Nagkakagulo ang pandaigdigang oil markets ngayong linggo sa gitna ng hindi inaasahang pagbaba ng stockpiles ng krudo sa US, na nagtulak sa pagtaas ng presyo at nagpahiwatig ng mas malakas na domestic na demand. Umakyat sa $74.13 kada bariles ang Brent, habang tumaas din sa $70.56 ang WTI. Gayundin, nagpahiwatig ang OPEC+ na ipagpaliban ang pagdagdag ng produksyon para balansehin ang mas mahinang forecast sa demand, lalo na’t may pag-aalala kaugnay sa kahinaan ng ekonomiya ng China. Gayunpaman, sa nakaraang ulat ng World Bank, inaasahan ang potensyal na oversupply ng langis sa 2025 hanggang 2026, na pwedeng makadagdag sa pababang pwersa. Habang humihigpit ang imbentaryo at bumabagal ang output ng mga refinery, sinusubaybayan ng market ang mga pangunahing support at resistance levels, kasabay ng dagdag na epekto mula sa ekonomiya ng US, potensyal na rate cuts ng Fed, at mga pangyayari sa Middle East na nakaambang humubog sa trends sa hinaharap.
Sumipa ang Presyo ng Langis sa Gitna ng Pagbagsak ng Stockpiles sa US, pero Nananatili ang Pag-aalala sa Pandaigdigang Demand
Tumaas ang presyo ng langis sa global market dahil sa hindi inaasahang pagbaba ng stockpiles ng krudo sa US, na nagpapahiwatig ng mas malakas na demand. Tumaas sa $74.13 kada bariles ang Brent, habang sumipa sa $70.56 ang WTI sa oras na isinulat ito. Iniulat ng American Petroleum Institute ang pagbabawas ng 573,000 na bariles sa stocks ng US, na taliwas sa inaasahang pagtaas na 2.3 milyon.
Ayon sa ulat ng World Bank, pwedeng magkaroon ng potensyal na oversupply ngayong 2025 hanggang 2026, na maaaring manggipit sa presyo. Inaasahang makakaimpluwensya sa demand ang datos sa ekonomiya ng US at rate cuts ng Fed, habang tumataas naman ang pag-aalala sa supply dahil sa tensyon sa Middle East. Gayunpaman, humihina ang tantya kaugnay sa pagkagambala ng supply, at lumilipat ang atensyon sa potensyal na mas mahinang demand at inaasahang surplus sa susunod na taon.
Pagbagal ng Output ng mga Refinery at Pagbaba ng Imbentaryo sa Gitna ng Tumataas na Demand sa Langis ng US
Sa linggong nagtapos noong Oktubre 25, 2024, nag-average sa 16.1 milyong bariles kada araw ang input ng mga refinery ng krudo sa US, kung saan tumatakbo sa 89.1% na kapasidad ang mga refinery. Parehong bumaba ang produksyon ng gasolina at distillate, habang bumagsak sa 6.0 milyong bariles kada araw ang mga inaangkat na krudo, mula sa 456,000 na bariles noong nakaraang linggo. Bumagsak ng 0.5 milyong bariles patungong 425.5 milyon ang imbentaryo ng komersyal na krudo, na mas mababa kumpara sa limang taong average. Bumagsak din ang imbentaryo ng gasolina at distillate, at nabawasan ng 9.5 milyong bariles ang kabuuang imbentaryo ng petrolyo. Sa loob ng nakaraang apat na taon, tumaas sa 20.9 milyong bariles kada araw ang kabuuang produkto na na-supply, na mas mataas ng 2.7% YoY.
Sunod-sunod na Tumaas ang WTI Crude dahil sa Pagpapaliban ng OPEC+ at Sorpresang Pagbaba ng Imbentaryo
Nakakuha ng suporta ang WTI Crude mula sa ulat na ipagpapaliban ng OPEC+ ang nakaplanong pagdagdag ng produksyon para mabalanse ang mahinang demand sa buong mundo lalo na sa China. Nakatakda dapat gawin sa Oktubre ang pagdami ng output, na unti-unting aakyat sa 2.5 milyong bariles kada araw sa pagtatapos ng 2025. Samantala, makikita sa imbentaryo ng US ang hindi inaasahang pagbabawas ng krudo (-515K bariles), gasolina (-2.7M bariles), at distillate (-977K bariles), na nagpapahiwatig ng lakas ng market. Lumagpas pa sa higit $69.00 ang WTI futures dahil sa positibong datos sa PMI ng China. Kaya lang, pwedeng makaimpluwensya sa sentimyento ng market at direksyon ng presyo at potensyal na tigil-putukan sa Middle East.
Nakabawi ang Krudo ayon sa Bullish Pattern, pero Nakaamba ang Downtrend sa Gitna ng Paglapit ng mga Inaabangang Lebel
Pagkatapos maabot ang low na $66.75 kada bariles pagkatapos ng technical na agwat, nag-umpisa ang upside correction ng krudo, kung saan bumuo ang bullish Engulfing pattern ng dalawang magkasunod na mas mataas na highs sa panahong isinulat ito. Kasalukuyang nagti-trade ang presyo sa ilalim ng 20- at 50-period Exponential Moving Averages (EMAs), na nagpapahiwatig ng tuloy-tuloy na pababang momentum. Sa mas mabusising pagsusuri, nagsisimulang maging patag ang mga moving averages, na nagpapahiwatig ng potensyal na paghihinto sa direksyonal na momentum. Bukod dito, nananatiling mas mababa sa baseline na 100 at 50 ang Momentum oscillator at Relative Strength Index (RSI), ayon sa pagkakabanggit, na kumukumpirma sa downtrend. Kung mapapanatili ng mga nagbebenta ang kontrol sa market, maaaring tutukan ng traders ang sumusunod na support levels: 66.75, 65.07, at 56.91. Sa kabilang banda, kung makokontrol ito ng bulls, tinataya ang mga resistance level sa 72.45, 73.96, at 76.44.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, kumplikado ang lagay ng oil market sa buong mundo dahil sa pagbaba ng stockpiles sa US, pagkaantala ng produksyon sa OPEC+, at tensyon sa Middle East, na tumatayo bilang suporta sa presyo, habang iniingatan rin ang forecast sa oversupply sa mga darating na taon. Dahil mahalaga ang papel ng ekonomiya ng US at China, susubaybayang mabuti ng mga trader ang mga pangunahing technical na lebel at geopolitical na kaganapan para mapakiramdaman ang momentum sa hinaharap. Ang ugnayan nitong mga aspeto ay nagbibigay-diin sa pagiging sensitibo ng market sa pagbaliktad ng inaasahang demand at takbo ng supply.