Ang kamakailang takbo ng AUDUSD currency pair ay punong-puno ng malalaking pagtaas-baba na resulta ng iba’t-ibang pangyayari sa ekonomiya, sentimyento ng market, mga technical indicator, at pattern sa chart. Mula noong kalagitnaan ng Hulyo, nakaranas ang pari ng malakas na pababang trend, na inistorbo ng maikling pagtatangkang makabawi. Inaasahan na bubusisiing mabuti ng traders ang currency pair dahil sa mga ilalabas na mahahalagang datos sa ekonomiya na maaaring makaapekto sa halaga ng currency.
Mga Pangyayari sa Ekonomiya na may Matinding Epekto
Sabado 04:00 AM (GMT+3) – China: Manufacturing PMI (CNY)
Pagsusuri sa Chart
Sumusunod ang AUDUSD sa isang pababang trend mula noong Hulyo 17, kung saan nag-peak ito sa 0.455452. Ang pababang takbo ay sinenyasan ng iba’t-ibang nabuong Japanese candlestick reversal na sinundan ng pattern sa chart na tinatawag na failure swing sa technical analysis. Sa partikular, nabigo ang peak na 0.449288 na lagpasan ang nakaraang peak, at pagkatapos nito, bumagsak ang presyo sa ilalim ng trough na 0.413209, kaya tinatawag itong failure swing. Bumagsak ang presyo ng palitan sa ilalim ng 20 at 50-period Exponential Moving Averages (EMA), na bumuo ng sunod-sunod na mas mababang lows at mas mababang highs, na nagpatindi sa pababang momentum, kaya bumagsak ang palitan ng AUDUSD papuntang 0.272160 noong Agosto 5. Pagkatapos nito, nakabawi ang presyo mula sa lows bilang pagtatangkang bumuo ng pataas na correction at potensyal na reversal. Dahil nagkaroon ng bullish failure swing, naengganyo ang bulls na pasukin ang market, kaya nahila nila ang presyo ng AUDUSD sa 0.400561. Nagpapahiwatig ng bullish na pananaw ang Momentum oscillator, kung saan mas mataas ito sa baseline na 100. Kaya lang, magkahalo ang signal na pinapakita ng dalawang EMAs at ng Relative Strength Index (RSI). Sa partikular, ang presyo ay nasa ilalim pa rin ng 20 at 50-period EMAs, at mas mababa sa 50 ang naitalang RSI, na nagpapahiwatig ng downtrend.
Mahahalagang Resistance Levels
Kung sakaling makukuha ng mga bumibili ang kontrol nila sa market, maaaring ilipat ng traders ang atensyon nila sa apat na potensyal na resistance levels sa ibaba:
0.374577: Natukoy ang unang target na presyo sa 0.374577, na sumasalamin sa lingguhang (PP) Pivot Point na nakalkula gamit ang standard Pivot Point method.
0.400561: Namataan ang pangalawang target sa 0.400561, na tumutugma sa peak na nabuo noong Agosto 24.
0.410232: Ang ikatlong target na presyo ay natukoy sa 0.410232, na tumutugma sa 261.8% Fibonacci extension na ginuhit mula sa swing high na 0.355713 papunta sa swing low na 0.319530.
0.422299: May isa pang resistance na nakita sa 0.422299, na tugma sa (R1) resistance na nakalkula gamit ang lingguhang Pivot Point method.
Mahahalagang Support Levels
Kung sakaling mapapanatili ng mga nagbebenta ang kontrol nila sa market, pwedeng isaalang-alang ng traders ang apat na potensyal na support levels sa ibaba:
0.340077: Ang pangunahing downside target ay natukoy sa 0.340077, na tugma sa arawang low na nabuo noong Agosto 28.
0.319530: Ang pangalawang support level ay nasa 0.319530, na kumakatawan sa swing low na naitala noong Agosto 15.
0.300871: Ang ikatlong third support line ay nakita sa 0.300871, na kumakatawan sa (S2) support na nakalkula gamit ang lingguhang standard Pivot Point method.
0.272160: May isa pang pababang target na naobserbahan sa 0.272160, na tumutugma sa arawang low na naitala noong Agosto 5.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, dahil sa kamakailang pagtaas-baba ng AUDUSD currency pair, nabigyang-diin ang kritikal na papel ng pagsusuri ng chart para tahakin ang mga trend sa market. Sa tulong downtrend na naobserbahan mula kalagitnaan ng Hulyo, na tinukoy ng mahahalagang pattern sa chart at mga technical indicator, nagkaroon ng potensyal na resistance at support levels na dapat subaybayang mabuti ng mga trader. Habang patuloy na tumutugon ang market sa mga signal na ‘to, mahalagang maunawaan ang ugnayan ng mga aspetong ito para makagawa ng tamang desisyon sa pag-trade.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.