Nakakaranas ang USDCHF currency pair ng pababang takbo simula umpisa ng Mayo, kung saan nakapagtala ito ng mas mababang peaks at troughs na sumenyas ng patuloy na pagbagsak. Ayon sa mga technical pattern at indicator na nasa loob ng galaw ng presyo, may potensyal na pagpiglas para makontrol ito ng bulls, kung saan nagpapahiwatig ng mas malawak na sentimyento sa market ang nakaraang pagbagsak nito. May lumipat na mahahalagang lebel bilang punto ng pagbaliktad, kung saan pwedeng mabago ang direksyon kapag nabalanse ang mga bumibili at nagbebenta. Sa kabila ng mga pagbabagong ito, nananatiling malakas ang Swiss franc, dahil karaniwan itong inaasahan sa panahon ng di kasiguraduhan, na sumasalamin sa nabubunyag na landas nito at kumakatawan sa mas malalim na trend sa ekonomiya at geopolitics.
Mga Pangyayari sa Ekonomiya na may Matinding Epekto
Huwebes 10:15 AM (GMT+3) – France: Flash Manufacturing PMI (EUR)
Huwebes 10:15 AM (GMT+3) – France: Flash Services PMI (EUR)
Huwebes 10:30 AM (GMT+3) – Germany: Flash Manufacturing PMI (EUR)
Huwebes 10:30 AM (GMT+3) – Germany: Flash Services PMI (EUR)
Huwebes 11:30 AM (GMT+3) – UK: Flash Manufacturing PMI (GBP)
Huwebes 11:30 AM (GMT+3) – UK: Flash Services PMI (GBP)
Biyernes 17:00 (GMT+3) – USA: Bentahan ng mga Bagong Bahay (USD)
Pagsusuri sa Chart
Nakakaranas ang USDCHF ng pababang trend mula Mayo 1 noong naabot nito ang 0.92236. Makikita ito sa bearish Japanese candlestick pattern na tinatawag na Dark Cloud Cover. Pagkatapos nito, bumuo ang presyo ng bearish chart pattern na tinatawag na failure swing, kung saan nabigo ng peak na 0.91577 na lagpasan ang nakaraang peak na 0.92236, at bumagsak ang presyo sa katumbas na trough na 0.89875. Noong Hunyo 7, may pangatlong bearish signal na nakita sa 20-period Exponential Moving Average (EMA) na lumagpas sa ilalim ng 50-period EMA, at nagreresulta sa malakas na bearish double-crossover na tinatawag na “Death Cross.” Sinusuportahan ng parehong Momentum oscillator at ng EMAs ang bearish na pananaw para sa Swissie. Nagpakita ang Momentum ng halaga na mas mababa sa baseline na 100, habang ang maikling EMA ay nasa ilalim ng mahabang EMA, at parehong nakaturo pababa ang mga linya. Bukod dito, nagpapahiwatig ang Relative Strength Index ng downtrend dahil nagtala ito ng halagang mas mababa sa 50.
Mahahalagang Resistance Levels
Kung sakaling makokontrol ng mga bumibili ang market, pwedeng ilipat ng traders ang atensyon nila sa apat na potensyal na resistance levels sa ibaba:
0.87478: Ang unang target na presyo ay natukoy sa 0.87478, na sumasalamin sa swing high na nakita noong Agosto 15.
0.88264: Ang pangalawang target ay makikita sa 0.88264, na tugma sa internal trendline na tugma sa 50% retracement sa pagitan ng high na 0.92236 at ng low na 0.84319.
0.89212: Ang pangatlong target na presyo ay naitala sa 0.89212, na tumutugma sa 61.8% Fibonacci retracement sa pagitan ng swing high at ng swing low na 0.92236 at 0.84319, ayon sa pagkakabanggit.
0.90499: May dagdag na resistance na namataan sa 0.90499, na tugma sa peak na nabuo noong Hulyo 3.
Mahahalagang Support Levels
Kung sakaling mapapanatili ng mga nagbebenta ang kontrol nila sa market, pwedeng isaalang-alang ng traders ang apat na support levels na nakalista sa ibaba:
0.84319: Ang pangunahing downside target ay natukoy sa 0.84319, na tugma sa arawang low na nabuo noong Agosto 5.
0.83323: Ang pangalawang support level ay nasa 0.83323, na kumakatawan sa lingguhang low na namataan noong Disyembre 28.
0.82394: Ang ikatlong support line ay natukoy sa 0.82394, na kumakatawan sa Fibonacci extension na kilala bilang Golden Mean (161.8%) sa pagitan ng swing low na 0.84319 at ng swing high na 0.87478.
0.79278: May isa pang downward target na naobserbahan sa 0.79278, na kinalkula bilang 261.8% Fibonacci extension sa pagitan ng low na 0.84319 at ng high na 0.87478.
Fundamentals
Ang USDCHF, na karaniwang tinatawag na “Swissie,” ay ang pang-lima sa pinaka tini-trade na currency pair sa forex market. Itinuturing itong safe haven dahil sa katatagan ng Switzerland at hindi nito pagpanig sa anumang partido, at isa itong reserve currency na ginagamit sa mga market sa buong mundo. Kadalasang binibili ‘to ng mga investor sa panahon ng hindi kasiguraduhan sa ekonomiya at geopolitics, na nagtatangkang hadlangan ang pagiging matatag ng iba pang foreign currency.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, dahil sa pababang takbo ng USDCHF, napansin ang mahahalagang galaw ng presyo at potensyal na support at resistance levels, kaya nabigyang-diin ang paghihikahos ng iba’t-ibang pwersa sa market. Makikita sa pair ang mas malawak na sentimyento ng market, kung saan kritikal ang papel ng magiging pagbabago sa ekonomiya at geopolitics. Habang tinatahak ‘to ng traders, patuloy na isang mahalagang aspeto ang reputasyon ng Swiss franc bilang safe haven, kaya nagbibigay ito ng balanse sa gitna ng di kasiguraduhan.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.