE Price Index ngayong Pebrero kumpara noong nakarang taon, kaya sumesenyas ito ng kaunting pagtaas mula sa 2.4% noong Enero. Buwan-buwan, tumaas ng 0.3% ang PCE Price Index, na mas maliit kaysa sa inaasahang pagtaas na 0.4%.
  • Tugma ang Core PCE Inflation sa mga Forecast: Ang core PCE Price Index, na hindi naglalaman ng presyo ng pagkain at enerhiya, ay tumaas ng 2.8% nitong Pebrero kumpara noong nakaraang taon, na tugma sa hula ng mga analyst. Sinundan nito ang pataas na pagbabago ng core PCE nitong Enero patungong 2.9% kumpara noong nakaraang taon at 0.5% kumpara noong nakaraang buwan.
  • Mas Mahinang Reaksyon ng Market dahil sa Bakasyon: Ang paglalabas ng datos sa inflation ng US ngayong semana santa ay nagresulta sa limitadong reaksyon ng market. Gayunpaman, bahagyang bumaba ang US Dollar Index pagkatapos inilabas ang datos, at inaasahang magtatapos ito ngayong Marso tulad ng lebel na naabot nito sa simula ng buwan.
  • Nakatutok Ngayon ang mga Investor sa Datos sa Trabaho: Nakatutok na ngayon ang mga investor sa papalapit na datos sa trabaho na ilalabas sa susunod na Biyernes, na susuriin kasama nitong datos sa inflation.
  • Inaasahang Pahayag ng Fed Chair na si Jerome Powell: Masusing inaabangan ng mga nasa market ang sasabihin ng Chairman ng US Federal Reserve na si Jerome Powell mamaya. Bagamat hindi naman siya inaasahang magbigay ng sorpresa, pwedeng makaimpluwensya ang komento niya sa sentimyento ng market at takbo ng US dollar.

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Mga kategorya
Tag
Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
Nakaraang Artikulo
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.