12 June 2024 | FXGT.com
Umakyat ang Presyo ng Langis sa Gitna ng Bagong Forecast sa Demand at Pagbaba ng Imbentaryo
- Sumipa ang Presyo ng Langis sa Gitna ng Positibong Forecast sa Demand: Patuloy na tumaas ang presyo ng langis noong Miyerkules dahil sa suporta ng mas masiglang projection sa demand nito sa buong mundo ayon sa US Energy Information Administration (EIA) at OPEC, kasabay ng datos sa industriya na nagpapakita ng mas matinding pagbaba sa imbentaryo ng US crude oil kaysa sa inaasahan.
- Forecast ng EIA at OPEC sa Demand: Binago ng EIA ang forecast nito sa pandaigdigang demand sa langis ngayong 2024 patungong 1.10M bariles kada araw, mula sa dating tantya na 900,000 bpd. Pinanatili ng OPEC ang forecast nito sa malakas na paglago sa demand sa langis ngayong 2024, sa gitna ng pinaigting na pagbiyahe at turismo sa ikalawang bahagi ng taon.
- Tugon ng Market sa Pagbabawas ng Produksyon ng OPEC: Bumagsak ng 4% ang presyo noong Lunes pagkatapos ianunsyo ng OPEC at ng mga kaalyado nito na tatapusin na ang pagbabawas ng produksyon simula Oktubre. Kaya lang, dahil sa forecast ng OPEC sa lumalakas na demand, nagpapahiwatig na mababawi din ito agad ng market dahil sa demand mula sa China at iba pang lumalagong ekonomiya.
- Imbentaryo ng US Crude Oil: Ayon sa American Petroleum Institute (API), bumagsak ang stock ng US crude oil ng 2.428M bariles sa linggong nagtapos noong Hunyo 7. Ang pagbagsak na ito ay mas mataas kaysa sa inaasahang pagbabawas na 1.75M bariles. Inaasahan mamaya ang opisyal na datos mula sa EIA.
- Nalalapit na Datos sa Ekonomiya: Hinihintay ng investors ang ulat sa US Consumer Price Index (CPI) at ang anunsyo ng Federal Reserve sa pamamalakad nito, na parehong ilalabas mamaya. Ang dovish na pananaw mula sa Fed ay susuporta sa presyo ng langis sa pamamagitan ng pagpapabilis sa paglago ng ekonomiya at pagpapataas ng demand. Kaya lang, nananatiling isang bearish na aspeto ang pangmatagalang pag-aalala tungkol sa pandaigdigang pagbagal ng ekonomiya sa buong mundo.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .