Tumaas ang NZDUSD ng mahigit 6% simula noong Hulyo, kung saan nagpakita ito ng limang linggong sunod-sunod na mas mataas na highs sa gitna ng pagbabago sa pamamalakad na ipinatupad ng Reserve Bank of New Zealand, bilang pagtatangka na dalhin ang inflation sa ibaba ng 3%. Sa kabilang banda, tumalbog ang US Dollar Index mula sa lows nito pagkatapos ng apat na linggong sunod-sunod na mas mababang lows, partikular na pagkatapos noong nakaraang pagbabago na nagpapakita na tumaas ng 3% ang ekonoimiya ng US sa naka-annualize na rate noong Q2 2024, na mas mataas kumpara sa dating tantya na 2.8%, na resulta ng mas malakas kaysa sa inaasahang paggastos ng mga konsyumer, na tumaas ng 2.9%.
Official Cash Rate
Noong Agosto 14, binabaan ng Reserve Bank of New Zealand ang Official Cash Rate (OCR) nito ng 25 basis points patungong 5.25%, kasunod ng pag-asa na bababa ang taunang inflation patungo sa target ng Monetary Policy Committee na 1 hanggang 3 porsyento sa quarter na magtatapos sa Setyembre 2024, at babalik ito sa 2 porsyento sa kalagitnaan ng susunod na taon.
Kasalukuyang nasa 3.3% ang inflation rate sa New Zealand.
Nagpupulong ang Monetary Policy Committee (MPC) ng pitong beses taon-taon para pag-aralan ang OCR, na isang mahalagang tool na ginagamit para panatilihin ang katatagan ng presyo. Layunin nitong panatilihin ang inflation sa target na 1% hanggang 3% sa katamtamang panahon, kung saan layunin na maabot ang panggitna na 2%. Habang tumataas ang inflation, pwedeng taasan ng MPC ang OCR, na siyang magpapataas sa interest rates para makatulong sa pagpapababa ng inflation.
Pinakamataas na Kumpiyansa ng mga Negosyo sa New Zealand sa Loob ng Isang Dekada
Noong Agosto 2024, umabot ang kumpiyansa ng mga negosyo sa New Zealand patungo sa pinakamataas na lebel sa loob ng isang dekada, kung saan sumipa ang ANZ Business Confidence Index ng 23 points patungong +51. Sumasalamin ito sa pagtaas ng inaasahang aktibidad, kaya sumipa ito sa pinakamataas na lebel sa loob ng pitong taon, kasabay ng malakas na trabaho at intensyon sa pamumuhunan. Kaya lang, sa kabilang ng magandang pananaw, nananatilihing mahina ang nakaraang aktibidad, partikular na sa sektor ng konstruksyon, kung saan magkaiba ang inaasahan sa hinaharap kumpara sa nahahalatang performance sa kasalukuyan.
Bumagsak sa ilalim ng 3% ang inaasahang inflation sa kauna-unahang pagkakataon simula Hulyo 2021, na nagpapahiwatig ng positibong takbo, habang tumaas ang intensyon sa pagpresyo, na nagpapahiwatig na maraming kumpanya ang may planong taasan ang presyo sa mga susunod na buwan. Kapansin-pansin na nahahalata na ang pagtaas ng kumpiyansa sa unang bahagi ng buwan, bago pa bawasan ng Reserve Bank ang Official Cash Rate (OCR) nito, na sumesenyas na resulta ito ng mas malawak na kondisyon ng ekonomiya at pag-abang sa mas mababang interest rate.
Bagamat gumaganda ang pananaw, may hamon pa rin sa kasalukuyang lagay ng mga negosyo, kung saan humaharap sa pagsubok ang mga sektor tulad ng konstruksyon at retail. Nagpapakita ito ng magkahalo pero positibong lebel, kung saan nangunguna ang manufacturing pagdating sa kumpiyansa at dami ng aktibidad. Habang umuusad ang New Zealand, kritikal ang pangmatagalang takbo nitong magandang pananaw, lalo na pagdating sa impluwensya nito sa totoong desisyon ng mga negosyo at pagbawi ng ekonomiya. Masusing susubaybayan ng Reserve Bank at mga sumasabak sa market ang naturang trends para pakiramdaman ang patuloy nitong epekto sa mas malawak na ekonomiya.
Bumibilis ang Ekonomiya ng US: Umabot sa 3.0% ang GDP Growth nitong Q2 2024 sa Gitna ng Lumalaking Paggastos ng mga Konsyumer
Lumago ng 3% ang ekonomiya ng US sa naka-annualize na rate nitong Q2 2024, na bahagyang mas mataas kumpara sa pangunang tantya ng 2.8%, dahil sa mas malakas na paggastos ng mga konsyumer. Tumaas ng 2.9% ang personal na gastusin, mula sa nakaraang tantya na 2.3%. Lumaki din ang Gross Domestic Income (GDI) ng 1.3%, na tugma sa paglago noong unang quarter. Bagamat bumagal ang paglago kumpara noong huling bahagi ng 2023, inaasahang babawasan ng Federal Reserve ang interest rates sa nalalapit na panahon, na pwedeng makatulong sa mga sektor tulad ng pabahay at manufacturing.
Hindi Nagbago ang US Jobless Claims, na Sumasalamin sa Matatag na Labor Market
Sa linggong nagtapos noong Agosto 24, 2024, bahagyang bumagsak sa 231,000 ang pangunang unemployment claims sa US, habang nanatiling matatag sa 1.2% ang insured unemployment rate. Bumaba din ang apat na linggong moving average para sa claims, na sumasalamin sa matatag na labor market. Bagamat may mga pagkakaiba kada estado, nakaranas ng kaunting pagbabago ang pangkalahatang unemployment claims, na nagpapahiwatig ng patuloy na katatagan sa jobless benefits claims sa buong bansa
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, tinatahak ng ekonomiya ng New Zealand at US ang kumplikadong lagay ng pagbabago sa pamalalakad at bumabaliktad na tagapaghiwatig ng ekonomiya. Tumaas ang NZD dahil sa pagsisikap ng Reserve Bank of New Zealand na limitahan ang inflation, habang nakatulong naman sa paglago ng GDP ng US ang malakas na paggastos ng mga konsyumer. Kaya lang, may mga kaakibat na hamon sa sektor ng konstruksyon at retail sa New Zealand, kasabay ng potensyal na kinabukasan ng pagbabago sa interest rate ng US, na nagpapahiwatig na hindi pa rin sigurado ang magiging landas sa kinabukasan, kaya kailangan pa ring maging mapanuri para mapanatili ang katatagan at paglago ng ekonomiya.