Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Sumipa ang NZD/USD sa Tatlong Linggong High Bago ang Pulong ng RBNZ
9 July 2024 | FXGT.com

Sumipa ang NZD/USD sa Tatlong Linggong High Bago ang Pulong ng RBNZ

  • Umabot ang NZD/USD sa Tatlong-Linggong High: Sumipa ang NZD/USD pair sa bagong tatlong-linggong high sa itaas ng 0.6150 nitong Lunes ng umaga, na nagmamarka sa ikalimang magkasunod na session na tumaas ang kiwi. Ang pagtaas na ito ay pinaigting ng espekulasyon na sisimulan ng Federal Reserve sa Setyembre ang pagbabawas ng interest rates, pagkatapos ilabas ang US Non-Farm Payrolls (NFPs) nitong Hunyo, na nagpahiwatig sa pagiging normal ng labor market.
  • Pulong ng RBNZ sa Pamamalakad Nito: Ngayong linggo, tututukan ang New Zealand dollar dahil sa pulong ng RBNZ ngayong Miyerkules. Inaasahan na hindi babaguhin ng RBNZ ang rates nito sa 5.5%. Masusing susubaybayan ng investors ang anumang hawkish na pahayag tungkol sa magiging galaw ng interest rates sa hinaharap, na pwedeng magtulak sa investors na bawasan ang taya sa pagkakaroon ng rate cuts, na susuporta sa New Zealand dollar.
  • Pananaw ng RBNZ: Sa kabila ng paghina ng ekonomiya, inaasahang pananatilihin ng RBNZ sa Miyerkules ang kasalukuyan nitong pamamalakad nang hindi nagiging dovish, dahil kulang pa ang bagong datos sa inflation. Ilalabas ang Hulyo 17 ang susunod na ulat sa CPI, na magiging kritikal para sa rate cuts, at nagpapahiwatig ito na maaaring hindi maganda ang pananaw tungkol sa ilalabas na pamamalakad ngayong Hulyo.
  • Tetestigo ang US Fed Chair na si Powell: Inaasahan ang testimonya ni Jerome Powell mamaya, kung saan ipagpapatuloy niya ang dovish na tono pagkatapos ng mahinang Non-Farm Payrolls noong Biyernes. Tinataya ng market na magkakaroon ng 75% tyansa ng dalawang rate cuts ngayong taon, kung saan sa Setyembre gagawin ang una dito. Malamang na hindi ito itatanggi ni Powell sa gitna ng bumabagal na kondisyon ng market at pwersa ng inflation, pati na ang mga mahihigpit na pamamalakad.
  • Epekto ng Ulat sa Inflation sa US: Sa nalalapit na ulat sa US Consumer Price Inflation ngayong Huwebes, maaaring maantala ang dovish na pananaw ng Federal Reserve. Kapag malakas ang datos, kokontrahin nito ang senyales ng humihinang aktibidad sa ekonomiya na maaaring magtulak para makabawi ang US dollar.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.